Third Persons Pov
Napukaw mula sa mahimbing na pagtulog si Rei dahil sa mga nagkakalampagang mga gamit pangluto dulot ng pagluluto ni Dimitri sa kusina.
Napakusot kusot pa sya ng kanynag mga mata bago tuluyang tumayo mula sa pagkakahiga.
Nagpasya siyang magtungo sa kusina ng muli nyang marinig ang kalampagan na nagmumula rito.
At doon nakita nya ang lalakeng kasama nya sa bahay kung san naroroon siya.At base sa nakikita niyang ginagawa nito. Batid niyang nagluluto ito ng pagkaen. Marahil ay para sa hapunan.
Hindi sya tuluyang pumasok sa loob ng kusina bagkus sya'y kumubli upang panoorin ang lalake habang nagluluto.
Napakagaling nitong humawak ng mga kagamitang pang kusina. Sanay na sanay. Mula sa paghawak ng kutsilyo. Mula sa mabilis nitong pagtadtad ng mga sangkap, maging ang maayos at mabusisi nitong pag tantya ng pangpalasa.
Nagwala naman ang tiyan nya ng maamoy niya ang nilulutong pagkaen nito. Masarap, amoy pa lang masasabi na nyang masarap.
Naramdaman siguro ng lalakeng yun na may nakatingin sa kanya, bahagya itong napatigil sa pagluluto ngunit nagpatuloy rin naman sya sa kanyang pagluluto, Maya-maya pa'y natapos na ito at nakita nya itong naghanda na ng dalawang plato sa lamesa. Inayos na rin nito ang nilutong mga pagkaen at inihanda na sa lamesa
"Waaaahhhhh nakakagutom, nagwawala na ang tiyan ko." Sa isip isip nya.
Bigla na lamang niyang napansin na bahagyang napangiti ang lalake. Nagtaka sya pero bigla din syang napakunot ng maisip nya na baka nabasa na naman ng lalakeng yun ang nasa isip nya. Nakakahiya.
Napansin nya na naupo na ito sa hapagkainan. Nakita niyang kumuha na ito mga pagkaen at inilagay sa platong katapat nito. Humiwa ito ng karne at bago isubo ay tinawag muna sya nito. Tama ang hinala nya, alam nang lalakeng yun na andun lang siya. Agad naman syang lumapit at naupo sa upuan nya tuwing nandoon sa loob ng dining room.
Kukuha na sana sya ng makakaen ng makitang nasa kabilang bahagi ng lamesa ang kanin. Hindi nya alam ang gagawin. Nahihiya syang tumayo para abutin ang kanin. Pero nagulat na lang sya ng makita ang lalakeng yun na kinuha ang platong pinaglalagyan ng pagkaen at inabot yun sa kanya.
Nabigla sya sa ginawa nang lalake pero pinilit pa rin nyang magpasalamat.
"S-salamat D-Dimitri" pero mas nabigla sya sa lumabas sa bibig nya, ang pagtawag nya sa lalakeng yun ng Dimitri. Ni hindi nga sya sigurado kung Dimitri nga ba ang pangalan ng lalakeng yun o kung sya nga ba ang nasa litrato o baka kamukha lang.
Tinignan nya ang reaksyon ng lalake, at nakita nya ang makahulugang titig nito sa kanya.
"A-anu, y-yung litrato, sa S-sala. D-duon ko n-nakita y-yung pangalan m-mo" natataranta nyang paliwanag. Ayaw nyang makaen ng buhay ng dahil lang sa Nakabanggit sya ng pangalan na ni hindi nya sigurado kung tama bang binanggit nya.
Nagiintay sya ng salita mula sa lalake ngunit nagpatuloy na ito sa pagkaen. Naisipan nyang ipagpatuloy na din ang pagkaen.
Gutom sya at pagod dahil sa paglilinis nya ng buong bahay kaya walang anu anu ay kumuha sya ng madameng pagkaen, pang tatlong tao na nga ata ang kinuha nya ei.
Masigla syang kumakaen habang inalala ang hindi pag sagot ng lalake sa kanya kanina.
Hindi nito sinabe kung sya nga ba o hindi ang lalakeng nasa litrato o kung pangalan nya nga ba ang Dimitri. Pero hindi rin ito tumanggi.