CHAPTER 2

3 0 0
                                    

Skipped to June.

So back to school na naman. Instead na laptop yung kaharap ko, blackboard na. Instead na mouse yung hinahawakan ko, ballpen na. Instead na iPad hawak ko, notebook na. Buhay estudyante nga naman oh. Pero sabi nga nila, "Tired of school, but I have goals." Oh diba? So kakayanin! :D

Nga pala, I studied in Gray High School. Hindi na kaduda-duda kong saan ako nag-aaral dahil gray din naman ang kulay ng skirt namin. Huehue.

I am already Grade 8 that time. Belonged to a Pilot Section. Nakakaproud diba. Sagot lahat ng pinaghirapan mo dahil napasa ang grades ko sa section ng mga high-accelerated brains hihihi.

I had a bestfriend named Ronelyn. She was my bestfriend since Grade 7, she's my very first friend during that grade kasi transferee kasi ako non. Sabay din kaming nagbrigada at nag-enroll bago pa ang pasukan.

Naglalaro si Ronelyn sa phone ko nong vacant time namin nang biglang may nagtext sakin.

"Hoy bruha. May nagtext sayo. Unknown number. Jowa mo to? Ba't hindi mo sinabi sakin ha? Akala ko ba magbestfriends tayo?" sabi niya.
"Hoy tahimik ka nga! HI lng tinext, jowa na agad? Ang OA mo ha. Ang pangit mong tignan." sagot ko.

Hindi ko nalang pinansin yung message na iyon kasi baka isa lang yun sa mga jeje na tao sa school namin.

When I got home, nagtext na naman ulit yong unknown number na yon.

"Hi Khristy. Si Reyvi nga pala to. Got your number sa kaibigan mong si Jam".

What the...
Did he just...
Oh my god! It's him! It's Reyvi!

"Oyy hello. Slr ha nabusy sa school eh". (sent to bbyreyvi♥)

*sending failed* *your account balance is not enough for sending this message*

Da ef. expired na pala load ko. I immediately ran to the nearest store upang makapagload. Syempre sinong di mababaliw eh hahayaan mo bang baliwalain ang text ng crush mo.

Nakapagreply na'ko. We were already texting each other. Talking about what happened last party. At nong inantok na kami, balak na kaming matulog at bukas nalang ipagpatuloy yong conversation namin.

Undecided HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon