Wala akong intensyong makinig, sadyang malalaki lang ang kanilang mga bibig. Kasalanan ko bang maliit lang ang waiting shed na pare-pareho naming tinatambayan? Hindi, iyan ang sagot ko sa sarili kong tanong.
"Hay Celia! Kilala mo b a si Sara?" tanong ni ate na nakasuot ng pulang blusa.
"Iyong nabuntis ng hapon? Yung japayuki?" paglilinaw ni ate na nakasuot ng puting t-shirt.
Parehong may bitbit na bayong ang dalawa at mukhang mamalengke sila. Ang mga tao nga naman, pag walang magawa sa sariling buhay eh ibang tao ang pinag-uusapan. Nagulat ako ng biglang napalakas ang boses ni Ateng nakapulang damit. Tinawag siyang Sonya ng kasama niya.
"Sorry iha ah, nagulat ka ba?" ang balin sa akin ni Sonya.
"Hindi po," ang sagot ko,kasabay ng tipid kong ngiti sa kanya.
Hinihintay ko si Leo ng mga oras na iyon, sa waiting shed malapit sa lugar kung saan siya nakatira. Mahigit trenta minutos na siyang huli sa oras ng usapan namin. Sa wakas nakaramdam din ng hiya ang dalawang Aleng kasama kong naghihintay. Hindi na kasing lakas ng alingawngaw ng ambulansya ang mga bunganga nila.
"Aba ayos itong dalawang ito ha...kanina maingay tapos ngayon grabe naman kung makatitig," ang sabi ko sa
sarili ko. Nakahalata si Sonya sap ag-iba ng mukha ko. Kumunot kasi ang noo ko at nagsalubong ng kaunti ang dalawang kilay ko.
"Hindi ka taga dito no?" ang tanong ni Sonya sa'kin. Tumango lang ako sa kanya.
"Ilang buwan ka ng buntis?" ang tanong niya ulit. Sumagot naman ako. Ang sabi ko sa kanya walong buwan na po. Nakikita kong kinakalabit si Sonya ng kasama niya. Siguro natatakot ito na baka may sabihin sa'kin si Sonya na hindi ko magugustuhan. Lumipas ang mahigit limang minuto may dumating na jeep papuntang Kabishasnan Palengke. Sumakay na sila.Nakaupo na sila sa loob pero nakatingin parin sa'kin si Sonya.
"Ate huwag kang ganyan natatakot ako," ang sabi ko sa sarili. Ngayon,mag-isa nalang ako sa waiting shed.
"Honey!!! Sorry!!! Sorry talaga!" iyan ang sabi niLeo dumating narin siya sa wakas.
"Kanina ka pa?" tanong niya sa'kin.
"Oo!" galit kong sabi. Sinuyo niya ako. Sinabi niya sa akin na sinamahan niya ang nanay niya sa clinic. Nagpacheck-up.
"Handa ka na? wala ng atrasan 'to Sabrina," ang paninigurado niya sa akin. Sa wakas ipapakilala na niya ako sa mga magulang niya. Kabadong-kabado man ako ng mga oras na'yon ay pilit ko nalang na inaalintana. Para sa anak ko magpapakatatag ako. Hinimas niya ang bilugan kong tiyan. Kinausap niya ang anak namin at nakakatuwa ang sinabi niya.
"Baby isang buwan nalang makikita na kita. Magiging Junior kita."Nagdala pala siya ng sasakyan isang Isuzung Alterang puti. Kung hindi ninyo naitatanong diyan namin siya binuo. Huwag niyo ng isipin kung papaano. Napangiti ako sa naisip ko. Sa wakas makakabuo narin ako ng sarili kong pamilya. Ako, si Leo at ang baby namin.
Pagkadating namin sa kanilang tahanan halos lahat sila nakatingin sa aming dalawa ni Leo. Lalong lalo na ang nanay niya, si Mrs. Tan.
"Sino ikaw?" ang bungad niya sa akin. Purong Chinese ang pamilya nila Leo. Inihanda kong mabuti ang sarili ko dito. Kaya ko 'to. Barok na tagalog ang salita niya. Halatang hindi pa sanay sa salitang Filipino.
"Ma, siya po si Sabrina. Siya po ang magiging asawa ko," iyan ang isinagot ni Leo.
"Wala ako pake! Siya iyong asawa? Di pwede! Di pwede!" ang sabi ng Mama niya. Lumayas ito sa harap namin at isa-isang sumunod ang iba pang parte ng pamilya nila. Naiwan lang kaming dalawa ni Leo sa sala. Hinawakan ni Leo ang dalawa kong kamay. Hinalikan niya ako at pati narin si baby.
"Tara sa kwarto. Doon ka na muna magpahinga," ang malambing niyang sabi sa akin.
Hindi na kami nagulat sa naging malamig na bungad nila sa akin. Alam kong ayaw nila ako para kay Leo. Ang gusto nilang mapangasawa ni Leo ay kapwa nila Chinese. Swerte daw kasi.
"Layas kayo dito bahay! Siya layas dito! Ikaw sama na! Di pwede! Wag ako pilit! Ito malas negosyo!" tinig iyon ni Mrs. Tan
"Mama please! Magkaka-anak na kami!" sagot ni Leo. "Mahal ko siya Ma!" pahabol niya.
Dinig na dinig ko ang pag-aaway nila mula dito sa kwarto ni Leo. Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod nilang pinag-aawayan dahil nagmamandarin na sila. Ilang saglit pa ay may narinig akong nagbagsak ng pintuan. Padabog na pumasok si Leo sa kwarto at nakita niya akong gising. Napakalambing at maalalahanin niyang lalake kaya naman minahal ko siya ng sobra. Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa akin ng diretso. Parang gusto kong matunaw sa mga titig nya. Napakaguwapo ng tatay ng anak ko. Iyan ang sabi ko sa sarili ko.
"Lalong nagalit si mama ng malaman niyang kasal na pala tayo," ang natatawa niyang sabi.
Nagulat ako. Hindi ko akalain na sasabihin niya iyon.
"Mag-eempake lang ako ha, pinapalayas na ako dito sa amin. Doon muna tayo sa bahay namin sa Silang," ang malambing at kalmado niyang sabi sa akin. Hinaplos niya ang braso ko. Naramdaman ko ang lamig ng kanyang balat.
"Kinakabahan ka ba?"ang tanong ko sa kanya. Umiling siya. Sabi niya sa akin kakayanin niya lahat basta magkasama kaming tatlo, ako, siya at ang baby naming dalawa.
BINABASA MO ANG
RE.KA.DO
HorrorAng kuwentong ito ay naglalaman ng kakaibang tema ng katatakutan. Kakayanin mo ba? Titikman mo ba ang... RE.KA.DO Sa panulat ni Evan Makata PROPERTY OF UNIVERSITY OF HORROR STORIES Writer: Evan Makata Book Cover: Evan Makata Owner: UHS Group Graded...