"Shit!" Hindi ko napigilan ng malaglag nanaman ang cellphone ko.
Hindi ako mapakali. Simula ng natapos kaming kumain ay hindi na ako mapakali.
Naeexcite ako na kinakabahan na parang maiihi sa antisipasyon na nararamdaman. Kaya naman minabuti kong dito na muna ako sa kwarto.
Mag-i-eight na pero wala pa rin yung mga bisita ni Kuya. Pag nagkataon baka dito nanaman sila magpalipas ng gabi kapag nagkasiyahan.
Mula sa pagkakaupo ay dahan-dahan kong inihiga ang aking sarili sa malambot kong kama at dinama ang mabilis na pagtambol ng aking dib-dib. Iniisip ko pa lang ang posibilidad na dito ulit siya matutulog ay nawawala na ako sa sarili. Dahil hindi naman totoong natulog siya noon. Hindi kami natulog noon...
Naputol ako sa aking iniisip ng may tumigil na sasakyan sa tapat namin kasunod ang mabilis na tunog ng pagbukas ng aming gate. At parang automatiko ay napatayo ako at agad na sumilip sa bintana.
"Ang tagal niyo! Papainit ko muna kay Mama yung papaitan." Tila inip na sinabi ni Kuya.
Halos humaba na ang leeg ko sa kakasilip sa mga bisita ni Kuya, umaasang isa doon ang aking inaasahan.
Unang pumasok si Kuya Ady na agad nakipag-apir kay Kuya at umakbay. Sumunod ang magkapatid na Monson na tila galing pa sa pagtatalo dahil parehong nakabusangot. Halos tatlong segundo ang lumipas ng pumasok naman si Kuya Mackie kasama si Ate Pearl, ang long time girlfriend niya.
"Xin, baka sumunod nalang daw sila Francis."
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ni Kuya Mackie. At lalong nawalan ng pag-asa ng isinara nito ang aming gate.
Iritado kong sinara ang bintana at agad isinalpak ang aking headset. Bihira lang sumama si Francis sa kanila 'pag dito sa bahay kaya naman hindi na ako aasang susunod siya.
Pabagsak akong bumalik sa pagkakahiga. Nawala na ang kaninang tambol tanging pagkairita nalang ang natira sa dibdib ko. Siguro'y matutulog nalang ako...
Maya-maya'y naalimpungatan ako. Nakatulog nga ako, siguro'y dahil na rin sa sobrang inis ko. Sinilip ko ang aking cellphone. Mag-aalas dose na pala. Tinanggal ko ang aking headset na halos bumingi na saking tenga sa sobrang lakas ng tunog. Malakas na halakhakan mula sa baba ang sumalubong sa aking tenga.
Walang gana akong tumayo at lumabas sa aking kwarto.
Nauhaw ako kaya naman dumiretso ako sa aming kusina, ngunit bago pa man ako tuluyang makarating sa kusina ay isang babae ang nakasalubong ko. At mukhang hindi lang siya basta babae.
Matangkad ang babae, maputi at makinis ang kanyang balat. Tuwid at hanggang dibdib ang makintab niyang buhok. Maamo ang kanyang mukha, manipis na kilay, malamlam na parang inaantok na mga mata na napapaligiran ng mahahabang pilik-mata. Maliit at matangos ang kanyang ilong at isama mo pa ang mapupula at manipis niyang mga labi. At ang nakamamangha ay ang kanyang damit. Nakabestida siya na lagpas tuhod at isang puting vest na halos bumalot sa kanyang katawan, na wari'y ipinagdadamot na makita ng kung sino man.
Bigla akong nahiya sa suot ko at napayakap sa sarili. Nakashort ako at spaghetti strap.
"H-hi." Nahihiya niyang sinabi.
"Hello." Balik kong bati sabay ngiti.
Ngumiti rin siya at halos sukdulan na ang hiya ko sa sarili sa ganda ng mga ngiti niya.
"I-ikaw yung kapatid ni Axine?"
Tumango ako at inilahad ang aking kamay.
"Thala." Tulalang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Mine
RomanceKahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo, kahit mag-effort ka pa, kung hindi talaga siya para sayo ay hindi siya magiging sayo.