Chained IV
Max PoV
MAG-IILANG oras na rin ang nakakalipas magmula noong nagising ako. Pasado alasais na base sa orasang nasa pader, na makikita sa itaas ng malaking flat screen TV, na makikita naman sa paanan ng malaking kulay itim na kama na kinahihigian ko ngayon. Hindi ko mawari kung gabi na ba or umaga na. Wala kasing maski isang bintana sa kuwartong ito at tanging dalawang exhaust fan lang na makikita sa kisame ang tanging ventilation ng silid. Demonyo nga ata talaga ang gago at takot sa liwanag.
Medyo ayos naman na ang pakiramdam ko, at 'di tulad kanina na halos hindi ako makagalaw dahil sa matinding pananakit ng buo kong katawan. Ang gago, talagang umisa pa kanina kahit alam naman na niyang hinang-hina pa ako. Mabuti na lang at nang muli akong magising ay wala ang hayup na 'yun. Napalitan na rin ang kumot at cover ng kama nang magising ako dahil wala ng bakas ng anumang aktibidad namin ang mga coversheet ng kama. Gustuhin ko mang tumakas ay wala naman akong maisuot na damit at nakakadena pa rin ang isang paa ko sa kama.
Puno rin ng mga marka at pasa ang buo kong katawan. Mabuti na nga lang at naisipan niya pang linisan ang katawan ko bago ako iwanan rito. Hindi ko rin alam kung ano pa ang plano niya. I mean, nagawa at nakuha na niya ang gusto niya sa akin, hindi ba? Kaya bakit hindi niya pa ako pinapakawalan. Malalim naman akong napabuntong hininga. Hindi makapaniwalang sa dami ng maaari kong lipatan na unibersidad ay pagmamay-ari niya pa talaga! Hayss! Ang malas ko naman talaga!
Ngayong ilang oras na akong gising at walang magawa, eh halos makabisado ko naman na itong silid niya. Malawak at simple lang ang kuwarto niya. Tulad sa labas, puti, itim at pula lang ang makikitang kulay. Kulay puti ang mga batong pader habang kulay itim naman ang mga kisame. Ang sahig naman ay gawa sa kulay puting tiles at natatakluban lamang ito ng kulay itim na carpet. Ang pintuan naman ay kulay pilak at gawa sa 'di ko matukoy na bakal. May kung anong keyboard at pang swipe ng card na makikita rin sa pinto na mayro'ng maliit na digital screen.
Sa sobrang simple ng buong silid ay halos wala ka ngang makikitang kagamitan. Bukod sa malaking kama na sinasapinan ng kulay itim na sapin at mga unan at kumot na kulay abo, ay isang malaking flat screens TV sa paanan ng kama na nakakabit sa kulay puting pader ang makikita. Isa ring may katamtamang taas at haba na drawer na gawa sa kahoy ang makikita sa gawing kanang gilid ng kama. Sa ibabaw ng drawer ay may isang mukhang antigong lamp shade.
Sa tabi naman ng kaniyang drawer ay isang maliit na lamesa ang makikita na mayro'ng nakapatong na maliit na lagayan ng mga libro at notebook. Isa ring maliit na kulay itim na refrigerator ang makikita sa tabi nito. Habang sa gawing kaliwa naman ay makikita ang isang may kalakihang bookshelf na puno ng mga libro. Bukod rin sa pintuan na nasa gilid ng malaking TV, at siyang labasan ng silid na ito, ay mayro'n pang tatlong pinto ang makikita rito sa loob, dalawa sa kanan at isa sa kaliwa na katabi ng bookshelves. Yung pinto sa tabi na bookshelves, tingin ko ay opisina niya, habang ang dalawa naman sa kanan, hula ko ay isa roon ang bathroom at ang isa naman ay walk in closet, dahil wala naman akong makitang aparador dito. Kanina ko pa din gustong-gustong tumayo para maligo sana kaso nga lang, hanggang ilang hakbang lang ang kaya kong maabot dahil sa pesteng kadenang itong nasa paa ko.
Bigla naman akong napapitlag sa gulat at saka natatarantang muling nahiga sa kama matapos kong marinig ang pagbukas ng lock ng pinto. Dagli-dagli akong nagtalukbong ng kumot at saka nagpanggap na tulog. Maya-maya pa ay naririnig ko na ang pagpasok niya at mukhang mayro'n siyang kausap sa cellphone. Wala nga lang akong maintindihan dahil 'di pamilyar sa akin ang gamit niyang lenguwahe. Nakatalikod rin ako kung nasaan siya kaya hindi ko rin masilip kung ano ang ginagawa niya. Taimtim naman akong nanalangin na sana ay may nakalimutan lamang siyang kunin sa silid na ito at umalis din sana kaagad.
YOU ARE READING
Chained (Vampire BL Novel)
VampireMature Content! For Age 18+ WARNING RED FLAG STORY! DUBCON/CONFINEMENT/VIOLENCE "Kung hindi ka magsasalita tungkol sa mga nakita mo, hindi kita papatayin. " sabi niya pa. Hi-hindi niya ako papatayin? "Huwag mo ring tangkaing subukan, dahil malalaman...