~Cyrus
Tsk! Pambihira! Nakasara na yung simbahan. Pano ba toh? Tsk!
'Calling Kuya Travis'
Hello Cyrus. - travis
Kuya! Umaatake na ang mga demonyo dito sa Campbell! Malapit na nilang mabuksan ang isang seal! Kailangan ko tulong mo, kailangan ko ng holy water. - cyrus
Sige sige dadaan ako sa simbahan, si Cage? - travis
Huling tawag nya sakin ang sabi nya may demonyo daw syang kasama. - cyrus
Ano!? Teka puntahan mo nga muna sya! Baka napano na yun! - travis
Di ako pwedeng pumunta dun kuya! May pinapagawa pa sakin si Casey. Sige na kuya, magkita nalang tayo sa may water tank nitong school. - cyrus
Aish! Sige na sige na ! Mag ingat ka! - travis
Nagmamadali naman na kong tumakbo papunta dun sa water tank. Tsk! Gusto ko rin sana tulungan si Cage kaso pano? Baka mamaya di ko pa magawa yung pinapagawa ni Casey mas lalo pang gumulo.
Isa pa para san pang naging hunter si Cage kung di nya kayang lumaban sa demonyo. Hindi naman sya first timer.--------------------
~Casey
Akala mo ba hindi ka namin mahahanap? Hahaha! Napakagandang gabi naman pala nito! Mabubuksan na ang isang seal tapos, mapapatay pa namin ang isa sa pinakamagaling na anghel ng langit. At! Nagsama ka pa ng mga kapatid mo at hmmm isang walang kwentang hunter. - lexus
Si Lexus. Ang kanang kamay ni Lucifer. Sya ang laging gumagawa ng paraan para masigurong mabubuksan ang mga seals. At hindi pa sya nabibigo.
Hindi ka pa rin nagbabago, madaldal ka pa rin. - casey
Hahaha! Ikaw talaga Casey, hindi ka na nasanay. - lexus
Bigla namang bumangon si Cage. Marahil ay ayos na sya.
Cage Wilkerson. Ang pinakawalang kwentang hunter. Kamusta? Ako si Lexus, kinagagalak kong makilala ka. - lexus
Kilala kitang hayop ka. - cage
Kilala nya si Lexus?
Tsk tsk tsk. Wag mo kong tatawaging hayop dahil kayong mga tao ang hayop. Pero talaga kilala mo ko? Teka, nagkita na ba tayo dati? Pasensya ka na hindi ko na matandaan. - lexus
Halata namang nang iinis si Lexus. Pero hinahayaan ko muna sila para bigyan pa ng oras si Cyrus na magawa ang pinapagawa ko.
Hindi ako tanga para di malamang ikaw ang pinakamalakas na demonyo. Pero sa nakikita ko, mali ata ang nalaman ko. Para ka kasing babae na nakikipagbangayan sa kaaway nya. - cage
Halata mo namang hindi nagustuhan ni Lexus ang mga narinig nya kay Cage.
Argggh! - cage
Nagulat ako nang biglang humampas si Cage sa pader.
Cage! - casey