Chapter 6

5 0 0
                                    

Kakatapos ko lang maglipit ng mga dadalhin ko para sa outing namin ni Rosas. Sabi nya kasi this is the last summer outing before we graduate. Yes third year college na kami, ang bilis ng panahon ano? Ang dami nang nangyari sa loob ng isang taon. Naging dean lister ako then I met Iann and we became really close syempre sila din ni Rosas,and most of all I met... I mean I knew Ian Primavera. My long crush.

Beep !! beep!!

"MJ! Langga.. nandyan na yung mga kaibigan mo." Sigaw ni ate moy. Kasama ko sa bahay.

"Opo pababa na po ako!" Dinampot ko na yung backpack ko pati na rin yung sun hat ko.

Nagpaalam lang ako kay ate moy tapos naglakad na ako palabas ng bahay then I suddenly stop when I saw the car behind Rosas.


"Nanalo ka ng lotto?!" Patakbo akong lumapit kay Rosas.


"Sana kung tumataya ako." Sagot nya sakin na pinipigilang matawa.


"So kanino to? Don't tell me may sugar daddy ka!? Omy gosh! Hoy Rosas! Nagiisip ka ba! Ano bang--"


"Ang O.A mo!May kaya kami and I don't need a sugar daddy Mikaela!  Sa ganda kong to!.." naiinis na sabi nya sabay inirapan ako. Magsasalita pa sana ako ng magsalita sya ulit.


"Wag ka na ngang matanong. Just come insiide the car.. ok?" Tapos binuksan nya ba yung pinto ng backseat at pumasok.


Papasok na rin sana ako sa backseat ng itulak na ako palabas.


"Rosas!" Inis na inis na sigaw ko sakanya sabay padyak-padyak ng paa ko. Sino ba naman kasing hindi maiinis diba?! Pinilit nya ako dito sa outing na to kahit ayaw ko tapos ngayon ayaw nya akong papasukin sa sasakyan?! Ano to lokohan?!


"Dun ka kasi sa harap! Nandito yung mga dala ko!O.A nito" yun lang yung sinabi nya sakin bago nya isara yung pinto ng sasakyan.


Minsan naiisip ko din kung paano ko naging kaibigan tong malditang Rosas na matinik na to! Ang sarap itanim sa desert! I jump in in the car without looking  to the driver. Deresto lang yung tingin ko sa daan.


Nagising nalang ako ng mapansin kong naka hinto na ang sasakyan. Nagpalinga linga ako ng tingin. Nasa parking lot ata kami ng mall. I check my watch, halos tatlong oras din pala yung byahe from GenSan to Davao. Ang alam ko kasi sa Samal Island ang outing namin ni Rosas.


"So iniwan talaga ako ng babaeng yun dito sa sasakyan na to? Na ewan kong kanino." Nagtatanggal ako ng seat belt ng bumukas yung pinto ko.


"Gising ka na pala. Sorry bumili lang kami ni Rose ng food sabi nya wag ka na daw gisingin." Sabi ng taong na sa harapan ko.


"Iann?!" Di ko na pigilang masigaw yung pangalan ng kausap ko.


"Yes. I.A.N.N... Iann at your service." Then he show me some cute smirk.


"Bat nandito ka? Si Rosas? Pero wait.. why are you here nga?" Nagtatakang sabi ko sa kanya.

My FB CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon