Chapter 21

9 0 0
                                    

"bwesit na babae yun!" nang gigigil na sabi nito.

"at paano niya nalaman lahat ng yun?" nagtatakang tanong ni Elson habang nasa baba ang isang kamay.

"Nangulila lang naman ako sa kapatid ko" mahinang sabi ni Rash na hiyang hiya sa sarili.

"So totoo nga!" singal ni Zac sa lahat at nakita niya paano nagsiyukuan ang lahat maliban na talaga sa isa.

"hindi niyo talaga pala siya masisi kung yung galit niya sa inyo sukdulan" sabi ni Zac na sumabat naman si khalin " hindi man namin siya nakilala agad pero halata ang sakit sa mga mata niya at higit pa dun" napatingin si khalin kay Aeos Demon. "iniwan siya ng taong mahal niya at ang pinakamasakit pa dun naging sila ng matalik niyang kaibigan" sabay tingin niya din kaya Christy.

"Khalin" mahinang tawag ni Ally Angel kay khalin.

"What Ally? masama naba magsabi ng totoo? ayaw niyo ba tanggapin ang mga pagkakamali nila?"

"HINDI MASAMA ANG MAGMAHAL KHALIN!" sigaw ni Christy.

"Hindi nga kasalanan ang magmahal. Ang kasalanan mo lang kung sino ang minahal mo"

"maling mali kayo. sa loob ng dalawang taon tingin niyo walang mababago? kung may mali tayo may mali din siya. araw-araw may nababago sa loob pa kaya ng dalawang taon? masyado kayong focus sa kanya. hindi sa lahat ng pagkakataon ay ang tama ay tama at ang mali ay mali. minsan ang tama ay mali. at ang mali minsan ay tama" tumayo na siya at hinalikan si Christy sa noo. at bigla nalang siya ng nawala. Aeos Demon Lynch

THE LEGENDARY VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon