Matapos makadehan si Sara ay umalis na sila. Oo, sa sobrang kakareklamo daw ni Sara sa kanila hindi na siya ipoposas pero ikakadena na lang siya.
"Grabe ako pa ba ang dapat magpasalamat sa inyo? Dahil ikakadena niyo na lang ako? Ano kayo sinuswerte? Mas bilang pa nga oras namin dito kaysa sa mga may Cancer sa ospital", ang sabi ng madaldal na Japayuki na halos lumabas na ang mga mata sa sobrang laki. Nagbingi-bingihan ang mga tauhan at mabilis na umalis. Nagpapagpag si Sara ng kanyang kumot ng mapansin niyang may marka ng dalawang kamay sa kobre ng aking kama. Napatingin ako. Oo nga,meron nga. Y-yung babae sa panaginip ko! ang sabi ng utak ko.
"Huy! Sabrina! Ano yan!" ang takot na takot na sabi ni Sara. Si Princess naman nakatingin lang. Para maintindihan nila ang nangyayari, ikinuwento ko ang panaginip ko. Isang babaeng may mahabang buhok ang nagpakita sa akin(sabay turo ko sa pintuang pader). Diyan sa mismo nakatayo, ang sabi ko sa kanila.
"Sabi na nga ba gagawin din niya sayo yan," ang sabat bigla ni Princess. Tumango naman si Sara.
"TAMA NA! HUWAG NA NATIN PAG-USAPAN IYAN!" ang biglang sigaw ni Sara.
"Bakit Sara?" ang tanong ko. Halatang takot na takot siya.
"Nakita niya kasi ito sa panaginip niya" ang sagot ni Princess.Alas-tres na ng hapon at nakatulog na ang dalawang kasama ko dito sa kulungan ng mga rekado. Biglang bumukas ang pintuang pader. May bagong dating na buntis. Nakayuko ito. Bilog na bilog ang tiyan niya at mukhang manganganak na siya. Inihiga siya sa loob ng bath tab. Binusalan ang kanyang bibig. Nilagyan ng takip ang kanyang mga mata. Isang instrumental song ang tumugtog.
"Ihanda na ang mga gamit", ang sabi ng isa sa apat na lalake. Nakapalibot sila sa bath kung saan nakahiga ang babae. Sumisiksik ako sa pinakasulok ng aking kama. Ano ba 'to? Totoo ba ito?Pigil na pigil ng babae ang sakit! Hindi siya makasigaw dahil sa nakabusal sa kanyang bibig. Kinuha ng isa sa apat na lalake ang isang malaki at malapad na kutsilyo na pinangtatadtad sa buto-buto. Bumuwelo ang lalake pataas, kitang-kita ko ang mabilis na hingal ng babae sa kanyang balikat at leeg,halatang kabadong-kabado. Isang malakas na pigil na pigil na sakit ang pinakawalan ng babaeng nakahiga, tunog na tunog ang nakakadiring paghampas ng patalim sa gitna ng kanyang tiyan. Hinila na ng lalake ang patalim mula sa tiyan nito,halos sumabay na ang ilang laman, habang ang tatlong lalake tulong-tulong na hinahawakan ang mga kamay at paa niya.
"Hindi ito totoo!" ang sigaw ko. Hinawakan ko ng maigi ang tiyan ko. Kumukulit ang sanggol sa loob.
Inalis ng lalake ang takip sa mata ng babaeng nakahiga. Dilat na dilat ito. Parang gustong lumabas ng mata ng babae sa sakit. Ingat na ingat at dahan-dahang hinihiwa ng isang lalake ang hiwa sa tiyan gamit ang isang manipis at mahabang patalim.
Nailuwa ng babae ang nakabusal sa kanyang bibig. Bumulwak din dito ang dugo.
"Mamatay din kayo! Hindi ako aalis dito! Papatayin ko kayo!!!" ang sabi niya habang naghahabol ng hininga. Nawalan na siya ng buhay bago pa siya mabusalan sa bibig ng lalakeng may maliit na tatoong araw sa kamay. Hindi ko napigilan ang sarili sa taong bigla kong naalala. Si LEO!!! Nagpa-tatoo siya sa birthday party ni Roxanne."Oh .... Sshiit!" ang mabagal kong sabi sa sarili. Tinitigan kong mabuti ang itsura ng babaeng nasa bath tab. Nanginginig ang mga ngipin kong nagbubungguan sa takot.
" Hindi maari!!!! Roxanne!!! Diyos ko po!!! (sabay takip ko sa aking bibig)", napatili na ako sa sobrang hindi ko kinakaya ang mga nakikita at nangyayari sa harapan ko.
Nilabas na nila ang hating ulo ng bata sa tiyan ni Roxanne. Inilagay na nila ito sa isang maliit at satainless na planggana.
"Ihiwalay ang utak. Ingatan ha", ang sabi ni Leo. Iyak na ako ng iyak sa sulok. Kagat-kagat ko ang mga labi ko sa takot.Naliligo na si Roxanne sa sarili niyang dugo. Hindi nila mapapikit ang mga mata nitong nanlilisik sa galit.
"Ayaw sumara, Lee" ang sabi ng isa.
"Hayaan mo na,"sagot naman ni Leo sa kanya."Ayoko! Nakatingin siya sa akin," ang sagot nito. Hindi pa nakuntento kinuha niya ang manipis at mahabang kutsilyo at tinusok sa gilid ng kaliwang mata ni Roxanne at saka dahan-dahang inikot sa gilid at saka dinukot (ang mata) ng walang kahirap-hirap. Ganoon din ang ginawa niya sa sa kanang mata nito.
"Hugasan mo nga itong katawan ng bata Leo", utos ng naghihiwalay ng utak.
Parang baboy ang ginawa nila sa anak ni Roxanne. Hiniwalay nila ang balat sa buto. Ang mga lamang loob ng bata, lalo na ang bituka. Tinadtad nila ng pino. Igigiling daw nila iyon at ihahalo sa palaman sa Lumpia.
*
LUMPIA?? May naalala tuloy ako.
"Honey!!!! May Lumpia ako!" iyan ang sabi sa akin ni Leo. Bumisita siya sa bahay namin. Halos tatlong buwan na akong buntis noon. "Ang sarap ng lumpia na 'to!!!" ang tuwang-tuwang sabi ko sa kanya.
"Siyempre! Para sayo dapat masarap iyan. May nadiskubre kasi akong masarap na ihalo diyan", ang sabi niya sabay kindat.
*
Napasuka ako sa naisip ko! TANG-*na! (suka na ako ng suka.)

BINABASA MO ANG
RE.KA.DO
HorrorAng kuwentong ito ay naglalaman ng kakaibang tema ng katatakutan. Kakayanin mo ba? Titikman mo ba ang... RE.KA.DO Sa panulat ni Evan Makata PROPERTY OF UNIVERSITY OF HORROR STORIES Writer: Evan Makata Book Cover: Evan Makata Owner: UHS Group Graded...