Elo hehehehe chapter 2 na emeged! Basahin niyo plssss. Tenchu:>
-------
Pagkadating ko sa bahay, ang gulo. Puta parang dinaanan ng bagyo yung bahay namin. Kawawa nanaman si ate Linda na mag aayos mamaya.
Lumingon ako at nadatnan kong prenteng nakaupo si Nicolo habang nanunuod at lumalamon na parang baboy. Josko.
"Oy. Nwandwan kwa nwa pwala." Sabi niya habang ngumunguya. Eww wala man lang manners 'tong kambal ko.
"ANO BA?! Ang baboy mo naman lumamon!" Bulyaw ko sa kanya.
Pano ba naman kasi, tumatalsik pa yung mga kinakain niya. Kaderder talaga 'tong kambal ko. Mapapa-putangina ka na lang talaga kapag nakita mo siyang lumamon.
"Pwede ba?! Ngumuya ka ng maayos hindi yung parang baboy ka kung lumamon diyan."
Nilunok niya muna yung kinakain niya tapos uminom ng tubig. Pinahid niya pa yung likod ng palad niya para ipamunas sa basang bibig niya. Yuck. Kadiri talaga.
*BUUUUUURP!*
"YUUUUCK!" Hiyaw ko. Ugh nakaka stress!
"Hehe sorry sis. Anyway, bakit pala ang aga mo?" Tanong niya.
"Pake mo? Tsaka pwede ba? Magdamit ka nga! Tangina hindi ka na nahiya ang dami mo pang kalat!"
Ugh nakakainis magkaroon ng lalaking kakambal. Alam niyo yon, siya pa yung mas pasaway kaysa sakin. Panganay siya and worst ang isip niya pang 10 year old kid.
"Hot ko kaya sis. Hindi ka ba nagagandahan sa katawan ko? Maraming nagkakandarapang mga babae sa'kin." Full of confidence niyang sabi.
"Ewan ko sa'yo. ATE LINDA! PAKI LINIS NAMAN PO DITO. SALAMAT!" Sigaw ko.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Simpleng maong short lang ang suot ko tapos over sized T-shirt. Hindi ko na kailangang pumorma kasi maganda na talaga ako. /flips hair/
Humiga ako sa kama ko at tumitig lang sa kisame. Haaay! Nakakapagod na araw 'to kahit na wala naman kaming masyadong ginawa.
"NICOLEEE!" Sigaw ni Nicolo sabay kalabog sa pinto ko.
"PUTANGINA ANO NANAMAN 'YON?! HUWAG MONG SIRAIN ANG PINTUAN KO! PUNYETA KA!" Sigaw ko pabalik.