Dedicated @xakni_allyM
Kung hindi ko nabasa yung The Sadist at iba pa niyang works. Hindi ako nagsusulat ng BL story ngayon. 'Yan din ang dahilan kung bakit red flag story bet ko isulat. 🤣
Chained
TitleRaica Kaihawa
Written bydevilpersonality
User NameVampire/Romance (BL)
GenreFebruary 01, 2016
Date First PublishedAugust 13, 2024
Date RepublishedCopyright © 2016-2024 by Raica Kaihawa -devilpersonality-
All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.
The characters, events and places portrayed in this book are fictitious. Any similarity to real person, living or dead is purely coincidentally and not intended by author.
Copyright © 2016-2020 by Raica Kaihawa -devilpersonality-
Disclaimer
I do not own any image, video, music and lyrics that included in this book.
WARNING:
THIS STORY IS FOR ONLY AGE 18+ AND ABOVE!
MATURE CONTENT.
VIOLENCE, FORCED/DUBCON, FOUL WORDS. RED FLAG STORY!
Max PoV
BANG!
Isang malakas na putok ng baril ang biglang gumising sa akin mula sa aking pagkakaidlip. Natataranta akong napatayo habang kinakabahang iginala ang paningin ko sa paligid upang alamin kung ano ang nangyayari. Pero dahil may kadiliman na ang paligid at halos kakaunting liwanag na lamang mula sa papalubog ng araw ang pumapasok sa loob ng kagubatan, ay halos wala na ako gaanong maaninag. Shit. Mukhang napahaba ata ang pagkakatulog ko. Hindi ko naman mapigilang makaramdam ng lamig matapos sumimoy ang malamig na hangin. Nakasuot lang kasi ako ng isang manipis na kulay asul na damit at isang kulay itim na basketball short.
Napapitlag naman ako sa takot nang muli na naman akong makarinig ng isang putok ng baril. Shit! Hindi ko naman alam na p'wede palang mangangaso rito? Halos dalawang buwan pa lang kasi ang nakakalipas magmula noong lumipat kami sa bago naming bahay malapit sa kabundukang ito, at nakagawian ko nang magmuni-muni rito sa tuwing araw ng Miyerkules, at wala akong pasok sa bagong unibersidad na pinapasukan ko ngayon. Pero sa halos limang linggo ko naman nang pagpunta-punta rito, ay ngayon pa lamang ako naka-engkwentro ng ganito! Pero kung iisipin, ngayon din lang naman ako inabutan ng gabi rito, kaya siguro ganoon.
Pero...
Sa gabi ba talaga sila na ngangaso? At p'wede ba talagang mangaso rito?
Muli na naman akong napamura nang isang malakas na putok ng baril na naman ang aking narinig, at sa pagkakataong ito ay parang malapit na ito sa aking kinaroroonan. Shit naman! Kailangan ko na kaagad makaalis dito at baka matamaan pa ako ng ligaw na bala! Pero kung minamalas nga naman ako. Sakto namang akmang maglalakad na ako pabalik sa aming bahay nang bigla na lamang akong makarinig ng mga kaluskos sa gawing kanan ko.
YOU ARE READING
Chained (Vampire BL Novel)
VampireMature Content! For Age 18+ WARNING RED FLAG STORY! DUBCON/CONFINEMENT/VIOLENCE "Kung hindi ka magsasalita tungkol sa mga nakita mo, hindi kita papatayin. " sabi niya pa. Hi-hindi niya ako papatayin? "Huwag mo ring tangkaing subukan, dahil malalaman...