Prologue

24 1 0
                                    

"Kapag hinalikan mo ko magiging akin ka na." Naghahamon kong sinabi.

Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko at maging sa kamay ko.

Mula sa aking mga mata ay dahan-dahang bumaba ang mga titig niya patungo sa aking mga labi.

Kitang-kita ko ang intensidad sa mga mata niya na ibinabato sa aking mapupulang labi. Bahagya ko pa itong dinilaan para lalong pumula.

He lean forward to me, sakto lang para magdikit ang aming mga ilong. Naduduling ako kaya naman ipinikit ko nalang ang aking mga mata at dinamha ang mainit at mabango niyang hininga na lalong pumapatay sa kamalayan ko.

Bahagya ring naglapat ang aming mga katawan kaya naman ramdam na ramdam ko ang nang-uunahang pagtambol ng mga puso namin.

Dahan-dahan kong ikinawit ang kaliwa kong kamay sa kanyang batok at ang kanan naman ay nanatiling hawak niya.

"Gusto kitang halikan..." nanggigigil niyang sinabi na lalong nagpataas sa mga balahibo ko sa likod.

Kumawala ang munting ngiti saking mga labi ng maramdamang gumalaw ang kamay niya mula sa aking balikat patungo sa aking batok. Bolta-boltaheng kuryente ang dala nito na naglakbay hanggang sa kasulok-sulukan ng aking kaluluwa.

Pinagdikit niya ang aming mga noo at alam kong labi nalang ang kulang ay tuluyan na kong mababaliw sa kanya.

"Gusto kitang yakapin..." patuloy niya.

Lalong nagtambol ang aking puso sa narinig.

Halik lang ang gusto kong mangyari sa ngayon at kung yayakapin niya ako ay baka di ko na siya mapakawalan.

"Gustong-gusto... Pero hindi pwede." Matigas niyang sinabi kasunod ang paglayo ng kanyang noo, ilong at katawan sa akin.

Agad akong napamulat sa inasta niya para salubungin ng nagliliyab at nanggagalit niyang mga mata.

May pagtataka ko siyang tiningnan. Nilapitan ko siya pero lalo siyang lumayo. Inabot ko siya pero mabilis siyang umiwas.

"Hindi pwede." Ulit niya.

Pinutol niya ang mainit niyang titig sa akin at bahagyang yumuko na parang nagsisisi.

"Ayokong angkinin mo ako... dahil may mahal na ako." Mahina niyang sinabi na tuluyang dumurog sa kanina'y nagdiriwang kong puso.

Aray. Ang sakit. Ang sakit sakit. Sobrang sakit.

Ramdam ko ang pagnginig ng aking mga tuhod sa kanyang sinabi ngunit pinilit ko pa ring tumayo ng tuwid at muling isinandal ang aking likod sa kaninang pader na saksi sa lahat ng mga nangyari.

"Oo nga pala. May mahal ka na."

Nalasahan ko ang pait sa aking mga sinabi at baka kung wala siya sa aking harapan ay tuluyan na akong humandusay sa sahig. Tanging ang pader na lang ang inaasahan ko sa ngayon.

Dahan-dahan siyang tumalikod at naglakad palayo sa akin. at walang lingun-lingon ay binuksan niya ang pinto at tuluyang lumabas sa aking kwarto.

Ilang sandali akong natulala bago tuluyang bawian ng lakas ang kanina ko pa nanginginig na mga tuhod.

Bumagsak ang aking katawan sa malamig na sahig ngunit tanging sakit sa kalooban ang aking nararamdaman.

Gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya. Hindi pwedeng mapunta siya sa iba. Sa akin lang siya. Kung hindi siya mapupunta sa akin mabuti pang mawala nalang ako.

Oo, baliw ako. Baliw ako sa kanya.









(1.31.16)

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon