Mabilis na nagdaan ang oras. Ginising ako ng dalawang babaeng halos makasama ko na sa hukay.
"Gising Sabrina! Alas-singko na!" ang sabi ni Sara.
Hindi siya magkanda-ugaga sa sarili niya, halatang kabadong-kabado siya. Ilang saglit pa at malayang-malaya na ang aking mga paa. Wala ng kadena. Ito ang unang beses na mayayakap naming tatlo ang isa't isa. Ang babaho na namin. Halos lahat kami wala pang maayos na linis sa aming katawan.
Mahigpit naming hawak-hawak ang mga kamay ng bawat isa. Ito na ang pinakahihintay naming sandali. Ang pagwawakas ng bangungot na hinding-hindi namin malilimutan. Kung ang iba umiiyak na kapag niloko o iniwanan ng kanilang mga asawa o kinakasama, huh! Para sa amin laking tuwa pa namin, basta hindi lang maging rekado ang aming mga anak.Nakatayo na kaming tatlo sa malapad , matigas at saradong pintuang pader. Lumapit na si Sara sa isang bagay na nakadikit dito. Idinulas niya ang kulay puting parang ATM CARD sa nakaawang na espasyo dito. Unti-unti na itong bumubukas. Napahawak ako kay Sara, ganoon din si Princess.
"Mabubuhay tayo! Walang mamatay! Okay!" ang matigas at matapang na paninindigan ni Sara.
Ito ang unang beses na makikita ko ang labas ng aming pinagkulungan. Nakita namin na meron pa palang ibang nakakuong bukod sa amin. Pinagbububuksan iyon ni Sara.
Iba't-ibang mukha,
iba't – ibang edad pero...
lahat bilugan ang mga tiyan.Parang kami lang, apat hanggang tatlo ang laman, may bath tab din sa gitna. Halatang pinasadya ang lugar. Tuwang-tuwa ang lahat. Katulad namin nabuhayan din sila ng pag-asa. Marami kaming napakawalan. Lagpas benteng buntis ang nakatakas. Lahat kami kanya-kanyang diskarte para makalabas. Nanguna si Sara sa isang mataas at makapal na bakal na pinto. Nakakakita na kami ng liwanag.
Nag-aagaw ang dilim at liwanag.Pagkabukas ng pinto, bumungad sa amin ang isang kakahuyan. Isang lagusan na malayong-malayo sa aking napasukang bahay. Malakas ang kutob kong malapit ito sa isang tagong daanan.
Pumutok ang baril. Oo, merong nagpaputok. Mas lalo kaming nag-unahan sa pagtakbo. Nanghihina na naman ang mga tuhod ko. Nakaka-inis!"Sabrina!" ang sigaw ni Sara ng makita niyang napaluhod ako sa lupa. Hindi maipinta ang mukha nito sa tindi ng pag-aalala. Halos matapakan ako ng ibang kapwa ko ring buntis. Nagmadaling bumalik si Sara para sa akin.Inalalayan niya akong makatayo.
"Okay ka lang Sabrina?" ang tanong sa akin ni Princess. Tumango ako.
Mabilis pa sa isang segundo ang pagdapo ng isang bala na dumaplis sa pagitan ng leeg at balikat ni Princess. Napahawak siya sa braso ni Sara at muntik na kaming matumbang tatlo."Kapit! Princess. Huwag kang matutumba. Malayo pa yan sa bituka", ang sabi niya habang tinutulangan niyang makalakad si Princess.
"Bilis! Sabrina! Ikaw ang may pinaka-malaking tiyan sa ating tatlo,kaya bilis!" ang hirap na hirap na boses ni Sara.
Umuulan ng bala sa paligid. Mukhang wala silang balak na patakasin kami ng buhay. Sa kakatakbo ko naiwanan ko sila. Paglingon ko, halos wala na akong ibang makita. Sumasakit ang tiyan ko.
"Anak kapit ka lang..." ang sabi ko sa kanya. Napapangiwi na ako sa sakit. Hindi ko na kinaya, napaupo na talaga ako sa sakit. Dumudugo... may dugong umaagos sa paanan ko.
"N-no! no! no! Hindi anak! Waaaag!", ang natataranta kong sabi. Maya-maya nakikita kong papalapit sa akin si Leo.
"Andito ka lang pala", ang kanyang bungad.Hindi ako maka-imik. Nakatingin lang ako. Sabay-sabay na kamalasan!
"Ang malas mo naman!!! Alamo ba kung gaano kalaking problema ang idinulot mo ngayon, kayong tatlo ng mga kasama mo."
"Maawa ka Leo, dinudugo na ako, baka manganak ako ng wala sa oras ", ang mabagal kong sabi.
Umismid lang siya. Walang bahid ng awa ang kanyang mukha.Hindi ko alam kung anong nangyari pero umiba ang itsura ng kanyang mga mata. Tila ba meron siyang nakikitang kakaiba. Hindi siya makalapit sa akin. Tumingin ako sa likuran ko pero wala namang tao. Bumalin ulit ako ng tingin kay Leo. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa kanya.
BINABASA MO ANG
RE.KA.DO
HorreurAng kuwentong ito ay naglalaman ng kakaibang tema ng katatakutan. Kakayanin mo ba? Titikman mo ba ang... RE.KA.DO Sa panulat ni Evan Makata PROPERTY OF UNIVERSITY OF HORROR STORIES Writer: Evan Makata Book Cover: Evan Makata Owner: UHS Group Graded...