Chapter 15(Tuner Test Part 1)

16 4 2
                                    

BELLE'S POV

Nagising ako dahil sa ingay na parang may kung anong nagwawala sa may pinto ng kwarto ko.

"Arrgh! Ang ingay!" Sigaw ko sabay bangon ko sa kama. Pasuray- suray akong lumakad papunta sa pinto upang sila ay pagbuksan.

"Anong kaguluhan to?" singhal ko sa kanila ng buksan ko ang pinto.

"AAAAH! MONSTER!" Sabay sabay na sigaw ng tatlong babae na sa pinto ng kwarto ko.

"Anong ginawa mo kay Ate Belle?" naghihesterical na reaction ni Gly.

Kahit kelan talaga...

"Tss. Matapos nyong guluhin ang mahimbing kong tulog sasabihan nyo akong monster" sabay cross arms at taas ng kilay sa kanilang tatlo.

"Ay sorry Belle ikaw pala yan hehehe" singit ni ate habang nahihiyang ngumiti sakin.

"Ikaw naman kasi girl bakit ganan ang istura mo?" tanong naman sakin ni Kaye.

"Tss. Kakagising ko lang kaya..." sagot ko kay Kaye habang marahas na nagkakamot sa ulo ko na buhaghag.

"Mukhang tama ang desisyon naming puntahan ka na, kasi 6 AM na." malumanay na sabi sakin ni ate.

"Oh 6AM pa nga lang kaya bakit kayo nangangalabog agang aga e.."sagot ko naman kay Ate.

"Yun na nga Belle Di ba 6:30 ang call time ng Test sa may garden ng school, dahil dun gaganapin at oo nga pala may 28 minutes ka na lang para magprepare.." malumanay ulit na sabi ni Ate. Teka parang pabebe ata si Ate ngayon hehehe.

"Ano bakit ngayun nyo lang sinabe?" sabay sarado ng pinto ng kwarto ko sa mga mukha nila.

Narinig ko pa ang reklamo ni Gly at Kaye sa pagsarado ko ng pinto. Pero tuloy pa din ako sa pagtakbo papunta sa C.R. ng kwarto ko kaines bakit ko ba kasi nakalimutan pinagplanuhan ko pa naman kagabi ang mga gagawin ko sa bago kong Ability.

*smirk* sabay bukas ng shower.

Someone's POV

Ngayon na ata ang oras ng pakikialam ko. Sambit ko sa isip ko. Nararamdaman ko na may mangyayare na dapat andun ako pero kailangan ko munang sabihan ang mga taong malaki ang gagampanan sa mga manyayare sa hinaharap.

"Kailangan nating maghanda." Utos ko sa aking tauhan na pinka pinagkakatiwalaan dahil malaki rin ang gampanin nya sa buhay ng isa sa aking mahal.

"Ngayon na po ba natin sila pupuntahan?" tanong nya sakin na bakas sa mga mata ang takot at pag aalinlangan.

"Oo dahil kung hindi ko sila pupuntahan maaring hindi matupad ang mga dapat na mangyari" sabay lapit ko sa kanya at hagod sa kanyang likod upang mapagaan ang kanyang dinadala alam kong kahit takot ang nababakas sa kanya ay gusto na rin nya makialam.

"Kung ganoon po bubuksan ko na ang portal upang makaalis na kagad tayo" malaki talaga ang tiwala sa akin ng taong to.

"Alam kong gusto mo na rin syang makasama dahil yan ang nakatakda sayo ang bantayan, protektahan at alagaan ang prinsesa kahit na pilit mong itinatago ay kusang lalabas ang tunay mong nararamdaman hindi ako nabuhay ng napaka tagal para hindi mapansin ang iyong ginagawa"hindi nya maaring itago sa akin ang mga bagay na matagal ko ng naranasan.

"Hindi sya maaring umibig alam mo yan" isang tinig ang nagsalita mula sa aking likuran ang aking buhay ay dumating na.

"Hindi rin maaring pigilan ang isang pusong labis na umiibig alam mo yan" sabay lingon ko sa kanya at halik sa kanyang nakaputing pisngi.

My Sunlight is Your MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon