Pilit kong kinakalimutan yung nangyare kanina basa dito basa doon ughh di ko parin makalimutan! Bat ba ganito iba yung nararamdaman ko
Di ko na nga siya masyadong pinapansin after ng yakap nayun di niya rin naman ako pinapansin
Nagdidiscuss si Mam Aerra after nung break siya padin teacher namin Araling Panlipunan naman pero di ako masyadong nakikinig aish talaga naman kasi e!
Tumingin ako sakanya ng palihim seryoso siyang nakikinig kay mam inialis ko kagad tingin ko
Bigla naman akong napatingin kay ate Rhia nakatingin siya kay noah at inalis niya kagad yon, lagi ko siyang nahuhuling nakatingin kay noah, chubby siya at cute at alam ko ng dati pa at ng lahat na may gusto siya kay noah well e heartthrob nga sa school e :3 inaasarasar pa nga siya minsan kay noah at minsan inaasarasar pa kaming dalawa kay noah ng sabay jusme nakakaloka
Nagkwento naman sakin ni nanayJD dati na nagusap sila ni noah naiingit nga ko nun e kasi nakakausap niya dati nun si noah pero di na ko inggit BWAHAHA lagi ko na siyang kausap e hahaha, at nagkwentuhan sila ni nanay tungkol kay ate rhia at kung anong tingin niya sakanya at kung may gusto siya doon sabi nito sponsor niya lang daw si ate rhia grabe tawa ako ng tawa non grabe naman kasi ang sponsor amputa kahit si nanay natawa dun e kaya kilig na kilig siya nun kasi may PAGASA daw ako sakanya, kay noah
Bigla namang lumapit si noah ng nakangiti kay ate rhia bigla namang sumigla mukha ni ate rhia, parang may tinatanong si noah more like nanghihiram parang ansaya nila tumatawa si noah e pati si ate rhia, bigla naman akong napalingon sa kabilang side ewan ko ba feeling ko may kumikirot sa puso ko, ba naman yan okay lang naman na may kausap siya ah? Oo nga bakit ba? Akin ba siya?
Hindi
"Uy Jul si noah oh! Kinakausap si rhia" yella
Di ko yun pinansin kasi sa periphiral vision ko kita kong naguusap padin sila ewan ko ba bat ba ko nasasaktan sa view? kunware nalang nagbabasa ako
Kinalabit ako ni yella at tinitusoktusok kaya napalingon ako dun "Jul oh! Oy wag kayong ganyan nagseselos si Jul"
Napansin narin ng buong klase yun kaya inaasarasar nila ako naka ngiti padin ako pero pilit natawatawa lang si noah sa mga asar nila at umalis na don
Hindi ako nagseselos
Weh? Sinong niloloko mo? - puso ko
Hindi hindi ako nagseselos
"Uy kayoo noah at rhia ah? Yieee gusto mo talaga si noah" asar ng iba
Nakita ko naman na ngiti ng ngiti si ate rhia
"W-wala akong gusto jan no?" Nakangiti niyang sabi
Oo nga halatang wala
Buti naman at natapos na ang subject namin don at lumabas ako kagad iba na kasi nararamdaman ko e kakaiba na to e! Inlove nanaman ba ako? Bat ko ba nararamdaman ang selos?
Hindi impossible! Crush lang crush
Weh? -puso
Bat lagi nalang may second thought nabubuking ako e tss
Pumunta akong kubo dahil nandun ang tropa hay ambilis talaga nilang mawala basta walang teacher
Wala si sir tp at may pinagawa lang samin at natapos din namin kagad nasa kubo kaming magtrotropa at di ko inaasahan na nadun si noah iniiwasan ko na nga e >\\\<
Ayoko kasing umasa.
"Oy noah!" Gian
Ngumiti ito sakanya tas umupo din sa kubo medyo malapit samin
"Sino ba ha? Si julianne o si Rhia?" Gian
"Ano ba naman yan haha" noah
"Uy sagot! Ay ganto nalang sinong mas maganda?"
Narining ko namang kinikiligkilig sila, kinuha ko cellphone ko at binuksan ang wattpad na app nakakapagbasa kasi ng story kahit walang wifi kaya ,kunware talaga nagbabasa ako
"E pero sino gusto mong kasama?" Rico
Antagal niyang sumagot
"Boy sino?" Rico
"Si rhia nalang lagi akong nililibre e"
Ouch?
"Aw Jul! Okay lang yan dat lagi mo ilibre si noah ha?"
Napatawa naman silang tatlo, not funny playing with my feelings dre
"Ano? Sponsor niya ba ko?" medyo taray kong sabi
Napatawa naman sila lalo except kay noah na nagitingiti nalang
"Pero dapat jul ilibre mo si noah ha?"
Napairap nalang ako
"Haha oo nga oo nga" napatingin naman ako kay noah medyo nakangisi?
Sapakin ko kaya to ng mabawasan ng kapogian tss
"Ulit ulit! Sino maganda?" Gian
Antagal niya sumagot tumingin ako sakanya pero di siya nakatingin sakin saka siya sumagot "Si rhia nalang"
Puro nalang siya okay lang ako onti nalang madudurog na simpleng sagot niya lang nasasaktan na ko, no way in love na ba talaga akong sa taong ito? No way masasaktan lang ako di pwede
Di ko alam kung anong itsura ko pero alam kong masama ang timpla neto di lang halata e ang ganda ko e JOKE LANG
"WEH SUS KANINA RINIG NA RINIG KO NA SABI MO SI JULS E YIEEE" Gian
Kanina masama timpla ng mukha ko ngayon medyo natatawa na, mukha kasing apektado sa sinabi ni Gian si noah kahit di halata
"Sus diba sabi niya Rico si juls kanina? Mema nalang si noah e" Gian
"Oo pre rinig ko nga e HAHAHA"
Tumawa sila tas umalis si noah na nangitingiti na nahihiya na ewan
Medyo napapangiti ako at kinilig din atleast BWAHAHA
*******
IMPORTANTE PAKIBASA!
Siguro po sa mga sunod sunod na parts uhm may ilalagay ako sa scenes ni Juls at Rhia nangyare matagal na , siguro nung part ng United Nations at basta nakalimutan ko po ilagay, pakiintindi po salamat at GOMENASAI! baka sakaling dagdag pressure HAHAHA joke
Sige yun lang!
-Juls
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Gamer [COMPLETED]
Non-FictionTransferee siya sa school namin, nung una akala ko bakla siya dahil ang puti niya tingting ang katawan at saka ang galaw niya napakalousy. Antahimik niya mahilig maglaro ng online games, pero antalino pagdating sa klase. Yung may pake siya sayo na h...