mysterious Guy

16 0 0
                                    


Pag labas ko ng school.halos ako nalang ang naglalakad mag-isa talagang napahaba yung tulog ko ah.

Nag madali akong mag lakad para makauwi na agad
Habang naglalakad ako feeling ko may nagmamasid o sumusunod saakin.
Tumingin ako sa likod pero wala naman,nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating sa may sakayan
Nagmadali na akong makahanap ng sasakyan kasi baka hinahanap na ako ng nanay kong magaling bago pa makaalis yung sasakyan may nakita akong lalaking nakatayo sa bandang kalsada nakatingin ito sa akin,hindi ko nalang sya pinansin at saktong umandar na yung sasakyan.

Pag dating ko sa bahay
Bumungad kaagad sa harapan ko ang kuya kong magaling.

"At bakit ngayon ka lang "
Sabi ng kuya kong magaling
"Na late ako ng uwi kaya ngayon lang ako. "
“Pasaway ka talaga alam mo ba kung anong oras na..."

Hindi ko nalang sya pinansin at nagdirediretso na

Hindi pa ako nakaka akyat bumungad naman sakin si mama.

“Anak kamusta na yung first day mo sa SM academy
Doon talaga kita pinagaral dahil alam kong maganda ang turo at safe ka doon.”

Oky lang.

“Mabuti na man at oky lang
Kumain kana.”

Mamaya na ako kakain, at nagdirediretso na ako sa kwarto ko

Nag bihis agad ako at nagmadaling bumaba gutom na talaga ako.

Habang kumakain nakita kong palabas si kuya

"Gabi na, san kanaman pupunta.

“Dyan lang.”
At dumiretso na sya palabas

Pasaway talaga yun.. Sabay subo ng kanin.

Pagkatapos kong kumain dumiretso na ako sa kwarto ko at agad na humiga, naisip ko yung lalaking na sa kabilang kalsada
misteryoso yung mga tingin nya saakin kanina.
Hindi ko nalang inisip yung lalaki at natulog na ako.


Hi ulet sa inyo sa totoo lang parang ayoko ng ipagpatuloy yung pagsusulat ko ng story nato.
Ewan ko pero andami kong ginagawa sa school..
By the way sorry sa wrong typing paki intindi na lang, salamat sa mga nagbabasa ng story na ito.
 

Im Dating The Cold GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon