China May Sabangan -Facebook
Chinamaysab -Twitter
Chaynamey -Instagram~Casey
Welcome to Campbell University Ms. Monroe. - Mr. President
Salamat po. - casey
Paglabas ko ng office ng president hinanap ko na agad yung room ko. Habang naglalakad ako nakikita ko naman yung pagtingin sakin ng mga taong nadadaanan ko. Alam na siguro nila na ako yung transferee. Pag liko ko nakita ko naman na agad yung room ko.
-Room 143-
How sweet!Pagpasok ko para naman akong tinutusok sa mga tingin nila. Grabe naman ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Haaayys.
Dahil hindi ako interesado na makipagtitigan sakanila dumerecho nalang ako dun sa dulo at umupo na.
Maya maya nakita ko naman na yung katabi ko na titig na titig sakin balak ata akong tunawin.Bakit? - casey
Akala ko naman mahihiya sya sa ginagawa nya pero hindi pala, mas lalo pa nga akong tinitigan.
Alam kong maganda ako. Thank you. - casey
Oo tama ka ang ganda mo nga. Grabe muka kang anghel. Ah, ako nga pala si Cyrus, Cyrus Foster. - cyrus
Sabay abot ng kamay nya.
Tinignan ko lang yun.Ah. Haha wag ka mag alala, di ako nangangagat. - cyrus
Inabot ko nalang yung kamay ko dahil mukang di naman sya susuko.
Casey Monroe. - casey
Ikaw yung transferee diba? - cyrus
Oo. - casey
Ayos! May makakausap na din ako. - cyrus
Huh? - casey
Nagtaka naman ako bigla. I mean walang kumakausap sakanya? Eh sobrang gwapo naman nya at sobrang manly pa ng itsura.
Kasi sabi nila weird daw ako. - cyrus
Panong weird? - casey
Wag kang mag frefreak out ha? - cyrus
Tumango naman ako. Tapos lumapit sya sakin para bumulong.
May mga demonyo dito sa school. - cyrus
Nagulat ako sa sinabi nya.
Andito sila?Anong klaseng demonyo? - casey
Tumingin muna sya sa paligid bago nagsalita ulit.
Alam ko mahirap paniwalaan pero. May mga kaibigan akong hunter. Tinuruan nila ako kung pano malalaman na may demonyo sa paligid. - cyrus
Hunter? - casey
Oo. Hinahunt nila ang mga demonyo para patayin. - cyrus
Yung mga demonyong yun, sumanib sila sa mga katawan ng studyante,guro at iba pang tao dito sa school. - cyrusAndito na din pala sila. Akala ko naman mahihirapan akong maghanap.
Teka. Naniniwala ka sakin? - cyrus
Tinignan ko sya. Dapat ko bang sabihin sakanya? Hindi. Hindi pa pwede. Hindi ko pa sya ganung kakilala.
Siguro? - casey
Magsasalita pa sana sya pero dumating na yung professor.
Ngayon ang kailangan ko lang alamin anong pakay nila dito?----------------
Pagkatapos ng klase umalis na ko agad. Kahit na tinatawag ako ni Cyrus hindi ko na sya pinansin.
Kailangan ko makausap si Sebastian.Pagliko ko sa hallway nakita ko na agad si sebastian.
Hinahanap mo ko? - sebastian
Andito sila. Anong ginagawa nila dito? - casey
Hinahanap ka nila Casey. Naaamoy ka nila. Kaya mag ingat ka. Alam nila ang balak mo. At gagawin nila ang lahat para pigilan ka. - sebastian
Hindi nila ako mapipigilan. Uubusin ko sila bago nila mabuhay ang ama nila. - casey
Wag ka mag alala. Kumikilos na ang iba, hindi nila pababayaan na magtagumpay ang mga demonyo. Sa ngayon kailangan mo munang hanapin ang mga Wilkerson. Malaking tulong sila sa atin. - sebastian
Bigla naman na syang umalis.
Yung mga Wilkerson pa nga pala. Ano ba yan! Ang dami ko namang hahanapin. Tsk!Sa pagiisip ko nagulat ako nung may narinig akong sigawan sa baba. Pumunta naman ako dun agad. At nagulat sa nakita ko.
Omygod! Omygod! Trixie ! Anong nangyari? Trixie!!!
Sigaw nung babae.Andito na nga sila. Walang duda.
Pumatay nanaman sila.
Pagtalikod ko nakita ko si Cyrus nakatitig lang dun sa babae na puro laslas ang leeg.
Tumingin naman sya sakin.Sila ang may gawa nyan Casey. Maniwala ka. - cyrus
Alam ko. Alam ko. Kaya kailangan ko na magmadali.
Hinila ko si Cyrus sa walang tao.Sabihin mo sakin lahat ng nalalaman mo sa mga demonyo. - casey
Tinignan na muna nya ko pagkatapos ay nagsalita na rin.
Ginagawa nila lahat para mabuksan ang mga seals. Hindi ko alam kung bakit nila yun ginagawa pero alam kong hindi maganda ang mangyayari at nagmamadali na sila. - cyrus
Ilang seals na ang nabuksan? - casey
33 seals na. - cyrus
33? 80 seals lang ang meron.
47 seals nalang ang kailangan at mabubuhay na sya. - casey
P-pano mo nalaman? At sinong mabubuhay? - cyrus
Tinignan ko lang sya.
Sandali lang, ano ka ba talaga?! - cyrus
Isa akong
Anghel.
-------------------