Chapter 7

0 0 0
                                    

Super enjoy yung ilang araw na outing namin. We've tried so many activities in the resort. Mas naging close din samin si Iann pero napansin kong mas naging close sila ni Rosas. Feel ko nga may gusto yun kay Rose e. Pero ako pa ba ang choosy? Di na masama si Iann para kay Rosas no. Gwapo na, may magandang family background, matalino, matangkad, at mabait naman.Head turner pa nga sya dito sa resort.

Tungkol naman dun sa crush ko. Ayon gwapo pa rin tsaka tanggap ko na rin naman na may girlfriend sya. Ang kapal ko din makapagsalitano, kung maka sabi sabi akong tanggap ko na parang may nakaraaan kami. Maganda naman talaga yung girlfriend nya ang tangos ng ilong at ang sexy. Paano ko nasabing sexy?Kailangan pa bang tanungin yan? Syempre gi-stalk ko rin sya. Tapos ang usapan.

Nagliligpit na ako ng mga gamit ko kasi mamaya maya aalis na kami. Uuwi na kami. Si Rosas ayon nasa labas ang alam ko nasa isang restaurant daw sya. Kakatext nya lang kasi na nagutom daw sya bigla atska nakaligpit na rin sya kagabi. Pano ba naman kasi inatupag ko pang mang stalk sa crush ko, sa girlfriend nya at isama mo na yung mga barkada ng crush ko. Oo na nasisiraan na ako ng bait di mo na kailangang sabihin pa ulit. Tadtad na ako ng sermon kagabi kay Rosas kaya tama na yun.

"MJ?"

"Ay anak ng tipaklong na may talong! Ano ba naman Iann! Bat ka naman sumusulpot nalang." Sabi ko sakanya with matching palo palo sa mga damit na nasa harapan ko.

"Sorry.. naka bukas kasi yung pinto kaya dumiretso nalang ako. Nagulat ba kita?" Sabay kamot sa ulo nya

"Hindi ah? Nagulat ba ako sa lagay na yun. Ano ba, hindi kaya." Natatawa kong sagot sakanya.

Ganito na kami ka-close wala ng katok katok. Parang sira din tong si Iann e nagtatanong pa e halata namang nagulat ako. Ay naku minsan talaga kahit matalino ang isang tao may mga bagay talagang bobo din sila.

"Sira ulo ka." Sabay tawa sya

"Ako pa? Hahaha.. by the way why are you here? Aalis na ba tayo? Wait lang malapit na rin to." Ako pa ngayon ang sira ulo. Kung hindi lang nakapatong yung mga natiklop ko nang damit sa lap ko e naupakan ko na to para naman makalog ang utak nito baka may naipit na ugat paa.

"Sige lang. Kaya ko namang maghintay MJ" sabay ngiti ng nakamahawa

Ewan ko ba pero parang iba yung pinapahiwatig nitong si Iann. Ay ewan baka masyado lang akong nagiisip. Gutom lang din to,kumukulo na din yung tyan ko.

Ngumiti nalang ako sakanya. Di ko naman kasi alam kung anong isasagot ko. Tinapos ko na ng mabilisan yung mga gamit ko, pano ba naman nakakahiya namang maghintay pa sya sakin.

After nya akong tulungang ilabas at ilagay sa bangka ang mga gamit namin ni Rosas nagyaya munang kumain si Iann sa restaurant kung nasan si Rose.

"Mga kuya.. Tara sama muna kayo samin. Kain muna tayo bago umalis." Sabi ni Iann sa mga lalaki na nagpapatakbo ng bangka. Sila rin yung naghatid samin dito sa resort.

"Ay naku po sir. Kayo nalang po maghihintay nalang po kami dito." Sagot ng isang kuya.

"Ako ang taya kaya wag na kayong umayaw kuya. Akong bahala" confident na sagot ni Iann.

Iba rin tong mokong na to e. Mabait talaga. Naku Rosas payag na talaga ako kung may mamagitan sa inyo. Naku swerte mo na dito.

"Hala sir. Maraming salamat ho." Pagpapasalamat ng isa pang kuya.

Nadatnan namin si Rosas na bwesit na bwesit ang mukha na naka upo sa loob ng restaurant. Ano nanaman bang nangyari dito.

"Oh nakabusangot ka dyan?" Tanong ko sakanya habang nauupo na kaming lahat sa table.

"Wala!" Sagot nya sakin. At sakin ba ibuntong ang galit nya! Kung di lang maganda ang gising at ang paligid linatulan ko na to.

Di na ako nagtanong ulit. Bahala sya. Sya na nga tong tinatanong e ganyan pa sya. Concern na nga ako e.

"MJ.. ano sayo? Kayo mga kuya? Pili lang kayo kahit ano. Sabi ko nga ako ang bahala. So choose what you want." Tanong samin ni Iann habang namimili na din sya.

Matapos kaming kumain nagbyahe na rin kami pabalik ng Davao. Sobrang pasalamt ng mga kuya kanina kay Iann kasi binigyan pa sila ng tip nito. Naku napaka swerte ni Rosas.


















My FB CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon