Chapter 1

23 0 0
                                    

"Thaliya, Thaliya, Thaliya. Anong problema ng maganda kong kapatid?" Paulit-ulit niyang tanong.

At sa ikatlong beses ay pinag-ikutan ko siya ng mga mata.

Bigla siyang lumundag sa sofa at tumabi sa akin.

"Ano ba Xin! Leave me alone!" Bulyaw ko sa kanya.

Hindi siya umalis gaya ng sinabi ko bagkus ay siniksik niya pa ako sa isang tabi pagkatapos ay yumakap.

Pumalag ako pero lalo lang siyang sumiksik sa akin.

"Ma! Si Kuya oh!" Sumbong ko kay Mama na kasalukuyang nagluluto ng aming hapunan.

"Ano nga kasi problema ng baby namin?" Pangungulit pa rin niya.

Kinurot-kurot ko ang braso niya sanhi para kilitiin niya ako sa tagiliran.

"Mamaaaaaa! Si kuuyyyaaaa!" Halos malaglag na ako sa sofa sa pagwawala.

At sa awa naman ng Diyos ay dumulog na ang aming Ina sa aking hinihinging tulong.

"Axine, tigilan mo na nga yang kapatid mo. Baka meron lang." Seryoso ngunit nakangiting saway ni Mama.

At sa wakas ay tumigil na si kuya sa pambibwisit sa akin at mabilis na tumayo.

"Sorry poooo!" Muling pambibwisit nito gamit ang pamilyar na tono.

Yumakap siya kay Mama at humalik sa pisngi.

Mukang si Mama naman ang bibwisitin niya.

"Ano nanamang kailangan mo?" May pagdududang tanong ni Mama.

Lalong lumawak ang ngiti ni kuya at isinayaw sayaw pa si Mamasa saliw ng balitang pinapanood ko.

"Ma, pwede pong tumambay kami mamaya dito?"

Mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa kong paglingon kay kuya. Tama ba ang narinig ko? Tatambay sila dito? Ulit? After one month pupunta ulit sila dito at tatambay? Sila!

Umayos ako ng upo at hinintay ang isasagot ni Mama. Kagaya ni Kuya ay umaasang oo ang isasagot niya. Ngunit agad ding nadismaya ng biglang tanggalin ni Mama ang pagkakayakap sa kanya ni Kuya at tumalikod.

"Sige na Ma, please."

Hinabol ng tingin ko ang pagpasok nila sa kusina.

Rinig na rinig ko ang pagmamakaawa ni Kuya at ilang mga pangako para lang pumayag si Mama sa gusto niya.

Gusto ko mang tulungan si kuya sa pagkumbinsi kay Mama ay hindi pwede. Ayokong magduda sila at baka lalong hindi lang payagan ang kuya. Kaya naman lihim na ipinagdasal ko nalang na sanay pumayag na si Mama.

Isang buwan na.

Ang tagal na pala ng huli ko siyang nakita. Mula kasi ng huli naming engkwentro sa kwarto ko ay dumistansya na muna ako sa kanya. Hindi dahil sumusuko na ako kundi dahil gusto ko munang makalimutan yung sakit na naramdaman ko sa mga sinabi niya.

Gusto ko ring magpamiss muna para naman manabik ulit siya sa akin kagaya ng dati, pero parang ako ang lalong nananabik sa kanya. Miss na miss ko na siya. At sa palagay ko baka kapag nakita ko siya ngayon ay baka yakapin ko siya ng mahigpit. Yun tipong maramramdaman niya sa yakap ko ang pagmamahal ko sa kanya.

Naputol ang iniisip ko ng biglang sumigaw si Kuya.

"YES!"

"Ano ba gusto niyong kainin at ipagluluto ko kayo?" Malambing na tanong ni Mama.

Kagaya ni kuya ay napa-yes din ako sa sagot ni Mama. Ibig sabihin pumayag siya. Ibig sabihin makikita ko na ulit siya.

Naexcite ako sa naisip kaya naman sinundan ko ang dalawa sa kusina.

"Ma, hotdog po sakin." Singit ko sa kanila.

Pareho silang natigilan at tumingin sa akin. Dalawang linggo na kasi akong nananahimik kaya parang nagulat sila sa paglalambing ko.

Lumapit sa akin si Kuya at pinisil ang pisngi ko at nagulat nalang siya ng yakapin ko siya.

"Okay na ang baby namin?" Nanunudyo pa rin niyang tanong.

"Kuya naman eh, hindi na ko baby. 19 na ko nuh!"

"Correction 19 ka palang. At kahit pa mag 90 ka, ikaw parin ang baby namin." May diin sa 'teen' na sinabi ni kuya.

Pero pagnandyan naman yung mga tropa niya hindi ako malambing-lambing, tapos lagi pa ako pinapaalis. Ang labo di ba?

"O siya, lumayas na kayong dalawa sa harapan ko at baka di maluto 'tong niluluto ko."

Nagkatinginan kami ni kuya at nagkaintindihan.

Sabay kaming lumapit kay Mama para yakapin siya.

"Sows, si Mama namimiss nanaman si Papa."

"Wag ka mag-alala Mama, mamaya chachat natin si Papa."

Panunukso namin sa kanya.

"Tigilan niyo akong dalawa, kakachat lang namin kanina ng Papa niyo." Natatawa paring saway ni Mama.

Magrereact pa sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ni Kuya.

Mabilis niya itong sinagot at bumalik sa sofa.

"Oy Francis..." dinig ko pang sinabi ni kuya.

Si Francis, kausap ni kuya. Pangalan palang niya ay naeexcite na ako. Paano pa kaya kapag nandito na siya. Kapag nasa harapan ko na siya.

"Ma, dun na po muna ako." Paalam ko kay Mama para sundan si kuya.

"Wag na kayong magdala.. dito nalang, magluluto daw si Mama." Seryoso si kuya.

Tumabi ako sa kanya para lalong marinig ang boses ng nasa kabilang linya. Bahagya ko pang hininaan ang TV kahit mahina na ito.

"...okay lang?" Sabi sa kabilang linya.

Two words. Dalawang salita lang mula sa kanya ay sapat na para magsitayuan ang mga nananahimik kong balahibo sa likod.

"Okay lang." Walang pag-aalinlangang sagot ni Kuya.

Napalayo ako ng konti ng biglang tumigil si kuya at inilayo ang cellphone sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" Nagtataka nitong tanong.

"Nanonood ng TV?" Mabilis kong sagot.

"Ahh.. akala ko kasi nakikinig ka sa kausap ko." Sarkastiko niya ring sagot.

"No?" Muling tanggi ko at pagkatapos ay inabot ko ang remote para i-off ang TV.

Nagtataka niya pa rin akong tinignan.

I shrug. "Hindi ko kasi marinig yung pinapanood ko, kaya sa kwarto nalang ako manonood baka sakaling maintindihan ko yung sinasabi ni Ted Failon. Tawagin mo nalang ako Kuya 'pag kakain na hah." At pagkatapos ay iniwan ko ma siya.

Pagkasarado ko ng pinto ay saka ko lang napakawalan ang kilig na naramdaman ko kanina pagkarinig ng boses niya.

No wonder. I miss him a lot. I missed him so much na kahit ang dalawang piraso ng salita ay nakapagpabuhay sa aking diwa.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon