Chained One ✔️

10.4K 345 18
                                    

Author's Note.

RED FLAG ALERT. Hindi po ito yung type na sweet mafia ang top natin. To be honest may mga scenes dito na nao-offend ako sa ginawa ni Top. Like--How dare him! Kaya hirap din talaga akong isulat ito hahaha. Ang hirap magsulat pag hate mo yung own character mo 😔😅🤣

So ayun-finally. Mairerepublish ko na uli itong  una kong BL baby 😭Anyway, major changes sa story na ito ay yung age ni Max and school grade. Instead na senior high, 2nd year college na siya, 20 years old. Kasi, utang na loob, hindi ko na kayang isulat ito nang under age si Max hahahaha... dyusko Lord. Ni hindi ko nga lubos maisip kung paano ko 'to naisulat dati. 🤣🤣 

Chained I

Max PoV

Mahigit isang buwan na rin ang nakakalipas magmula noong maganap ang nakakatakot kong karanasan sa loob ng kagubatang malapit sa aming bahay, at dahil sa takot ko na muling balikan ng lalaking iyon na walang awang pinatay ang isang may edad na lalaki, ay 'di na ako nagdalawang isip pang lumipat ng Unibersidad na pinapasukan. Sa ngayon, ay halos mag-iisang buwan na ako dito sa Serrano de Colegio bilang isang second year college, majoring in business marketing. Tatlong oras ang layo nito mula sa aming bahay pero mas pinili ko na lang ritong magpatuloy ng pag- aral at magdorm na lang para kung sakaling balikan nga niya uli ako, ay hindi na madamay pa ang aking pamilya.

Hanggang ngayon ay binabangungot pa rin ako ng mga eksenang nasaksihan ko, at halos ilang linggo rin akong pabalik-balik sa banyo tuwing gabi para lang sumuka. Sariwang-sariwa pa ring naglalaro sa aking isipan kung paanong bumulwak ang napakaraming dugo mula sa ulo ng may edad na lalaki, hanggang sa nakakatakot na maputlang kulay berdeng mga mata ng lalaking iyon na walang emosyong nakatitig sa akin habang nakatutok ang baril nito sa aking direksyon. Siguro naman, ngayong lumayo na ako sa lugar na iyon ay malabo na magkita pa uli kami. Hindi rin naman ako nagsumbong gaya ng ipinangako ko sa kaniya, siguro naman ay hindi na niya ako gagambalain pa.

Sana nga.

Dito sa Serrano de Colegio, so far so good naman. Sobrang advance nila pagdating sa academics kaya ngayon medyo naghahabol ako. Ang maganda pa rito ay halos kompleto sila sa mga sports. Maganda rin ang kanilang pasilidad. May dorm din na available rito na para naman sa mga malayo ang bahay ay pupuwedeng mag-stay in dito. Katulad ko. At sa katunayan ay ito talaga ang pinaka nagustuhan ko kung kaya't dito napiling lumipat. Mas malaki kasi ang naitulong sa akin ng pagkakaroon ng dorm, dahil maaaring bumaba ang tiyansang guluhin pa ako at ang pamilya ko ng lalaking iyon.

Ok naman ang dorm dito, well depende sa budget mo kung anong klaseng dorm ang makukuha mo. Sa akin kasi, simple lang ang kinuha ko. One bedroom with bathroom, kitchen and living room. At ang mas ikinaganda pa ng pagkuha ng dorm dito ay may kasama na ring mga gamit tulad ng sofa, dining table, refrigerator and isang computer set pagkakuha mo. Kasama naman na sa miscellaneous fee ang bayad sa tubig at kuryente habang libre naman ang internet. Kaya wala na akong po-problemahin pagdating sa bayaran.

Sa ngayon, ako ay nasa pangalawa at panghuling klase ko na rin para ngayon araw at naghihintay na lamang sa pagdating ng aming guro. Oh by the way. I'm Maxwell Legaspi, 20 years old, 5'6, mamula mula ang balat, katamtaman lang ang laki ng pangangatawan. Hindi payat at hindi rin siksik sa muscle. I have pair of brown eyes and sabi nila its look so pure and innocent. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit mapalalaki ay naa-attract sa akin o kaya ay bu-bully-hin ako because they think that I'm weak.

Hell no.

Maayos naman ang lahat at unti-unti ko nang nagugustuhan ang unibersidad na ito dahil sa wakas ay nakahanap na rin ako ng lugar kung saan ay matatahimik rin ako. Masyado kasing disiplinado ang mga estudyante rito kung kaya't walang nagtatangkang gumawa ng gulo. Walang bully, wala na ring stalker at nakakatakot na mga berdeng matang iintindihin. Stress free kung baga! Well, 'di pala, dahil stress pa rin sa mga exam and activities.

Chained (Vampire BL Novel)Where stories live. Discover now