(Frea's POV)
Pasukan na naman! yeah masaya ako pero medyo lang, until now BH kasi ako! Oo BROKEN HEARTED!! kaya yung may mga jowa dyan naku sinasabi ko sa inyo MAGHIHIWALAY DIN KAYO!!!! NOW NA!! tsss joke lang XD. Nandito na naman ako sa rooftop feeling ko kasi ako yung bidang babae sa Boys over Flower at sa Meteor Garden (-__-) gusto ko sumigaw dito sa taas katulad nung napapanuod ko sa tv kaso alam ko mag mumukha lang ako tanga at mapapagkamalang baliw.
Nakikinig nalang ako ng mga senti songs sa phone ko tapos sasabayan ko ng pag luha habang humahangin at nadadala nito ang buhok ko para kunware nasa music video ako para feel na feel ko yung pagiging BH ko.
Naalala ko noon after class palagi nya akong hinihintay sa labas gate ng school sa ibang school kasi sya pumapasok nun. Tapos hahatid nya ko sa bahay sakay ng kotse nya kaso hanggang labas lang sya ng gate e hindi pa kasi alam nina mama at papa na may boyfriend ako nahanap pa ako ng tyempo nun kung kelan ko sya ipapakilala.
Si Troy naman hindi pa din nya ko napapakilala sa parents nya kc parehas silang nasa US yung masungit na yaya lang nya na nagpalaki sa kanya ang kasama nya sa bahay. Sa three months na naging kami hindi ko masasabi na kilala na namin ang isa't-isa pag tungkol sa family nya mailap si Troy ayaw nya ng pinag uusapan basta ang alam ko lang hindi sya close sa parents nya kasi hindi sya dun sa kanila lumaki. Nakipag hiwalay ako sa kanya noon dahil sa napaka walang kwentang reason -__- sobrang walang kwenta.
Naimpluwensyahan kasi ako ng mga napapanood ko sa TV and movies e!
Sinubukan kong sabihin sa kanya yung mga lines na napapanood ko sa mga Teleserye gusto ko lang malaman yung magiging reaction nya at syempre gusto ko din malaman kung gaano nya ko kamahal kung pipigilan ba nya ako at ayan na nga!
"Troy, we need to end up this :(" napa kunot ang noo nya nung time na yun
"huh? Wat do you mean?" " ayoko na Troy mag break na tayo, gusto ko munang hanapin ang sarili ko" grabe ang moment na yun feel na feel ko tlga noon ang pag sasabi nun well alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi nya ko kayang iwan.. ganda ko kaya! "May nagawa ba akong mali?"
Nung tinanong ni Troy yun parang medyo naawa ako sa kanya kasi kitang kita ko sa mga mata nya ang pagtataka at alam ko naguguluhan sya pero may halong saya akong naramdaman masaya ako hindi dahil sa pinaglalaruan ko ang emotion nya that time kundi masaya ako dahil nararamdaman ko na ayaw nyang mawala ako sa kanya XD.
"Wala kang nagawang mali Troy.. wala sayo ang problema, basta ayoko na" yan ang pabebe kong sagot. "Pero mahal na mahal kita! hindi na ba magbabago ang isip mo? Sabihin mo lang na may pag asa pa tayong mag ka ayos, promise mag hihintay ako.." teary eyes na sya nun :( mahal nga tlga ako neto pero itinuloy ko pa din ang mala teleseryeng actingan ko
"sorry Troy" sabay walk out ko. Nag walk out ako kasi akala ko hahabulin nya ko..with matching yakap habang nakatalikod ako o kaya yung isang paa ko ang yayakapin nya pra di ako maka hakbang paalis, kaso di nya ko hinabol. Loko yun, kala ko ba mahal nya ko? pero bakit hindi nya ko hinabol!!!
Pag uwi ko sa bahay nun pagtingin ko sa phone ko ang dami nyang text na maghihintay daw sya, bat ko daw sya iniwan blah blah blah tapos sunod-sunod ang tawag nya na nirereject ko naman kasi na bwiset nga ako e hindi nya kasi ako hinabol knina .
Tutal 1 week nalang birthday na nya saka nalang ako makikipag ayos sa kanya at makikipag balikan para naman sumaya sa birthday nya. Yung mga araw bago ang birthday nya panay pa din text nya na may mahalaga daw syang sasabihin panay din tawag na di ko talaga sinasagot kasi ang balak ko talaga surprise ko nalang sya sa birthday nya at iyon nga dumating na ang birthday nya.
Nasa labas ako ng gate ng bahay nila nun may dala akong box na may lamang cake at tatlong ballons.
Pinindot ko ang doorbell tapos ayun syempre yung masungit nyang yaya ang lumabas si yaya Matilda. Oh diba? Pangalan palang terror na!.
" Amm nandyan po ba si Troy?" Tiningnan nya muna ako mula ulo hanggang paa pati yung mga dala ko sabay sagot ng.. "Wala na ang alaga ko!" Masungit nyang sagot "po?
Imposible po nagttxt at tumatawag pa nga po sya sken nung isang araw" gulat kung sagot na halos mangiyak ngiyak na ko.. hindi ako makapaniwala na wala na si Troy di ko alam kung ano nangyare kung may pananagutan ba ako! T__T Troy bat mo ko iniwan? siguro hindi nya kinaya yung pakikipag break ko sa kanya.. napahagulhul nalang ako nanlambot yung mga tuhod ko nabitiwan ko yung mga dala ko napasigaw nalang ako..
"Troyyyyy! Bat mo ko iniwan? Joke lang yung mga sinabi ko sayo dati! Hindi yun totoo bat ka nag pakamatay! Mahal na mahal kita, huhuhu joke lang tlga yon!!! Troyyy!"
(ಥ_ಥ)
" uy! Ineng ano bang joke na pinag sasabi mo dyan? At anong nag pakamatay? Tumayo ka nga dyan, nakakahiya ka!"
Natauhan ako sa sinabi ni yaya Matilda sabay tayo ko " sabi nyo po kasi wala na si Troy?" Napataas na naman ang kilay ng matanda " Oo nga, sabi ko wala na! pero hindi ko sinabing patay na ang alaga ko! aba baliw kang bata ka.."
" E san po ba nag punta si Troy hihintayin ko nalang po sya dito."
"Sus ,kahit abutin ka pa ng magdamag hindi dadating yun! Kakaalis lang nya kahapon papuntang US naayos na ang papers nya, dun na sya titira kasama ang mama at papa nya"
Simula ng araw na yun wala na ko balita kay Troy :( hindi ko din sya mahanap sa fb kasi naman iisa lang ang fb account naming dalawa ginawa tlga namin yun para kame ang parehas na gumamit pero hindi na sya nag uupdate dun.. siguro gumawa na sya ng sarili niyang account :(
Napaka laki ng pang hihinayang ko naiinis ako sa sarili bakit kasi napaka pabebe ko.
BINABASA MO ANG
One More Chance, Please?
Random"Pero mahal na mahal kita! Hindi na ba mag babago ang isip mo? Sabihin mo lang na may pag asa pa tayong mag ka ayos, promise maghihintay ako.." Until now paulit-ulit paring nag rerewind sa isip ko ang mga sinabi nyang iyon. Two years ago simula nung...