Paglabas ko ng school diretso agad papuntang sakayan.
Kung tutuusin nahirapan akong lumabas kasi hindi pa daw uwian pinakiusapan ko lang yung guard na may mahalaga akong pupuntahan pero hindi parin nya ako pinalabas
Saktong may tumawag sa cellphone nya kaya hindi na ako nag aksaya ng oras at agad kumaripas ng takbo, ea saktong nakabukas yung gate kaya napadali ang aking pagtakas kay manong guard.Naglalakad ako ng feeling ko parang may sumusunod sakin.
Tumingin ako sa likod pero wala namang tao guni-guni ko lang yata iyon.Papunta na ako sa may sakayan ng matisod ako sa bato. Muntik na nga akong sumubsob.
Tumingin tingin ako na baka may nakakita ng kahihiyan na nagawa ko. At sa awa ng diyos wala namang nakakita sana lang wala talagang nakakita.Agad akong tumayo at nagpagpag.
Andito na ako sa tagpuan na sinasabi ni ella at ang tagpuang yun ay itong hide out na ito.
Dati nga pala akong gangster 14 years old ako ng sumali ako dito at ang lider namin ay si kuya agie ang mga kasamahan ko naman ay sina ella,leah,angelica,emman,
marvin,ace at micah. At ang pangalan ng grupo namin ay KERU9
Halos magkakasundo kaming lahat.parang mga kapatid ko na nga yun ea.
Ng isang araw may sinalihan kaming laban at ang labanang iyon ay labanan ng malalakas na gangster para sa pinakamimithing rank 1 at kami ang nagwagi sa labanang iyon.Pero hindi tinanggap ng grupo na iyon ang kanilang pagkatalo kaya binaril ng lider nila ang lider namin at ang tinamaan ay ang dibdib ni kuya agie.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon tumakas sila.
Hindi na namin sila naabutan dahil sa bilis ng pangyayaring iyon.
Dinala namin si kuya agie sa hospital pero huli na ang lahat hindi namin matanggap ang pagkawala ni kuya agie kaya ang grupo naming KERU9 ay uti unting nawala. Hindi alam ng mga ibang grupo ng gangster kung bakit bigla nalang kaming naglaho.
At dahil nalaman ng magulang nila leah at micah na isa silang gangster pinalipat sila sa korea para mag-aral si emman naman ay nawala ng parang bula at ako naman ay nanirahan na sa probinsya at doon pinagpatuloy ang pag-aaral.Andyan kana pala myrtle tara sa loob tayo mag-usap.
At sumunod nalang ako sa kanya,pagpasok ko sa dati naming hide out nakita ko sina marvin, ace at angelica na prenteng nakaupo at kanya kanyang pinagkakaabalahan ng mapansin nilang may taong pumasok ay agad silang nagsitinginan sakin
Myrtle!!
Sigaw ni angelica sabay yakap sa akin.
Namiss kita nang sobra myrtle kamusta ka naman.
Oky lang ako angelica kayo kamusta na kayo?
Nung pumunta na ako sa probinsya wala na akong balita sa inyo.Ito oky lang kami pero malungkot dahil kulang kulang na tayo at wala na si kuya agie.. Malungkot na saad ni ace
Oh tama na yan
Ang drama mo na ace . Saad ni marvin.Pero sa totoo lang tama si ace simula nawala si kuya agie nagkawatak watak na tayo at halos napabayaan ang KERU9
Pero buti nalang hindi namin iniwan ang samahan andito parin kami hanggang ngayon
Oo na tama nayan anu nga palang sasabihin mo ella?
Ng pagkasabi ko non bigla silang natahimik.Actually kaya kita pinapunta dito ay makikiusap sana ako hindi lang ako pati sila nakikiusap kami kung pwede ka ba naming maging lider..
Anohh! Bakit?
Bakit ako? Teka hindi ko kayo maintindihan.Gusto ka naming maging leader ng KERU9 kasi ikaw lang ang naisip naming makakatulong kay emman.
Anu!
Anong nangyari kay emman?Si emman ay nasa teritoryo ng NI'RATION.
Bihag nila si emman, at ang gusto nila ay makita tayo ang grupo natin, ang KERU9.
Kaya sana naman pumayag kana na maging lider namen.
At kung pinoproblema mo sila leah at micah, wag kang mag-alala kinausap na namin sila. Kahit para kay kuya agie at para sa grupo lang oh.. Sigi na pumayag ka na myrtle. Mahabang salaysay ni ella.Kung para kay kuya agie.
Sige payag na ako at para narin makapaghiganti tayo sa pagkawala ni kuya agie.Talaga myrtle..
Salamat salamat talaga..
Sabay yakap saakin ni angelica.Yehey! Buo na ulit tayo..
Teka nga asan na sina leah at micah?
Ah sila wala ea mga maraming ginagawa. Alam mo na nagpapayaman..
Saad ni marvinBasta ang isipin nalang natin kung pano natin mababawi si Emman saad ni ace.
Ang mahalaga magkakasama na muli tayo.
Vote and comment naman oh.. Pampagana lang magsulat at para
ma-inspired naman ako na may nagbabasa kahit papaano ng istoryang gawa ko..
By the way salamat sa mga nagbabasa ng istoryang ito.😘
BINABASA MO ANG
Im Dating The Cold Gangster
Roman pour AdolescentsKim Myrtle Kang... maganda , matalino , maraming humahanga sa kanya ... Pero kasing lamig siya ng yelo, hindi lang presensya kundi sa kulay yellow brown nitong mata. sa pag pasok niya sa SM ACADEMY ay makikilala niya si kaiser. Ang lalaking maka...