Nakaka-insulto ang mga tawang binububulalas ni Leo.
"Makati kasi! Sobrang kati mo kasi",iyan ang sinasabi ni Leo ng paulit-ulit.Makati kasi? Sino? Dadag na tanong na naman sa utak ko. "Sana ibis na tumatawa ka dinidiretso mo nalang ako", sarkastiko kong sagot. Tumigil siya, sabay tingin sa akin. Iba na siya tumingin. Wala ng lambing at tumapang na ang dating mapupungay na mgamata. Kinuha niya ang kumot na nakabalumbon sa kama ko. Ipinunas niya iyon sa mukha niya. Nasorpresa talaga ako. Kumunot ang noo ko at muling nagsalubong ang mga kilay ko. Walang pasa sa mukha niya. Ayokong isipin na planado niya ang lahat. Aray ko! Ang sakit! Sobrang sakit! Paano nga kaya kung planado niya nga ang lahat.
"Bakit? Parang naiiyak ka yata. Masama sa baby iyan", ang balin sa'kin ni Leo matapos niyang punasan ang mga huwad niyang pasa. Lumapit siya kay Princess. Takot na takot si Princess ng umupo si Leo sa tabi niya. Nagsusumiksik ito sa sulok. Hinila niya si Princess at pinilit na akbayan. Nakikita kong papaiyak na si Princess. Si princess na kanina lang ay kasama naming tumatawa.
"Itong dinadala niya ang tunay kong anak. Alamo kung bakit? Kasi V-I-R-G-I-N siya noong una kong matikman ang katawan niya", ang pagmamayabang sa'kin ni Leo. Pilipilit kong maging kalmado. Laking pasasalamat ko nalang sa sarili ko dahil naghanda talaga ako ng napakaraming tapang sa dibdib ko. Nanahimik ako at nakinig habang ipinagpapatuloy niya ang mga sinasabi niya.
"Alamo kasi Sabrinang makati ... hindi ka naman taga Makati pero Makati ka(Sabay tawa niya ng malakas) PINAGSASABAY MO KAYA KAMI NI RHALF!" napasigaw siya ng malakas. "Alam niyo karma niyo 'to eh!!! Kayong tatlo!!!" sabay duro niya sa amin isa-isa.
Sumabat si Sara,"Bakit mo ko dinadamay! Eh JAPAYUKI ako sa japan! Natural trabaho ko yun!" Binato siya ni Leo ng unan sa mukha.
"Aba!!! Aba!!! Hinay-hinay ka lang Leo hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko para lang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko dito!" ang galit na pahabol pa ni Sara. Nilapitan siya ni Leo at hinawakan ng mahigpit sa panga. Inilapit ni Leo ang mukha nito kay Sara. Naglabas si Leo ng baril at isinubo sa bibig ni Sara.
"Alamo PUTANG LASPAG! Na-ka-ka-rin-di (ang mabagal niyang saad) ka na. Kung hindi mo lang alam sobrang asar na asar ako sa matining mong boses. Manahimik ka ha. Na-orient ka na di ba? Tahimik!"
Pagka-alis ni Leo ng baril sa bibig ni Sara ay niluraan siya nito at saktong tumama sa mga mata niya.
"F*uck !!!" ang sigaw ni Leo. Nagmadali siyang kumuha ng pamunas. Tawa lang ng tawa si Sara sa harapan niya.Nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Leo. Sinampal niya si Sara gamit ang mismong hawakan ng baril. Lalong tumawa si Sara sa ginawa niya."Bakla! Nakakahiya ka! Mas masakit pa ang sampal ni Yachang kaysa sayo ulupong!" ang sigaw ni Sara. Dumudugo na ang bibig ni Sara. Grabe si Sara, sa isip-isip ko. Kung ako ang nasa kalagayan niya, iiyak na ako ng malakas. Nagmandarin si Leo. At sumagot na naman si Sara"Anong sabi mo? Bakero ba? Gago! Nihonggo lang alam ko hindi Mandarin!"
Pumutok ang baril.
Tinamaan ang kama ni Sara. Bumukas ang pintuang Pader. Isang lalaking may malaking pangangatawan ang pumasok. Nagsalita sila ng Mandarin. Hinagod ni Leo ng buhok niya. Pinanghilamos niya sa mukha ang kanyang kaliwang palad,dahil sa gigil.
"Pasalamat ka Puta. Nakapagpigil pa ako", ang sabi ni Leo. Tumingin siya sa akin ng masama. Kinabahan ako.
"Ipagpapatuloy natin ang pag-uusap natin sa susunod ha Sabrina,(tumingin siya kay Princess) Princess ihanda mo na ang tiyan mo ha."Iyon lang at umalis na siya. Humagulgol si Princess sa takot ng makalabas na si Leo. "Ayoko! Ayoko!" iyan lang sinasabi niya.
Halos mapunit ang kumot ni Princess dahil sa gigil niya. Naging tulala naman si Sara sa kabilang sulok ng kwarto. Napabalin ang atensiyon ko sa bakanteng kama sa tapat niya. Sinutsutan ko si Sara na nakatulala. Lumingon siya sa akin. Nakatulog na pala si Princess sa kakaiyak.
"Nani?" ang sabi niya sa salitang Nihonggo.
"May nakahiga diyan dati di ba?" ang sabi ko, sabay turo sa kama.
"Oo, istudyante din katulad ni Princess", ang sagot niya. "Hindi ko siya naabutan dito, pero minsan mararamdaman mo siya dito, kasama natin", pahabol niya. Kinilabutan ako. Parang may umihip sa batok ko. Tumayo kasing bigla ang mga balahibo ko sa likod. Hindi nag tagal nakatulog na din si Sara. Habang ako naman ay nagpapaantok.
Ipipikit ko nalang ang mata ko.Magbabaka-sakali akong maya-maya lang ay dadalawin na din ako ng antok.
"Sabrina...(sabay ihip sa tenga ko)" tinig ng isang pamilyar na boses. Napabalikwas ako. Napa-upo ako sa takot.
Takot ako sa multo! Pagka-upo ko may nakita akong babaeng nakatalikod. Nakatayo siya sa harapan mismo ng pintuang pader. Puti ang kulay ng mahaba niyang bistida, mahaba ang napakatuwid niyang buhok, pero... ang kanyang mga paa ay parehong duguan. Hindi ako makagalaw. Lumilikot na naman ang bata sa tiyan ko. Umiikot siya(ang babae). Mukhang papaharap siya sa akin. Tinitigan kong mabuti ang kanyang mga paa...n-nakalutang. PUMIKIT AKO! Hindi ko kaya! Hindi ko kakayanin kung ipagpapatuloy ko pang tignan siya."Please..." sabay hinga ko ng malalalim. Halos habulin ko ang hininga ko sa takot.
"Ama namin ... nasa langit..sambahin" sinisimulan ko ng magdasal.
"Sambahin ang ngalan mo dito sa lupa at sa impyerno...(sabay ihip niya sa tenga ko)" SABAT NIYA!Hindi ako didilat! Kahit anong mangyari hindi ako didilat, iyan ang pauli-ulit kong sambit sa sarili ko.
Napadilat ako dahil sa tining ng boses ni Sara. Halos lahat ng unan niya nasa kama ko na. Muntik pa ako mataamaan ng plastic na pitchel. Matalino ang mga Chinese hindi sila nag-iiwan ng kahit anong gamit na maaaring magamit namin para masaktan sila.
"Pisting yawa ka uy! Akala ko hindi ka na magigising!!! Kulang nalang ibato ko'tong baby sa tiyan ko" pasigaw na sabi sa akin ni Sara. Panaginip lang pala. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok nito, parang tumakbo ako ng malayo. Napatingin ako sa orasan. Tanghali na pala. Kumunot ang noo ko. Nakita kong wala si Princess sa kama niya.Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Ano kayang ginawa nila sa kanya at sa baby niya?
Bumukas ang pintuang pader. Kasama ni Princess si Leo at ang dalawang naglalakihang lalaki,mga tauhan siguro sila dito. Naka-wheelchair si Princess. Binuhat si Princess ng isa sa mga tauhan nina Leo at inilapag sa kama at sinuotan ng posas. Pagkatapos, si Sara naman ang sumunod na kinuha.
"Babalik din ako ah. Kwentuhan tayo mamaya", ang sabi sa akin ni Sara.Hindi man lang ako tinignan ni Leo. Kahit sulyap wala. Ayoko narin siyang kausapin. Malinaw na ang lahat sa mga mata ko. Niloko niya ako. Ginamit niya ako at ang pinakamasakit ... pagkakaperahan niya pa ako. Kung totoo man ang mga sinabi ni Sara na bibiyakin nila ang mga tiyan namin at kukunin ang mga baby namin para gawing rekado o kung ano pa man...pwes! Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa anak ko. Hanggang sa huling hininga ko lalaban ako, ito ang itinatak ko sa utak at puso ko. Oo, utak na ang papairalin ko magmula ngayon.
"Yung babae diyan sa kabilang kama," biglang sabat ni Princess. Napalingon ako sa kanya."Naging nobya siya ni Leo" ang pahabol pa ni Princess. Seryoso akong napatingin sa kanya. Seryoso din ang mukha niya.
"Ate..." ang mahinang sabi niya. Namumugto na ang mga mata niya. Papaiyak na naman ang mga inosente nitong mata.
Nanginginig ang mga kamay niya habang hinahawi niya ang kanyang mahabang buhok. Hinawakan niya ang kanyang tiyan. Napangiti siya at sabay na tumingin sa sa'kin. Ayan na... nangingilid na ang mga luha.Huminga siya ng malalim. Hindi tumuloy ang pag-iyak niya. Napabilib niya ako ng mga oras na iyon. Nakita ko ang isang napakatatag na batang ina.
"Ate...(masaya ang tinig niya) B-babe ang baby ko."
Nakaka-inis! ako ang napa-iyak sa kanya. "Congrats!" ang masaya kong bati sa kanya. Ngayon, pareho na kaming umiiyak sa tuwa. Gusto ko siyang puntahan sa kama niya pero dahil nakaposas lang kami hindi ko magagawa. Pero alam kong kahit na magkalayo kami , ramdam niya na masaya ako para sa kanya.
"Ganito pala yung feeling na maging mommy", ang sabi niya habang naiiyak parin sa tuwa. "Ganito rin siguro yung pakiramdam ni Mama noong pinagbubuntis niya ako." Huminto muna siya sa pagsasalita at suminga sa kumot. "Miss na miss ko na yung mama ko..." hindi na siya makapagsalita. Takip-takip na ng dalawa niyang palad ang kanyang mukha.
"Gusto ko pa pong mabuhay Ate. Ayoko pang mamatay kami", ang sabi niya ng makabawi siya sa pagkakaiyak.
"Sisiguraduhin kong hindi tayo mamatay", yan ang naibulalas ko, kahit na alam kong sarili ko mismo ay hindi ko kayang itakas. Gusto ko lang mabigyan ng kaunting pag-asa ang batang nasa harapan ko.Nahati sa gitna ang n pintuang pader. Senyales na may taong papasok.
"Ano ba?! Sabing ayokong magwheelchair bakit pinipilit niyo ko!!" ang matining na boses ni Sara.
"Buntis lang ako pero hindi ako baldado mga sira! Mga BOBO!"dagdag niya pa.
Hay naku...(kalamado kong boses) si Sara talaga, ang sabi ko sa sarili ko. Mabuti nalang at okay lang siya. Si Sara na pala-away at bungangera.Si Sara, ang maingay na si Sara, kahit na maingay ,minsan nakakatuwa, napangiti niya kasi si Princess.
BINABASA MO ANG
RE.KA.DO
HorrorAng kuwentong ito ay naglalaman ng kakaibang tema ng katatakutan. Kakayanin mo ba? Titikman mo ba ang... RE.KA.DO Sa panulat ni Evan Makata PROPERTY OF UNIVERSITY OF HORROR STORIES Writer: Evan Makata Book Cover: Evan Makata Owner: UHS Group Graded...