Chapter 2

13 0 0
                                    

Kararating ko lang sa school muntikan pa akong ma-late ulit. Sino ba kasing nagpatupad ng klase na alas syete ng umaga ang start?! Tapos dagdag pa tong traffic na to.



"Girl! Nakita mo ba yung lalaki kanina?"


"Oo! Ang gwapo nga e!... bago siguro yun dito"


"Baka nga.,first time ko lang nakita yun e"



Sino nanaman tong pinag-uusapan nitong mga haliparot na babaeng to? ke aga-aga e....

"Dai! May chika ako!" Bungad sakin ni Rose.

"Ano nanaman yun rosas kong giliw?" Sagot ko with beautiful eyes. Ano nanaman kaya tong sasabihin nya? Don't tell me yung date nila ng bf nya.. tss painggit talaga!

"Tigilan mo nga ako sa katatawag mong rosas.. seryoso ako!" Then she rolled her eyes on me. Minsan ang sarap asarin to e. Lumalaki yung butas ng ilong.

"Grabe.. ang init ng ulo,oh sige na dai ano yun?" Pakalma kong sabi. Ses pikon talaga.

"May gwapo daw na bagong salta!" Kinikilig nyang sabi. So I'm wrong, hindi pala yung date nya. Is this the guy sa usapan ng mga babae kanina? Sino naman kaya yun? Gwapo nga kaya talaga? Opps!!! Wait.. bat ba ako curious?! Ayoko magtaksil kay Ian. Ang OA lang.

"Ako ang tigilan mo.. may boyfriend ka tapos kilig kilig ka dyan. Ang landi e...at wala nang mas gwa-gwapo kay Ian." Sabi ko

"Oi! Teke teka, who's Ian? And for your information! ...single na ako ulit." She then clap her hands like a queen.. wala nang bago sa pagbre-brake nla nung bf nya este ex na pala.

"Ha?! Kakasagot mo lang dun ah? Iniwan ka lang ni Carlo.. naging trip mo nang mang iwan din ng lalaki" Syepmre joke lang yung gulat.  Sanay na ako noh! Iwan ba naman sya ng ex nya sa ere sino bang di masasaktan diba? Pero ang mali lang nitong rosas ko e nananakit ng mga lalaking inosente pangganti daw sa ex nya.tsk tsk tsk

"Oi oi oi! Don't say bad words, masama yan baka mas lalong di ka tanggapin sa langit. ..bat ba ako nasa hot sit?! E ikaw yong lumalandi ng di ko alam! Sino yang Ian?" Tanong nya tapos tapik tapik pa sa braso ko.

"Ian Primavera."



"Ian Primavera?"



"Yes.... Ian Primavera" Bingi na ata to


"Ano ba! Paulit ulit lang? Inu-uto mo na ako eh!" Hala magalit ba? Sya nga tong unang umulit duba? Labo rin nito e.Inis na inis na sya kaya I pull her when she's trying to walk away.Chos!


"Sorry na dai.. ok ok. Ito na,Ian Primavera is my new crush." Sabi ko with lampas tengang ngiti ko.

I can't explain how she react sa sinabi ko. Kaya di ko na napigil ang malakas kong tawa. Lumalaki nanaman kasi yung ilong nya minsan nga nakikita ko na utak nya e.

"Tawa lang? Talaga?" Ika nya na halatang inis na inis na.

"Bat ba kasi parang di ka maka paniwala?" Nagpipigil pa rin ako sa pagtawa baka masapak na ako nito e. Bigat pa naman ng kamay nito.

"Akalain mo?! May crush ka na! Dalaga ka na dai! Congrats!!!" She suddenly hug me so tight.

Wait? Nagkaregla na ko't nagdebut di pa rin pala ako dalaga? Ano bang basihan ng pagdadalaga? Pagkumulubot na ko't lahat ba? Hay! Kakabaliw din tong e!

"Ano ba rosas! Natitinik na ako" Pabiro kong sabi. Kaya bigla din syang bumitaw sa pagkakayakap.

"So ano na nga!? School mate natin?or ibang school? Where did you met? Did he likes you too? Did he ask you to go out already? Or did he ... " hindi halata na excited sya diba? Ang konti ng tanong e.

"Teka teka lang dai. Tigil muna ok? Hinga muna..." sabi ko.

She was excitedly staring at me with twinkle eyes.

"He's not our school mate.  Yes he is in the other schools. I did't met him yet." Parang lumungkot sa loob looban ko.

"Wait. What?! So how.." sagot ni Rose.






I cut her and said.. "I just saw him in fb."

My FB CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon