5 months ng nakalipas nung natapos ang exam discuss, quiz, projects, exam ule, achievers, panis kayo top achiever tooo charot lang hahaha
Tas magtratraining para sa citymeet at christian meet! Champion kami CDAPS! 2peat na!
blah blah tas kakatapos lang ulit namin magexam kahapon hays talaga e no? Ganun naman lagi ang routine kapag pasukan, kaso ang nagbago lang sa routine ko yung lagi nalang akong inaasar kay Nuwah. Buti di siya naooffend antahimik kasi mamaya tatawa tas magiging seryoso tas may girlfriend daw ata nalaman ko past months ago, e bakit ganun iba padin feeling ko kainis naman oh?
Dati nga nagkatitigan kami galing kasi akong banyo nun tas siguro galing din siyang banyo, di niya mabuksan yung pinto pano ba naman kasi pangit yung tornilio nung pinto! Pero may kabilang pinto pa naman e bat di nalang siya pumasok don?
"Di mo mabuksan?" Tanong ko naiilang akong tumingin
Tumawa siya "Oo e"
Binuksan ko, pagkabukas ko nagbukas sabay kaming pumasok at nakatitigan tas tumawa ako, pano ba naman kasi ako pa nakabukas nung pinto kesa sakanya
"Uyyyy si Juls at si Noah magkasama!" Yell
"Yiiie san kayo galing?" Aryan
"Hala anong ginawa niyo sa cr?" Pat
Napatahimik ako bigla mga baliw talaga tong mga tropa ko e, kung ano ano iniisip
"TSE! Manahimik nga kayo!" Tas ako sabay puntang upuan
*Ring*
"Tara juls labas tayo" sabi ni aryan at napatigil ako kakadaydream
"A-Ah sige ikaw nalang bumaba magbabasa pa ko"
Recess na kasi, e ako naman simula nung pasukan hilig ko na magbasa ng pocket book, nakakatamad bumaba 3rd floor kaya no? Kaya nagbabasa nalang ako pagbreaktime.
Pinakagusto kong basahin yung Wizards Tale, ang ganda kasi lumalawak imagination ko XD
-Basa-Basa-Basa-
"HOY JULIANNE!"
"O-Oh nay? Bakit? Sabi ko na ayoko may istorbo pag nagbabasa ako e -.-"
"Hoy loka ka kanina ka pa kaya namin tinatawag ng nanay mo wala ka bang narinig?" Tatay Von
"Ay kanina pa po ba hehe sorry na" sabi ko sabay kamot sa ulo
Pag ako kasi nagbabasa nakafocus lang ako dun.
"May itatanong po ba kayo?" Ako
"Wala naman" sabi nilang dalawa tas sabay peace sign
"Mga baliw istorbo nagbabasa ako e -.-"
Tas tumawa sila, yan ganyan, pero mamimiss ko yang nanay ko TT iiwan na niya kami ni tatay, aalis kasi yan sa canada magaaral kaiyak TT sa sunod na araw di na siya papasok kasi para makapaghanda na daw sila waa mamimiss ko si nanay TT
United Nations na next next week! Wooo sayawan nanaman okay lang thing ko naman ang pagsasayaw.
Kaso sa Monday pa ang start kaya GG kami HAHAHA!
⚫⚫
Lunch time~
"Oy juls anlalim naman ng iniisip mo?" Aryan
"Ha? Di naman ah?"
"Kanina ka pa tulala jan e!"
Nasa kubo kami madalas tambayan namin sa school, wala naman ako masyadong iniisip. Sadyang nakatulala lang ako.
"Tulala lang ako day!"
"Baka iniisip lang niyan si Noaaahh yiiiieee!" JD
"Hindi nay no?" Nakabusangot kong sabi
"Oo nga baka iniisip mo siya yiie" aryan
"Anhirap basahin ng emosyon nun no? Anhirap niyang basahin e" nanayJD
"Oo nga e, anhirap niyang basahin"
"HAHAHA YIIIEEE TINITIGNAN NIYA SI NOAH!"
"HAY! DI AH? PANSIN KO LANG DIN T.T"
Tumawa nalang sila pareho kahit kaylan naman talaga oh?
"PERO JUL MAY PAGASA KA! MAS MAGANDA KA PA KESA SA GF NIYA!" Tracy
Ay may girlfriend pala talaga siya? bat ganon parang may masakit, Buti nalang di ko pa siya naging crush ng tuluyan.
Weh? Sabi ng puso ko
Oo buti nalang di pa TT
Asus alam ko nararamdaman mo - heart
Letseng puso yan oh? Totoo naman kasi buti hindi pa! Hindi ba talaga?
"Baliw" Tumawa nalang ako
"Asus kinikilig ka naman" tas tumawa silang lahat
*Ring*
Tapos na lunch, ayun tatlong class nalang next tas uwian na di na ko makapaghintay.
TLE TIME
"Woo grabe ang baho ng gas!" Aryan
Nasa TLE room kami nagbabake kami ng pie, puro bake lang kami bake bake bake kaya nataba teacher namin sa TLE e!
Nandun din lahat ng mga klassmeyts ko yung iba naghihintay nalang matapos ang binabake para makakain,
"Painom aryan!" Kin
"Ako din" Rico
"Ako rin pre!" Patrick
"Kami din!" Matthew Rey Gem
Umiinom kasi si aryan ng sabaw ng buko, buko pie kasi gagawin nila kami naman egg pie.
Ayan nakainom na silang lahat may natira pa.
"Ako din painom! Teka baba ko lang tong hawak ko"
"Wag na hahawakan nalang namin para di ka na mahirapan" Kin at Matthew
"Sige salamat!"
Yung lalagyan ng sabaw ng buko nakalagay sa tupperware, Uminom ako
"Teka? Bat di ako nakakainom?"
Trinay ko ulit uminom bat di bumababa ang sabaw? May narinig akong natawa
"Huy di ako nakakainom?"
Trinay ko ulit uminom bat ganun!
"Bat ganun di ako makainom!" Ako takangtaka
"HAHAHAHA" Kin Matthew
Trinay ko uminom tas nakita ko na kung bakit ako di nakakainom kasi binababa pala nila paginaangat na ng bunganga ko yung tupperware -.- Magsasalita na sana ako ng
"TAKTE WAG NIYO NGANG LANDIIN YAN!" Noah nakatingin dun sa lamesa weird
"Ay hala HAHA sorry na noah!" Kin at patrick
"PATAY KAYO KAY NOAH!" Gem
Tas nagtawanan ang lahat. Tinignan ko di Noah nakangiti tas naging seryoso ule ang mukha. Bat ganun di ako makareact! Bat g-ganun?
Uwian Time
"Class, on monday we are having a practice for our UNITED NATIONS prepare 20 pesos for our dance instructor!" Mam Aerra
"Yes mam!" We all said in chorus
Hay mawawaldas nanaman ipon ko krukruinamers naman talaga oh?
◼◼◼◼◼
So sa story na minamadali ko na kung saang part mas nagiging malapit si Jul at Noah sa isat isa, May Inspirasyon kasi ako e. Yun yung tinatakbo ng story so sana maintindihan sslamaaats!
Godspeeed.
-Juls
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Gamer [COMPLETED]
Non-FictionTransferee siya sa school namin, nung una akala ko bakla siya dahil ang puti niya tingting ang katawan at saka ang galaw niya napakalousy. Antahimik niya mahilig maglaro ng online games, pero antalino pagdating sa klase. Yung may pake siya sayo na h...