Chained Two

10.8K 274 15
                                    

Chained II: Claimed

Max PoV

Binuksan ko ang pinto ng mansyon at dahan-dahang pumasok sa loob, wala naman na rin akong ibang magagawa kundi ang sumunod sa mga ito. Pagkapasok ko, kaagad akong natigilan at napalunok dahil sa ganda ng loob nito. Ang puting tiles na sahig  ay natatakpan ng isang kulay itim na carpet. At kung nakakaintimida na ang labas na itsura ng mansyon, ay 'di hamak na mas nakakaintimida ang loob nito. Pagbukas mo pa lang kasi ng pinto ay bubungad na kaagad sa iyo ang isang malaki at engrandeng makikinang na chandelier na nakasabit sa puting kisame habang sa gitna naman silid ay makikita ang isang kulay itim na hagdang gawa sa isang babasaging materyales.

Pero nang sandaling madako ang paningin ko sa tuktok nito, ay bahagya akong napaatras dahil sa takot. Isang malaki at nakakatakot na painting kasi ang makikitang nakakabit sa kulay itim na pader na gawa sa marble. Nakapinta roon ang isang magandang babaeng mayro'ng mahabang kulay itim na buhok. Nakapako ito sa isang krus habang napapalibutan ito ng naglalagablab na apoy. Ngunit ang tunay na nakakaintimida at nakakatakot sa larawang iyon ay ang ekspresyon ng babae. Galit na galit ito at nanlilisik ang kulay berde nitong mga mata. Habang ang mga mapupulang labi nito ay nakabuka—na kahit wala itong tinig—ay tila naririnig ko ang matinis at puno ng galit nitong pagsigaw.

Bigla naman akong kinikilabutang napaiwas ng tingin. Parang habang mas tumatagal kasi, ay tila ba mas lalo pang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Pero kahit hindi na ako roon nakatingin ay ramdam na ramdam ko pa rin ang mga nanlilisik nitong mga mata. Mabilis ko tuloy inaliw ang sarili ko sa pagtingin sa paligid. Unang napadako ang paningin ko sa aking gawing kanan, doon, makikita naman ang isang malaking Smart na TV na nakakabit sa puting pader. May isang set ng kulay itim na sofa at couch na mayroong kulay pulang mga maliit na unan naman ang makikita sa harapan n'un, na sa gitna ay may isang katamtamang laki na babasaging kulay itim na lamesa. May mga tila mamahaling painting rin ang makikitang nakakabit sa pader at ilang mga babasaging pigura ang naka display sa ilalim ng TV. Natatakpan rin ng isang kulay itim na carpet ang puting tiles na sahig. Sa gawing kaliwa ko naman ay may isang divider na gawa sa blurred na salamin. Pero base sa mga anino ng gamit sa loob, tingin ko ay kusina iyon.

Nagulat naman ako nang biglang may tumikhim mula sa itaas. Agad naman akong napatingin sa pinagmulan nito at ganun na lang ako namutla nang sumalubong sa akin ang isang pamilyar na berdeng mga mata. Mabilis na nagflashback sa aking isipan ang mga naganap noon sa kagubatan. Kung saan ay walang awa niyang pinatay ang isang lalaki, at kung paanong dumampi sa leeg ko ang dulo ng hawak-hawak niyang baril. Wala sa sariling napatras tuloy ako. Shit! Sinasabi ko na nga ba at siya nga ang nagpapunta sa akin dito!

Nasa second floor siya at nakatayo sa mismong harapan ng nakakatakot na painting. Ngunit kahit na gano'n ay 'di ko pa rin mapigilang makaramdam ng matinding intimidasyon, lalo pa't mas naging nakakaintimida pa ang kaniyang itsura dahil sa suot niyang hapit na puting plain na shirt na tinernuhan pa niya ng isang itim na pantalon at itim na leather shoes. Maayos naman nakasuklay palikod ang kulay itim niyang buhok, dahilan upang mas makita ang mga ugat nito sa noo at sentido.

He's very tall and definitely, kabaliktaran ng mga features ko. If I have pure and innocent brown eyes he had those pierceful and dangerous green eyes. Siya yung tipong, mata palang ay nakakaintimida na. Idagdag pa ang bakat na bakat nitong matitigas na mga muscles at naglalakihang mga ugat nito sa mga kamay. Tipong pakiramdam ko ay kayang-kaya niyang baliin ang leeg ko, gamit lamang ang mga kamay niyang 'yon. Lalo naman akong nakaramdam ng takot dahil sa naisip kong iyon.

Ack! Bakit ko ba tinatakot ang sarili ko? Wala naman siguro siyang balak na patayin ako, noh? Kasi kung mayro'n, dapat ay pinapatay na niya ako sa mga tauhan niya kanina at 'di na pinapunta pa rito. Hmm. Tama. Tama. Baka naman may iba lang siyang kailangan sa akin? Pero ano naman? Ano naman ang mapapala niya sa akin? Gusto niya bang siguraduhin munang wala akong ibang pinagsabihan bago niya ako patayin?

Chained (Vampire BL Novel)Where stories live. Discover now