Umaga na naman.Malungkot akong napangiti.
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mapunta ako sa lugar na to.Isang linggo ko na ring hindi nakikita ang mga magulang ko.
Hinahanap pa kaya nila ako??
O baka sumuko na din sila sa paghahanap sakin??Isang linggo na kong walang balita sa kanila o sa mundong nakasanayan ko. Mapait akong napangiti. Ito naman ang gusto ko diba. Ang lumayo sa kanila. Ang takbuhan sila.
Sa tuwing maaalala ko ang mga bagay na pinilit kong maging para lang maging proud sila sakin.
Nasasaktan ako.Masasayang lang din pala lahat ng yun. Wala rin lang pala para sa kanila lahat ng yun. Pera lang ako para sa kanila. At sa isiping yun. Parang pinipiga ang puso ko.
Parang may kamay na nakahawak sa puso ko. At pilit itong pinipiga. Masakit. Sobrang sakit.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa malaking glass window. Umiiyak na pala ako, hindi ko agad napansin.
"Why are you crying?" Inikot ko ang paningin ko para makita si Dimitri. Nasa madilim na bahagi sya ng sala kung san hindi nasisinagan ng araw. Mabilis ko namang hinawi ang kurtina para matakpan ang sinag ng araw.
Ayaw nga pala nya sa sikat ng araw.
"Again, why are you crying human?"
Agad ko namang pinahid ang mga luha ko. "W-wala napuwing lang"
"Araw araw mong linilinis ang bahay ko, lagi ding sarado ang mga bintana nito, kaya saan naman galing ang pupuwing sayo?" Walang emosyong mga mata na naman ang nakita ko.
Lagi kong nililinis ang bahay nya, pampalipas oras para hindi ako maburyo sa loob ng bahay na to.
Hay nako, hindi effective palusot ko."W-wala to" yun na lang ang sinabi ko. Hanggat maari ayokong magpakita ng kahinaan sa loob ng bahay na to.
Tinignan lang nya ko, alam kong hindi sya naniniwala sa sinabi ko pero wala na kong pake. Ayokong pag usapan ang mga hinanakit ko sa buhay. Ayokong maging mahina sa paningin nya.
"Gano ba ko katagal mananatili dito?" May bahid ng hinanakit ang pagkakasabi ko. Hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob na sabihin yun pero kelangan na talaga.
Isang linggo na ko dito, at hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako maaaring umalis sa lugar na to.
Oo gusto kong lumayo sa mga magulang ko, sa takdang pakasalan ko, at sa takdang mangyare sa buhay ko.
Pero hindi ko ginusto na manatili sa ganitong lugar. Ang gusto ko lang talaga ay makalayo. Pero hindi ko naman akalain na dito ako mapupunta. Sa lugar kung saan hindi ko alam kung nasan.
Sa lugar kung san hindi ko alam kung anu anung klase ng nilalang ang nakapalibot saken.
"Bakit hindi ka nagsasalita?" Nakita ko kasi syang nakatingin lang sakin. Wala ba syang balak sabihin. Anu ba talaga ang balak nya at hanggang ngayon hindi pa rin nya ko pinapaalis.