Chapter 12 (Vampire Warriors)

16 1 0
                                    

*Xeryah pov*

nasa tapat na kami ng malaking gate ng C.U sympre alam nilang darating kami. at alam ko na sa likod ng mga bakal na yan ay makikita ko na silang muli. unti-unting bumubukas ang malaking gate.

*ennnnkkkk*

"wow" "wow" alam niyo na kung sino mga yan diba?

"WOW ANG GARA PALA NG SCHOOL MO XERYAH!" pasigaw na pananalita ni bella. sa dami na nangyare sakin at nabago sa buhay ko. may isang hindi nabago alam niyo kung ano? ang araw-araw na may sumisigaw sa paligid ko. -__-

"why so ganda here?" isa pa tong conyo girl na to.

"Xeryah madami bang boys dito?" kinikilig na tanong ni gess. lalaki nanaman ang nasa isip ng isang to.

si Sphero ayun at may sarili nanamang mundo habang nakasalpak nanaman ang headset . i told you guys may sariling mundo yan kaso ayaw namin puntahan. boring!!

*Aidan pov*

nandito kami ngayon lahat sa harap ng C.U upang makilala ang mga bagong estudyante. Vampires din sila pero hindi sila basta-basta tinagurian silang Vampire Warriors. narinig ko na sila pero mahirap silang mahagilap sa pagkat napaka misteryoso sila. kaya isang kagalakan na makilala sila ngayon.

"They are here" sabi ni Aeos habang nakapulupot sa braso niya si Christy.tss. halos lahat kami inis sa dalawang to eh. nakikisama nalang kami sympre kaibigan pa din naman namin sila. 

"welcome to the Castle University" sabi ni Christy pagkakita namin sakanila.

"hi" "hi" sabay na bati ng dalawa na halata naman na kambal sila. well para silang isip bata pero kapag titignan may sinabi ang mga katawan nila at mukhang magandang dugo dumadaloy sakanila.

"hello. why so ganda ng School niyo?" sabi nung babaeng conyo infairness ang ganda niya at ang tangkad pa.

"NICE MEETING YOU GUYS!" masiglang bati naman nitong babaeng parang nakalunok ng speaker sa lakas ng pagbati niya yung tipong nakakabasag ng eardrums. alam niyo yun bampira kami malakas ang pandinig namin so kapag ganyan kalakas ang sisigaw sa harap mo. tss. -__-

napatingin naman ako sa isang lalaki na nakaheadphone lang habang may kinakalikot sa Cp niya. kung titignan mong maigi hindi siya yung tipo ng tao na namamansin dahil may sarili siyang mundo at hindi man lang siya nagsalita.

"hello kami pala ang namamahala sa paaralan na to" pagsisimula ko ng paliwanag sakanila. "by the way ako pala si Aidan Tasler" pag uuna kong pakikipagkilala at sunod-sunod na silang nagpakilala. wow buti nag kusa na din sila.

"ako nga pala si Lyn Clever"

"Hi Elson Wilford at your service"

"Christy Lewis Aeos girlfriend" bumaling ang paningin kay Aeos na mukhang ayaw magpakilala kaya nakaramdam na si Christy.

"siya nga pala ang Boyfriend ko si Aeos Demon Lynch" tumango tango nalang sila.

"Zac Venice guys" nakakaway pa habang nagpapakilala si Zac. kaibigan ni Aeos sina Zac at itong isa pang magpapakilala.

"Khalin Forman, manliligaw ni Ally Angel" nakita ko naman namula si ate Ally tss. kailangan pa bang sabihin yun Khalin? akala mo naman aagawin sayo eh. threaten kana agad ? sabay ayieee naman nitong Vampire Warriors parang hindi sila yung nababalitaan ko huh. ahahaha

"Ally Angel Lynch" mahinhin na pagpapakilala ni Ate Ally

"Jupiter Rash Castle, welcome guys feel at home" 

"JUPITER RASH?" nagulat naman kami ng biglang pagsigaw ng pangalan ni J.R itong babaeng nakalunok ng speaker.

"yes?" kunot noong tanong naman ni kuya JR

"a-ah e-eh ano k-kasi ang unique oo tama ang unique kasi ng name mo ahahahaha" weird -__-

"ok kami naman ang magpapakilala" biglang sabi naman nitong lalaking may sariling mundo. tignan mo nga naman alam pala magsalita.

"Sphero Avantis" maikli niyang sabi. so Sphero pala name niya.

"BELLA AMERICA" sigaw nanaman ng babaeng nakalunok ng speaker diosko kung makasigaw. at mukhang sanay na sakanya mga kasama niya. 

"Gess Minor, nice meeting you all" sabay kindat pa. tss. mukha siyang mahinhin. mukha lang pero ang ganda niya morena siya at kasing tangkad niya yung isang babae kanina.

"Hi may name is Riane Blade just call me nalang R.B for short or Riane nalang much better kasi heheheh" ito yung si conyo girl na kasing tangkad nung gess.

"Calvin" "Clein" 

"we are the Eastwood Brothers" ok,ok,ok... sila na ang kambal.

"wait, wait, wait, where's Xeryah?" sabi nitong Riane. so may kasama pa pala sila at hindi ko napansin.

"oo nga" "oo nga" ok kailangan sabay sa lahat ng sasabihin?

"where is she?" takang tanog ni Sphero.

"XEEEERRRYYYAAAHHHH" sigaw naman ni mis speaker este bella pala.

"I'm here"  

"I'm here"  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
THE LEGENDARY VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon