LIHW.06: All About Him

6 1 0
                                    

Jan Dimitri's PoV

Kagigising ko lang, at eto na naman ang pakiramdam na hindi ako komportable na alam kong may ibang nilalang o tao na andito sa bahay ko ngayon.

Ou at andito sya dahil ako ang nagdala sa kanya rito, pero hindi pa rin mawala saken ang ganitong klase ng pakiramdam. Parang nawala ako sa comfort zone ko.

Pakiramdam ko, isa akong Leon na nakakulong kasama ang maaari kong maging buhay na pagkaen.

Tao ang kasama ko sa bahay na to
At ang amoy ng dugo nya, ay sobrang nakakahalina. Hindi ko na halos magawang lumabas sa kwarto, malayo lang sa mabangong amoy ng dugo nya.

Sobrang pagpipigil ang ginagawa ko. Hindi ko malaman kung bakit nagkakaganito ako.

Hindi ko alam kung anu ang meron sa babaeng yun at nagawa kong pigilan ang sarili ko para sipsipin ang mahalimuyak nyang dugo.

Arggghhhh masyado na kong naguguluhan. Nagpasya na kong tumayo at magpunta sa kusina para magluto.

Hindi ako gumagamit ng bawang sa tuwing nagluluto ako. Hindi man ako agad agad na napapatay nito. Pero lubos akong pinanghihina, makakaen man lang ni kaunting bahagi  nito.

Pagkalabas ko ng pasilyo, may napansin akong kakaiba sa paligid ko.

Ang maalikabok at maagiw na pasilyo, ay sobrang linis na ngayon. Maging ang hagdanang nilalakaran ko ngayon, ay makintab at wala na ring mga sapot.

Ganun din ang sala. Na halos kumintab ang mga parte ng mga antigo kong gamit.

At sa sopa. Dun ko sya nakita. Ang babaeng alam kong may kagagawan ng lahat ng to.

Nakahiga sya sa sopa na parang walang nilalang na katulad ko ang maaaring makakita.

Bahagya pang nakalantad ang leeg nya. Lalong lumakas ang pagkahayok ko sa dugong meron sya.

Lumapit ako sa kinatatayuan nya at doon ko napansin ang ngayon ay wala ng kurtinang bintana. Buti na lang at gabi na. Siguradong masusunog ako kung tanghali pa lang ngayon.

Muli akong napatingin sa kanya.

Naalala ko pa nung gabing makita ko sya. Nag ha-hunt ako nun ng maaaring pumawi sa pagkasabik ko sa dugo ng makarinig ako ng yabag na tila tumatakbo. Nagtago ako sa malaking puno at dun ko nakita ang babaeng ito. Bawal ang tao sa lugar na to. Kaya di ko lubos maisip kung pano siya nakapasok dito.

Sagrado ang Dust Forest at ni isang mortal, hindi magagawang pasukin to sapagkat may harang na pumipigil sa mga tao para mapansin at mapasok ang Dust Forest.

Kaya labis ang pagtataka ko.
Napansin ata ng babaeng ito na may nakatingi  sa kanya. At doon unang nagtagpo ang mga paningin namen.

Amoy na amoy ko ang mahalimuyak na dugo sa katawan nya. Sobrang bango na ngayon ko lang naamoy.

Kaya hindi ko naiwasan ang kulay dugong mata ko na mangibabaw.
At yun siguro ang nakita nya.

Kitang kita ko ang takot sa mga mata nya. Hahakbang pa sana sya palayo nang bigla syang panawan ng ulirat. Agad ko syang lapitan.

Ouh noong una, binalak kong inumin ang dugo nya, ngunit may kung anu sa babaeng to na nakapagpatigil sakin para sipsipin ang dugo nya.

Sinubukan ko syang ilabas nuon sa sagradong harang ngunit hindi ko magawa. Hindi ko alam ang nangyayari. Nakailang subok pa ko. Nang magpasya ako na dalhin na lang sya sa bahay ko.

Sa tuwing makikita ko at maaamoy ang dugo nya. Hindi ko maiwasan ang kulay dugo kong mga mata na lumabas.

At eto sya ngayon. Nakabalandra ang leeg. Ang mabango nyang dugo ang nagpaulol sakin.

Lost In His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon