Chapter 10 (Is it she?)

64 9 5
                                    

FRANCESCA WICHITA (HM of the Academy) POV

...hay nako... Kanina pa ako hindi mapakali dito sa office ko...

Mula ng manggaling ako sa room ng Silverous...

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung nangyare kanina bukod sa paglabas ng First Prophecy...

Flashback...

"ok Belle you may start" sabi ko kay ms. Sunshine..

Nahihiwagaan ako sa pagkatao nya.. Pero ramdam ko na mabait sya...

Pumikit na sya at tumayo ng maayos... Nakita ko rin ang paghinga nya ng malalim...

Tapos unti-unti ko ng nakikita ang paglabas ng aura sa katawan nya....

Nakikita ko na tumataas na ang rank nya sa helmet lumampas na ito ng rank 20...

Nakita ko ang pagbabago ng mukha nya... Unti - unting kumukunot ang noo nya tapos nakita ko ang pagbilis ng paghinga nya....

Nararamdaman ko na rin ang kakaibang enerhiyang gustong lumabas sa katawan nya... Hindi ito katulad ng una nyang inilabas...

Unti-unti na ring lumalakas ang hangin sa loob ng office ko...

Nakikita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag aalala sa mukha ni Marife pero nanatili pa rin itong walang kibo..

Siguro buo ang tiwala nya kay Belle...

Nagsisimula ng magulo ang office ko.. Tsss... Kaya naglagay na ako ng proteksyon...

Ikinumpas ko ang aking wand kaya nagkaroon kami ng barrier sapat lang sa table ko...
At sa parteng inuupuan ni Ms. Hellswood...

Buti naman at nalagyan ko kaagad... Dahil biglang lumakas ang pwersang nanggaling kay Belle at kung nagkataon ang mga mahahalagang Documento ko ay kakalat at maghahalo halo...

Nakikita na nahihirapan na sya kaya sinabi ko nang stop..

Pero hindi pa rin sya tumitigil..

"BELLE I SAID STOP!!.. IT'S TO RISKY YOU'RE OVER USING YOUR ABILITY!!" sinigawan ko na sya pero wala pa ding nangyayari ...

Nakita ko namang napatayo na si Ms. Hellswood sa sofa... Pero wala rin syang magagawa... Sigurado akong kapag lumabas sya sa Barrier ko ay hindi nya makakayanan ang pwersa at tindi ng kapangyarihang lumalabas or should i say... Gustong kumawala... Nakikita ko kasing parang may bagay na pumipigil dito at dahil don kaya hindi makontrol ni Belle ang paglabas nito...

Kailangan ko ng umaksyon...

Papatulugin ko na lang sya...

" smoke of w-"  hindi ko natapos ang pagchant ko dahil sa may isang nilalang ang biglang lumabas sa likod ni Ms. Sunshine...

Maging si Marife ay nagulat...

Nakita ko din na balak na nyang umaksyon dahil nagiiba na ang aura nya sa katawan...

"Mr. Moonlight ?? What are you doing ?? You may get hurt it's to dangerous live it to me...!!" utos ko dito pero para lang akong nagsalita sa hangin.. Kahit na mahangin naman talaga...

Pilit nyang inaabot ang balikat ni Ms. Sunshine sa likod...

Sa tingi---naputol ang pagiisip ko ...

Nawala ang malakas na hangin ng mahawakan nya ito at nawala na din ang naguumapaw na kapangyarihan sa paligid...

Nakita kong matutumba si Belle ngunit nagawa naman syang masalo ni Mr. Moonlight...

Nakita ko ding agad nagmulat ang mata ni Ms. Sunshine at tinignan ang mukha ng taong sumalo sa kanya..

My Sunlight is Your MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon