Heartbeat 41

2.2K 76 6
                                    

A/N: Heyy guyssss!~Sorry for the Long wait! XD Anyways, Happy reading! Manager Alexander and Clyde on the top. ^3^

-RS



- Clyde's POV -



Haaay! At last naman nakatakas na ako sa 5 unggoy na 'yon. Tapos kasama ang isang napaka bait na anghel. HAHAHAHA!



So, heto ako ngayon. Naghihintay sa Bay na malapit sa subdivision namin. Hinihintay ang aking Alexander my labs! Hihihihi. Hindi naman halata na crush na crush ko siya no? Wala eh. Gentleman, pogi, mabait, pogi, maalaga, pogi, gwapo at higit sa lahat POGI.

Ang bongga nga ng suot ko eh. Kahit ito lang naman ang okasyon, well minsan na lang naman ako magdamit at mag-ayos ng ganito. Kaya pagbigyan. Habang hinihintay si Alexander, umupo muna ako sa isang malapit na bench at nilasap ang mabangong simoy ng hangin. 



*Sighs* Ang dami na ang nangyari sa amin. Ang daming problema, pag-aaway at mga pangyayari. Kesyo mapamaganda man ito o hindi, kasama pa rin ito sa mga alaala na dinadala natin araw-araw hanggang sa mamatay na tayo. Hindi man natin ito mabubura o mababaon, nand'yan pa rin yan. Kahit na gusto mo itong kalimutan, marahil ay sasagi na lang ito sa pag-iisip mo. At sa sandaling iyon mapapamuni-muni ka na lang sa lahat na nangyari sa'yo.


HAHAHAHA! Naalala ko pa nga nung una kong nakilala ang mga unggoy na 'yun! Siguro freshmen pa lang sila nun sa SPAM tapos, ako naman on my early sophomore years.


*flashback*


Ano ba 'yan! sa dinami-dami naman ng times na pwede ako utusan ng teacher ko, ngayon pa! Ang dami ko pang kailangang gawin na projects at assignments na due date bukas. Nasaan na ba kasi yung guidance counselor namin? Chineck ko na lahat ng posibleng rooms na nandun siya, wala naman.


- _ -


Kasi, kapag guidance counselor, diba dapat nasa guidance office ka lang? Okay kalma Clyde. Kailangan ko 'tong gawin. Lintek naman oh, kung hindi ko lang to adviser tinakasan ko na 'to. Joke.



Last chance. Pumunta ako sa principal's office at kumatok.


"Good afternoon, how can I help you?" tanong nung secretary nung Principal.


"Can I please ask if the guidance counselor is there?" tanong ko.


"Hmm? Oh yes, he's here. He's just talking with the principal and some transferees. You can come in and take a seat." Sabi niya habang binubuksan ang pinto.


Pumasok ako at umupo. As usual, tahimik at maaamoy mo ang amoy ng maraming bagong papel at printer ink. Ewan ko ba kung bakit ganito lagi ang amoy ng principal's office, pero yun lang talaga naamoy ko eh.


"Just sit there and wait for the guidance counselor, he and the principal is just having a chat. He will be with you after a while." Sabi ng Secretary at pumasok sa isa pang pinto sa isang room sa office.


Tumango na lang ako at ngumiti. Hinawakan at tinignan ko na muna ang mga documents na dapat ibibigay ko sa guidance counselor. Tahimik sa silid. Ang ingay lang ng aircon at mga boses lang na nagmumula sa isa pang pinto ang maririnig mo.



Nang bumukas ang pinto, lumabas ang 5 mga lalaki na nakacivilian. Yung isa may dalang gitara, yung isa naman may libro. Napansin ko lang na lahat sila may kanya-kanyang mga may hawak hawak. Yung isa may cellphone, yung isa may headphones. At ang natatangi lang yung isang lalaki na nakapasok ang kamay sa kanyang bulsa at mukhang walang pakielam sa mundo.


The Clash of Bands: Heartbeat (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon