Chapter 9 (Anger)

16 1 0
                                    

*Lyn pov*

2 years, 2 years ng nakakalipas simula noong nawala siya. sa dalawang taon nawala siya ang dami ng nangyari at nabago. kung hindi sana kami nagsinungaling lahat? hindi kaya mangyayari to? kung hindi namin tinago sa kanya, kasama pa kaya namin siya ngayon? *snif* i really miss her *snif* namiss ko na yung masama niyang ugali na kahit ganun siya nangingibabaw parin ang kabutihan niya.

"Siya nanaman ang naalala mo?" si Zac Venice isa sa mga kaibigan ni Aeos.

"Zac kung sakaling buhay siya? mapapatawad kaya niya kami?"

"honestly, i don't know." kibit balikat niyang sagot.

haist i miss my bestfriend na tinuring ko ng parang kapatid na rin.

"but, hindi ko naman siya kilala. malamang sa malamang mapapatawad niya kayo. dahil base sa mga kwento niyo alam kong maunawain siya. hindi man niya kayo mapapatawad sa ngayon malamang pagdating ng araw at panahon mapapatawad naman niya kayo." mahabang sabi nito. tama siya tatanggapin namin lahat ng ipapakita niyang galit, dahil alam namin na may kasalanan kami.

"sana nga buhay pa siya Zac *snif*" hindi ko mapigilan ang bigat ng nararamdaman ko. Nadinig ko may humakbang pababa ng hagdan. "Shhhhh stop crying Lyn. I know Assia is alive" si ate Ally Angel Lynch ang ate ni Aeos.

"how did you know?"

"Nararamdaman ko at malakas ang pakiramdam ko sooner or later babalik na siya." sana magdilang anghel si ate Ally.

biglang bumukas ang maindoor nandito kami ngayon sa sala.

"Patay na si Eyah! wag niyo na pahirapan ang mga sarili niyo!" si Christy na nakapulupot ang kamay sa bewang ng isang lalaki na walang emosyon ang mga mata. nag init ang ulo ko sa sinabi ni Christy! 

"BAKIT MO NASASABI ANG MGA YAN!"

"LYN! MOVE ON NA! KUNG BUHAY PA SIYA BAKIT HANGGANG NGAYON WALA PA SIYA?"

"TUMAHIMIK KA CHRISTY! KAIBIGAN MO SI ASSIA PERO GANYAN KA! NAGAWA MO PANG JOWAIN ANG ASAWA NIYA! IKAW AEOS? NAPAKAWALANG KWENTA MO! AKALA KO MAHAL SI ASSIA PERO ANO! NAWALA LANG SIYA BUMIGAY KA SA MALANDING TO!" turo ko kay Christy.

"ANONG SABI MO!" sinugod ako ni Christy. dahil bampira kami agad siyang nakarating sakin at bigla niya kong sinakal.

"t-truth h-hurts b-ba C-Christy?" pilit kong sabi halos mawalan na ko ng hininga pero hindi ako nagpatinag at nakatingin lang ako at nakangisi sakanya.

"TUMIGIL KAYO!" sigaw ni Elson na nasa harapan na namin. tumilapon kaming dalawa ni Christy dahil tinulak kami ni Elson para mapaghiwalay.

"PARA KAYONG MGA BATA!" galit na galit na sigaw ni Elson. Minsan lang magalit si Elson kaya nanahimik kami. napatingin ako kay Aeos. Dahil wala siyang kwenta ayun at wala lang ginawa. tss. bwesit! nag walk out nalang ako sa galit!

THE LEGENDARY VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon