Chapter 3

20 2 0
                                    

China May Sabangan -Facebook
Chinamaysab -Twitter
Chaynamey -Instagram

~Casey

Ngayon hindi ko alam kung gusto ko pang pumasok. Dahil sigurado akong maraming itatanong sakin si Cyrus. At hindi ako ganun kahanda sagutin yun. Hindi ako pwedeng magbigay ng masyadong maraming impormasyon.

Pero dahil kailangan ko patayin ang mga demonyo kaya papasok na lang din ako.

Tumingin muna ako sa salamin. Kung titignan para lang akong normal na studyante na pwedeng maging part time model dahil sa kagandahang kong taglay. Kung tao lang sana ako. Baka nagawa ko na yun. Pero hindi eh. Kaya eto ako ngayon papasok hindi para mag aral kundi para pumatay ng demonyo.

-Campbell University-

Papunta na ko sa room ng makita ko si Cyrus.

Casey! Kanina pa kita hinihintay. - cyrus

Hay eto na nga ba sinasabi ko eh.

May ipapakilala ako sayo. Tara dali! - cyrus

Hinatak naman nya ko bigla. Ayos tong lalaking toh ah! Parang di nya alam na anghel ako kung makahatak.

Matapos nya kong kaladkarin huminto kami dun sa hallway na walang tao kung san ko kinausap si Sebastian. At may nakita akong dalawang lalaki na titig na titig sakin. Hayyy sanay na ko. Napakaganda ko kasi eh.

Cage,kuya Travis sya si Casey. Casey sila yung mga sinasabi ko sayong hunters magkapatid sila. Sila Cage at Travis Wilkerson. - cyrus

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Teka? Sila ?

Wilkerson? - casey

Tumango naman si Cyrus.

Kamusta "anghel". - travis

Sarcastic yun alam ko.

Asan ang pakpak mo? At ang halo mo? Ha? - cage

Okay gets ko na. Di sila naniniwala.

Matagal ko na kayong hinahanap. Kayo lang ang makakatulong sakin. - casey

Muka namang naguluhan sila sa sinabi ko.

Tulungan saan? - cyrus

Pigilan ang mga demonyo na buksan ang mga natitirang seals. - casey

Bakit ano bang mangyayari kapag nabuksan ang mga seals? Ha "angel"? - travis

Mabubuhay muli si Lucifer. Mamamatay lahat ng tao pati ang mga anghel. Ang langit gagawin din nilang impyerno. At magkakaron ng apocalypse. - casey

Iniisip ko palang na mangyayari yung mga sinasabi ko nanghihina na ko.

Imposible. Hindi totoong may anghel! At ano? Si lucifer? Haha! Nagpapatawa ka ba? - travis

Hindi ako nagbibiro. Malapit na ang katapusan! - casey

Para namang natatawa sila sa mga sinasabi ko.

Hindi kayo naniniwala? - casey

Nilapitan ko naman sila.

Sabihin nyo. Nung mga bata pa kayo. Hindi ba't hindi rin naman kayo naniniwala sa mga demonyo? Pero ngayon nakakaharap nyo na sila. Nakakausap, hinahunt tapos pinapatay. Ngayon sabihin nyo ulit sakin na imposible na merong anghel. - casey

Muka namang napa isip sila sa sinabi ko.

Patunayan mo. - cage

Pambihira!

Mga tao nga naman. Hindi maniniwala hanggat di nakikita. - casey

Syempre. - travis

Tinapat ko ang kamay ko sa noo ni Cyrus. At bigla syang bumagsak.

Nagulat naman sila.

Anong ginawa mo?! - cage

Tapos nilapitan nila si Cyrus ng nag aalala.

Wag kayo mag alala. Pinatulog ko lang sya. Naniniwala na kayo? - casey

Di nila ako sinagot at nanatili lang silang nakatingin sakin.
Hayy bakit ang hirap nilang kumbinsihin?

Bigla naman akong nawala sa harap nila at nagulat sila nung biglang katabi ko na sila.

Ano okay na? - casey

P-pero bakit wala kang pakpak? - cage

At halo. - travis

May pakpak ako. Pero walang halo. Hindi totoo yun. - casey

Patingin! - cage

Hindi pwede makikita ako ng mga demonyo. - casey

Parang nadismaya naman sila.
Tapos nagising na si Cyrus.

A-anong nangyari? - cyrus

Pinatulog ka nya. - cage

Sabay turo sakin ni Cage. Tinignan naman akong mabuti ni Cyrus.

Kinailangan kong gawin yun para maniwala sila sakin. - casey

Bakit mo naman kami kailangan? Wala kaming mga kapangyarihan para pigilan ang katapusan na sinasabi mo. - travis

Pero hunters kayo. Kailangan nyo lang silang pigilan na sumanib sa mga tao. Paalisin ang mga nandito sa lupa at pabalikin sa impyerno. Katulad ng ginagawa nyo. - casey

Anghel ka. At may kapangyarihan kayo. Bakit hindi kayo ang mag tapon sa kanila pabalik ng impyerno? - cage

Hindi ganun kadali yun. May mga kapangyarihan din sila at alam kong alam nyo kung ano ang kaya nilang gawin. - casey

Hindi kami tutulong. - travis

Ano? - casey

May ilang buwan na rin naming tinigil ang ginagawa namin ni Cage,dahil gusto na naming magkaroon ng maayos na buhay. Yung buhay na normal. - travis

Tingin nyo sa pagtigil nyo magiging normal pa ang mga buhay nyo? Hindi! Dahil kilalang kilala na kayo ng mga demonyo. Marami na kayong napatay sa kanila. Kaya hindi sila magdadalawang isip na gantihan kayo. - casey

--------------

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon