Heartbeat 50

1.4K 70 3
                                    

A/N: Hellooo!~ sorry po sa long wait and publish error! Eto na po ang bagong UD. Thank you po sa patuloy na pagbabasa sa storya namin!

Anyways, happy reading!~

-RS

Stephen's POV

Nandito kami ngayon sa hospital. Sa may waiting room.Tahimik na nakaupo. Makikita mo sa mga mukha ng banda ang pagka nerbyos at pagod. Simula kasi nung sinabi ko sa driver namin na ipunta na sa hospital, hindi na nag salita muli si Zy, at noong huling beses kong nahawakan ang noo nya, talagang kay init nito.

"Manager? Magiging okay ba si Zy?" Pangbabasag ng katahimikang tanong ni Clarence.

"Gusto ko mang sabihin na oo, Clarence...hindi nga lang ako doktor. M-Maghintay nalang tayo at mag dasal para sa kondisyon ng bunso natin." Sagot ni Manager. Matapos kasing ipasok sa Emergency Room si Zy, kinontak agad ng agency siya upang pumunta dito. Ngayon ko lang nakitang malungkot si Manager. At base sa salitang "bunso" na isinambit niya kanina lamang ay talagang makikita mo kung gaano ka-espesyal at mahal hindi lang niya, kundi naming lahat si Zy.

Maliban kasi kay Clarence, isa ding mood maker yan si Zy dahil sa kanyang angking talino, talento at ugali.

Napayuko at inalala ko ang mumunting mga gawa at asal ni Zy, na siyang ikinasaya naming lahat. Mula sa pag aangal nya dahil sa mga utos nila Clarence, hanggang sa pagka inosente nya sa mga bagay at pangyayari kahit na kay talino nyang bata.

Napatigil ako sa pagiisip ng may humawak sa kamay ko.

"Everything's gonna be alright Stephen. Zy's a strong fighter. He can endure and surpass all that pain and heal for us to see him again." Ani ni Eric habang mahinay na pinisil ang kamay ko.

Kahit gusto ko syang tanungin na pano kung hindi gumaling si Zy? Paano kung hindi nya nakayanan ang lumaban? At lalong lalo na kung matutupad pa kaya ang pangako nyang ipapanalo namin ang ACB?

Nginitian ko si Eric. "T-Tama...kaya ni Zy yun." Mahina kong sambit.

Napansin ko lang kasi noong simula noong pagka-announce ng ACB, lahat kami naging busy. At doon ko nakita ang pagpupuyat at hindi pagkain ng maayos ni Zy.

Kaya siguro nagkasakit si Zy, hindi naman sya nagsasabi kung may masakit man sa kanya o kaya ano ang nararamdaman nya.

Inilibot ko ang paningin ko. Tahimik ang paligid. Ang tanging maririnig mo lang ang mga tunog ng mga sapatos ng mga tao at doktor na nagmamdaling maglakad papunta sa mga gusto nilang puntahan. May dumaan naman ng maliit na bata na naka wheelchair at nakabeanie. May naka kabit sa kanyang oxygen mask. Ito'y tumigil at nagpumilit na lumapit saamin.

Inilapit siya saamin at ito'y kumaway. "Hello~" Bati ko sa kanya habang nakangiti.

Kumuha sya ng isang sketch pad at nagsulat dito. Hinarap nya sakin ito, at may nakasulat na:

"Hello, my name is Athena. I am Royal VI's biggest fan."

"Hello there little girl, what brings you to us?" Tanong ni Eric. Hindi ko namalayan na ang buong banda pala ay lumapit na sa kinaroroonan namin.

Inilipat nya ito sa isa pang pahina at nagsulat muli. Pagkatpos nun ay ibinaba nya yung pink at glittered na marker nya sa lap nya at ipinakita ang sketch pad nya uli.

"Is Prince Zyrownn gonna be okay?"

Nagtaka naman ako sa sinulat nya. Prince? Ang pagkaka alam ko ang full name ni Zy ay Mark Zyrownn Valdez. Wala naman akong naalalang "Prince" sa pangalan nya.

"May we ask why is he called Prince?" Tanong ni Manager.

Nagsulat sya muli at pinakita nya ito saamin. "Because to me, he is my prince."

The Clash of Bands: Heartbeat (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon