Chapter 9

26 1 0
                                    

~Casey

Anong ginagawa ni Death dito?
Sinubukan kong kausapin yung mga reapers para alamin kung ano ang nangyayari, pero di sila nagsasalita. Pero tinuturo ng daliri nila ang isang direksyon.



- Angels Burger -

Isa yung restaurant na well malamang kainan ng burger. Ng "angels burger"!
-____________-

At mukang alam ko na kung sino ang nandun. Pinuntahan ko muna saglit si Cage para mag paalam.

May pupuntahan lang ako. Bumalik ka na sa sasakyan at wag na wag kang lalabas, delikado. Antayin mo nalang ako. - casey

Muka namang naguluhan sya sa sinabi ko.


Ano? Teka Casey! Ako ang nagsama sayo dito tapos maiiwan lang pala ako? San ka ba pupunta? - cage

Makikipagkita ako kay Death. Kaya wag kang magkakamaling sumunod. Wag ka ng manghinayang dyan sa costume mo, may ibang araw pa. - casey


Aba--- - cage

---------------------

~Cage

Aba---- - cage

Di ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla na syang naglaho. Hanggang ngayon talaga namamangha pa rin ako pag bigla syang nawawala. Pero nakakainis lang! Akala ko naman ako ang may gagawin dito ayun pala dito lang ako sa kotse at parang batang pinagbawalang lumabas para mag laro. Tss.
At anong sabi nya? Nanghihinayang ako sa suit na to?! Psh! Gustong gusto ko na nga tong hubarin eh. Napakainet!

Pero ano naman kayang naisip nya at makikipagkita sya kay Kamatayan? Haaayyy! Asar! Bawal sumunod!!!!

--------------------

~Casey

Death. - casey

Umangat naman sya ng tingin sakin. Naabutan ko sya na kumakain nung " angels burger ".

Casey! Halika, saluhan mo ko. Masarap itong burger mo ha? - death


Mabilaukan ka sana.

Kahit ayaw ko, umupo na din ako sa harap nya.

Hmmm. Hindi ko inaasahang pupunta ka dito, ginulat mo ko anghel. - death



Ikaw din hindi ko din inaasahan na pupunta ka rito. Ginulat mo din ako kamatayan. - casey



Haha! Casey, Casey, Casey. Tama nga sila. Nakakatuwa kang kausap. - death



Wag na tayong magpaligoy ligoy pa, anong kailangan mo dito? - casey


Kumagat muna sya ng burger bago magsalita. Tss. Nasarapan ba talaga sya dun?

Wag kang mag alala. Wala naman kaming susunduin. Gusto lang kitang makausap. - death


Ikatutuwa ko ba yan? - casey


ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon