CHAPTER 5 (part 2)

30 1 0
                                    

Paharap na ko ng.........

"WAAHHHHH!!!" Tili ko ng makitang nasa harapan ko na ang lalaking may mapupulang mata at matutulis na pangil.

Dahil sa labis na pagtili ko. Bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Sa biglang pagtakip niya, napaatras ako ng malakas patalikod at... Aray!!! Ang sakit nun men! Ang lakas eh. Huhuhuhu mama uwi na me. :(

"Siguro naman alam muna mangyayari sayo?" Omg!!!! Yung boses niya parang galing pa sa kailaliman ng lupa.

"Papatayin mp ba ako?" Yun nalang ang tanging natanong ko.

"Halata ba masyado?*smirk*" nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan eh. Oo lahat kaya alam na this.

Lalo akong kinalibutan ng nakatitig siya sa mga mata ko. At unti-unti nyang nilalapit ang mukha niya sa aking leeg. May gulay! Ito na ba ang katapusan ko? Kung oo okay lang. Kashe nemen eh aaminin ko medyo pogi tong si kuyang bampira. Pasado sa taste ko. At saka ang bango bango niya! Yun talaga ang pinaka turn on ko sa lalaki. Hihihi anube! Mamatay na nga ako lahat lahat eh nag ninilandi pa ko. Ang masaklap pa dun eh, hindi normal na tao. huhuhuhu.

Nagulat nalang ako ng maramdaman ko ang pangil niya at ramdam na ramdam ko na ang matutulis na dulo nito. :(

"WAHH! KUYA WAG PO! VIRGIN PA PO AKO! BROKEN HEARTED pa po ako ngayon! WAHHH! Gusto ko pa po makita ang mr. Right ko! At gusto ko pa pong magkaanak at makita ang mga magiging apo ko! WAHHH----"

"Pffft" teka? Napatigil ako sa pag iinarte ko ng biglang....

"Wahahahahahaha" ayputspa! Bakit naman tumatawa tong hinayupak na bampirang to? Aba't kaganda ng speech ko dito. Tapos, tatawanan niya lang? What the?????

"Bakit ka tumatawa?" Takhang tanong ko. Nakatagilid pa ulo ko niyan.

"Virgin huh? Buwahahahaha" aba't??!!! Bahagya pa siyang lumayo sakin para makatawa ng ayos. Nakahawak pa siya sa tiyan niya.

"Sige kuya! Kaya mo yan! Nakakahiya naman sayo! Mautot ka sana!!!" Nabadtrip na ko huh.

Bigla naman siyang tumigil sa kakatawa ng magsalita ako. Balik nanaman siya sa bampira mood niya. Katakot.

"Hindi kita papatayin. Pero sa isang kondisyon"

"Anong kodisyon?" Kinakabahan ako. Feeling ko maling mali ang makipag deal sa isang to. Feeling ko pagsisihan ko buong buhay ko.

" You'll be my wife." Ahhhh wif---- teka ano daw???!!!!!

"WHAT!!!!???"

*end of flashback"

Napatigil nalang ako sa aking pag mumuni-muni ng bigla nalang kami nakarinig ng sigawan ng mga estudyante. Lahat kami tumingin kung saan nanggaling ang mga sigaw.

"Gasssppp" lahat kami napasinghap ng may dalawang tao na bitbit ang dalawang estudyante na halos hindi muna makilala dahil sa naliligo na sila sa sarili nilang dugo.

"Everybody calm down." Sabi ni aidan. Lahat kasi nagpapanic na yung iba nagsisigawan na at may mga umiiyak na.

"Anong kaylangan niyo?" Inis kong tanong pero deep inside, kinakabahan na ko ng sobra sobra. Nakakatakot sila. Alam niyo ba yung palabas ng bleach? Yung mga suot ng chinigami dun? Ganun a ganun ang ayos nila.

"Fight" sabi nong babaeng may magkaibang mata. Ang isa normal, pero ang isa pure black na may dot na kulay pula. At nanlilisik ang mga ito.

Sh*t! Lalo akong kinabahan ng tinuro ako ng lalaking kasama niya. Na may itim na itim na buhok at may mga matang kulay abo. Na kapag tinitigan mo ito ay para kang masisilaw.

Nangangatog na ko sa takot. Sh*t! Isa lang alam ko! Hindi sila normal!

"Labanan mo kami." Sabi nong babae.

"Kapag hindi ka lumaban samin..." Nilingon niya lahat ng mga estudyante ng C.U.

"Lahat sila mamatay."

Napasinghap lahat ng estudyante mas lalo ako. Iniisip ko palang na lalabanan ko sila. Wala na kong pag-asa.

No choice ako. Ayukong malagay sa panganib ang mga estudyante ng C.U. dahil simula ng tumapak sila sa C.U. responsable ko na sila.

"Sige. Payag ako sa gusto niyo. Pero sa soccer field tayo." Tumango na lamang ang tanging sagot nila. Shemay! Kinakabahan ako! Padali-dali nanaman ako!. Diosme!

Nakarating na kami sa soccer field at nasa gitna na ang dalawang ab-normal. Malamang hindi sila normal eh d abnormal. -___- soccer field namin napakalawak dahil dito mismo dinadaos ang mga pambansang laro.

"Christy, lyn, elson, aidan. Kayo na bahala sa mga estudyante. Kahit anong mangyari..." Bumuntonghininga muna ako.

"Wag na wag niyo silang iiwan ng dahil lang sakin." Tumango nalang sila. Alam na nila yun. Ayuko kasing may nadadamay ng dahil lang sakin.
Alam kong kaya nilang protektahan ang mga estudyante pero sa normal! Hindi sa mga ab-normal!.

"Eyah, pano ka? Alam nating lahat na hindi sila normal." Kung makapag salita tong si Aidan, akala mo normal? Eh ab-normal kaya siya. Hahahaha sh*t nagawa ko pang magbiro sa lagay na to!

Nasan na ba si AD? Taragis naman yun! Dapat siya ang nandito eh! Siya kasi ang natural na hindi normal! Sa tana ng buhay ko... Ngayon ko lang siya kinailangan.

No choice na ko kaya nagsimula na ko maglakad papunta sa gitna ng biglang...

May humawak sa kamay ko para pigilan ako. Paglingon ko...

"Hindi mo kaylangang gawin to." Damn! Ngayon ko lang nakita ang pagwoworry sa mga mata niya. Ibig sabihin lang nito... Delikado talaga kami.

"But i need to." Mahina kong sagot.

"Just stay here. Ako nalang ang lalaban para sayo." Sabay haplos ng isang kamay niya sa mukha ko. Napasinghap ako. Biglang bilis ng tibok ng puso ko.

"But---" kokontra pa sana ako ng magsalita siya ulit.

"No but's swetty" bigla siyang ngumiti sakin. Feeling ko pulang pula ang mukha ko.

"Ok" ok nalang nasabi ko.

Sa isang kurap lang. Nasa gitna agad ng field si AD. Ka face to face na niya yung mga ab-normal. Ooppps tatlo pala silang hindi normal. Ahahaha. -___-

Tanungin niyo ba't ang bilis niya? Sus... Wag na alam niyo naman na kung bakit diba? Title palang. -___-

(Pasensya na po. Kayo nalang po bahalang umintindi hihihihi(ಥ_ಥ)

THE LEGENDARY VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon