Chapter 3

17 1 0
                                    

Sawi akong bumalik sa aking kwarto at agad lumundag sa malambot kong kama.

Kinuha ko ang puti kong kumot at ibinalot sa buo kong katawan.

Gusto ko talaga siya...

Gustong gusto ko siya...

Pero anong gagawin ko?

May mahal na siya...

At sigurado akong mahal din siya ng mahal niya...

Ang sakit...

Kasabay ng mga masasakit na katutuhanang dumadaloy sa isipan ko ay ang sunod-sunod na pagpatak ng maiinit na likido na nanggagaling sa 'king mga mata.

Nalalasahan ko ang pait nito gayon din ang sakit na dahilan ng pagbagsak nito.

At habang tumatagal ay lalo lang bumibigat ang dibdib ko.

Patuloy na nagrerewind sa utak ko ang mga nangyari kanina. Kung paanong dumulas ang braso niya sa baywang ni Alisha.

Kung paano niya ito inalalayan na parang isang mamahalin at pinakamagandang uri ng vase na kakaiba sa lahat.

Kung paanong umalis siya na kasama ang mahal niya na di man lang nagtapon sa akin ng kahit sandaling sulyap lang.

Nakakaawa ako.

Ngayon lang ako nakaramdam ng pagkagusto sa isang lalaki pero mukhang tanging sakit lang ang dulot nito.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak. Pero siguro'y dahil na rin sa pagod ay tuluyan na akong nakatulog.

Maya-maya'y naalimpungatan ako ng maramdaman kong umuga ang bakanteng bahagi ng aking kama kasunod ang pagdantay ng isang pamilyar na braso sa aking baywang.

Isiniksik din nito ang kanyang mukha sa aking leeg dahilan ng tuluyang pagkagising ng aking kamalayan ng bahagyang tumama ang maliliit niyang bigote na tila kuryenteng nagdulot ng kakaibang kiliti sa makinis kong leeg.

Nanigas ako ng bigla siyang nagsalita.

"Please, wag ka na umiyak." Bulong niya sa leeg ko. Kasunod ng pagdampi ng kanyang mga labi dito.

At parang tangang biglang bumagsak nanaman ang mga luha ko.

Nag-uunahan ito na parang walang katapusan sa pag-agos.

Mahina akong suminghot at humawak sa braso niya. Bumuga siya ng isang malalim nahangin at lalong humigpit ang pagkakayakap sa aking baywang.

Ito nanaman...

Nandito nanaman siya.

Sa aking kwarto. Sa aking kama. Sa aking tabi. Sa aking piling.

Na parang sa uri ng pagkakayakap niya ay binibigyan niya ako ng pag-asang umasa.

Na parang sinasabi niya sa aking leeg kung gaano siya nananabik sa akin.

Na parang ipinapahiwatig niya na mahal niya rin ako.

Mariin akong napapikit sa huli kong naisip.

Parang walang nangyari kanina. Panaginip ba yun?

Imposible bang mahal niya rin ako kahit may mahal na siyang iba?

Tama bang hayaan ko siya sa ginagawa niya kahit na alam kong may nag-mamay-ari na sa kanya?

Gusto ko siyang harapin, sampalin at sigawan. Gusto ko siyang saktan para kahit man lang sa pisikal ay maramdaman niya ang sakit na nararamdaman ko.

Gusto kong tanggalin ang pagkakayap niya at paalisin sa tabi ko pero...

Hindi ko kaya.

Mas nangingibabaw ang kagustuhan kong makasama siya, mayakap siya at balutin ng mabangong amoy niya ang buong kwarto ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon