Rei's PovTok ! Tok! Tok!
Tok! Tok! Tok!Nagising na lang ako sa sunod sunod na katok sa pintuan ng kung sino man yun. Siguro ay ang lalake na namang iyon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan nya.
Haist. Dali dali naman akong bumangon at binuksan ang pintuan.
Duon ko nakita ang lalakeng nagdala saken dito.Nakaitim itong polo na tinernuhan ng itim na slacks na pantalon.
Nakatayo ito sa harapan ko na wari'y inis na inis, marahil sa hindi ko pag bubukas ng pintuan kaagad."W-why?" Hanggang ngayon hindi pa rin maalis saken na matakot .
"Your lunch is ready, just go to the dining room, its already prepared. Kung may kaylangan ka, katukin mo na lang ako sa pintuan ng kwarto ko." Maawtorididad niyang pahayag.
Lunch na? Dahil siguro sa maghahating gabi na ko nakatulog kaiisip sa mga nangyare saken. At inintay ko ding humupa ang malakas na hangin kagabe. Kaya hindi ako nagising kaagad. Lunch na pala.
"O-okay!" Yun na lang nasabi ko.
Mabilis syang nawala sa paningin ko.
Agad ko namang isinarado ang pintuan. Inilibot ko ang paningin ko, at napako ito sa aparador na nasa tabi ng pintuang kinatatayuan ko.
Nilapitan ko ito at tinignan kung anu ang nasa loob.
Doon ko nakita , ang marameng klase ng mga damit na pangbabae.
Kumpleto ito. Kahit underwear eh meron din. Ngunit kapansin pansin ang tanging kulay na tinataglay ng mga damit. Itim. Lahat kulay itim.Ganun ba kahilig sa itim ang lalakeng yun at pati mga damit eh itim.
At saan kaya nya nakuha ang mga damit na ito. Yan ang tumatakbo sa isipan ko habang isa isang sinisipat ang mga damit na nakahilera sa loob ng aparador na yun.Napakibit balikat na lang ako. Kung kanino man yun, hindi na importante, ang mahalaga ay mayroon na akong gagamiting mga damit na pamalit.
Naisipan kong magpunta na sa dining room para kumaen. Gutom na rin naman ako. Hindi ako nakakaen ng maayus kanina dahil sa nangyare kanina sa pagitan naming dalawa ng lalakeng yun.
Lumabas na ko sa kwarto ko at nagtungo na sa dining room. Dun ko nakita ang ibat ibang klase ng mga pagkaen. Mukhang masasarap.
Agad ko namang dinaluhan yun at nagsimula ng kumaen.
Ng matapos ako, niligpit ko na.lang ang mga pinagkainan ko. At inayos ang mga natirang pagkaen.
Pabalik na sana ako sa kwarto ko nang mapansin ko na naman ang buong kabahayan.
Napakadumi at ang damit alikabok. Buti na lang sa kusina at sa dining room, ay hindi ganito ang itsura.
Dahil kung hindi, baka mag tiis na lang ako ng gutom kesa ang kumaen sa makalat na lugar.
Haist! Maglilinis na lang siguro ako.
Magaling nang masimulan ko na bago pa bumaba ang lalakeng iyon.Buti na lang hindi ako naging mangmang sa gawaing bahay. Maipagmamalake ko na alam ko lahat ng gawaing bahay sa tulong na din ng aking Yaya Suri. Bata pa lang ako, pinipilit ko na sya na turuan ako sa ganitong mga gawain.