Nagising na ko umaga na may pasok pa mamaya tinupi ko na ang kumot ko at nagsimulang kumain nagising narin ang mga kapatid ko.
Tapos na kong kumain at rumekta na ko sa banyo.
Malapit na magseven mamayamaya darating na si kuya arnel bwahaha.
Kinuha ko cp ko sa pagkakacharge at inopen wifi
Inopen ko messenger ko, shocks loading pa kabanas hahahaha
Tapos na magloading at nakita ko nangunguna siya sa chat ko si Noah waa omygaash nagreply siyaa!
Inopen ko ito at WHATTHEHECK
You: Noah kilala mo ba mga kagrupo natin sa filipino? Nakalimutan ko kasi e salamat!
Noah: slr xD
Noah: Ako at Ikaw <3Sheyt kinusot ko mata ko totoo ba too waaa may heart pa sheyt
Noah: jkjk XD
Noah: Ako ikaw, si rey, gem, eon at yellaAy may joke, kinilig ba ko? Waa oo ata kinikilig ako waa nakakabaliw di ko alam kung bat ako kinikilig
You: Ah hahaha sige thankyou! :)
Tange ka jul bat yan lang sinend mooo loka ka talaga tsktsk chance mo ng lumandi non -puso ko
Haynako anlandi lang ng puso ko
Inexit ko na ang messenger at pinatay wifi feeling ko kasi may nakalimutan ako
.
.
.
.
.SHEEEYT! Nakalimutan kong ipapaprint ko pa yung script namin!
Agad agad kong binuksan laptop nagedit pa ko saglit at tinaype ang ibang members na wala padon tutal kabisado ko na ang mga script na ibibigay ko sakanila sila lang nakalimutan ko ako pa ba joke hahaha , tapos inantay ko magbukas ang printer nakabukas na ito ipriprint na ang mga papers nakahinga na ko ng maluwag akala ko wala ng problema pero meron pa pala
"Wala tayong ink yanyan" si mama nagliligpit ng pinaghugasan
Tae naman! Kaya pala walang words na nakaprint tuwing nalabas sa other side yung bondpaper! Bat di nalang sinabi kagad nasayang tuloy 10 minutes ko don
Agad agad kong kinuha yung laptop at dumiretso kila ate beng, si ate beng kumare ni mama nagmamayari ng comp shop luckily maaga talaga silang nagbubukas kaya answerte ko lang geez mahirap ng wala kaming gagawin ng kagrupo ko mamaya baka mapagalitan pa kami konsensya ko pa tss
Pagdating ko naggoodmorning ako kay ate beng tas kay Maria 2 years old palang siya, maaga nagigising nanunuod ng Peppa Pig na cartoon na palabas, inaanak ng kapatid ko ganda nga ng pangalan nun e Maria Victoria Matula tas ang ganda pa panis shinare ko lang. Umalis si ate beng para tawagin si kuya mike ang magpriprint, asawa ito ni ate beng
*BEEEPEPPP*
Shemay anjan na si kuya arnel di pa ko nakakapagpaprint tss mamamasahe nalang ako o kaya lalakarin ko nalang
Narinig kong tinawag ako ni mama sa labas ng compshop nila ate beng sinabi ko na hindi ako makakasabay
Nakita ko namang bagong gising si kuya mike nakakakonsensya tuloy ako nasira tulog binigyan niya ko ng usb kasi wala akong usb at nagsimula na kong ilipat iyong mga files sa usb at binigay ko ito kay kuya mike at after 10 minutes yay may script na kamiii
Umuwi muna akong bahay at nagpalamig saglit sheyt lang ang init
Sabi ni mama maglakad nalang ako kaya no choice naglakad ako, after 10 minutes nakarating na kong school at nagpuntang room pero wtf! Wala paring tao! andami ko ng ginawa lahatlahat! Napadiretso na ako sa upuan at nagsalpak ng earphones, tinignan ko oras 7:30 8'oclock klase wala parin mga kaklase ko ang galing lang HAHAH ako naman palagi nagiisa at unang dumadating kaya kabisado ko na kung sino ang mga susunod ganern.
****
Filipino subject kami ngayon nagpunta na kaming kubo dun kami nagdecide magusap usap, pinaguusapan na namin ang don sa record thingy na project namin habang nagiisip si eon di naman ako mapakali kasi wala pa rin siya absent bayun? Online yun kanina ayt! E bakit ko ba siya hinahanap pake ko naman diba hays nako!
"Oh ang aga natin pre ah?" Gem
Napatingin naman ako okay wag ka ng magalala jul andyan na siya
Poker face tas derederetso siya papasok sa room tutal tapat naman ng room namin ang kubo tas pumunta narin siya samin kaagad
"Angas naman pre ang aga talaga" Gem
Pano kasi 9:00 na e HAHA pero nasanay na kami sakanya lagi kasing late yan aba di ko alam kung bakit malalaman ko din yun
Napangiti naman siya tas nawala ulit pinabasa din namin sakanya yung script."Di ko maintindihan" Noah
"Yung alin?" ako
"Itong script"
"Ha? Bakit? Andali lang kaya" ako tas inexplain ko pa sakanya na parang alam ko lahat ako si Albert Einstein
"De joke lang naiintindihan ko"
"Ha? Akala ko ba hindi?" Ang gulo niya lang
Tumawa nalang siya, pero saglit lang bakit ganun kahit minsan lang siyang tumawa gusto ko lagi ko siyang nakikitang ganun.
◼◼◼◼
HAHAHHAA HEY READERS GRABE SUPPORT NAMAN JAN WAG SILENT READER HAHA PLSS I NEED YOUR SUPPORTS KAHIT KATITING LANG ANY QUESTION? HAHAHA COMMENT KANG HIT THAT STAR!
-JULS
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Gamer [COMPLETED]
Non-FictionTransferee siya sa school namin, nung una akala ko bakla siya dahil ang puti niya tingting ang katawan at saka ang galaw niya napakalousy. Antahimik niya mahilig maglaro ng online games, pero antalino pagdating sa klase. Yung may pake siya sayo na h...