Chapter 3

20 0 0
                                    


Napatingin siya sa akin, halata sa mga mata nya ang pag tataka, napakunot pa nga ang nuo nya e :(

Ako naman hindi na makapag salita.
Napansin ko bigla nalang tumulo ang mga luha sa mata ko. .

T_____T

Hinawakan ko yung mukha nya tapos bigla nyang tinapik ang kamay ko :(
with the expression of curiosity.

Wala syang ibang sinasabi nakakunot lang ang nuo nya.

Kaya ako nalang ang naunang mag salita. . .

"Alam ko Troy galit ka sa akin kasi nasaktan kita noon T__T
Hindi ko akalain na dito ka na din pala pumapasok, alam mo lalo ka ata tumangkad mas gumwapo ka ngayon".

Still, hindi parin sya nag sasalita. Nakatingin lang sya sken napataas pa nga ang isang kilay nya e.. antaray na nya ngayon :((

Pero ako heto parin gusto ko parin sya kausapin. .

"Sige ok lang kahit hindi mo ako kausapin, pero gusto kong sabihin na.. na miss na miss na kita.. na miss ko ang lahat-lahat sayo"

Wala parin syang reaction. Ganun ba sya kagalit saken kasi nakipag break ako sa kanya noon? Bakit kung makatingin sya parang hindi nya ako kilala? Ayaw na ba nya saken? Kinalimutan na ba nya ko?

Pero bakit??
Anong nangyari sa kanya?

"Troy kausapin mo naman ako oh!"
Again he just stared at me without any reaction.. :((

Dun na ako sobrang nasaktan.

"Ganyan ka ba kagalit saken?? Gusto ko malaman mo na until now mahal na mahal parin kita at hindi ako susuko para bumalik din ang pagmamahal mo saken!"

At dun umalis nako sa harapan nya tumakbo na ako noon papuntang CR para kasing sasabog ang puso ko ang sakit-sakit. .

He's acting that he does'nt know me anymore :((

Hindi actingan ang nararamdaman ko ngayon sobra tlaga ako nasaktan.

( Troy Kelvin's POV)

Habang nakatambay sa daan malapit sa CR at nakikinig ng music with earphones isang bansot na babae ang lumapit saken. .

Infairness cute sya ^__^
Kaso parang ang weird nya.. Nakatayo lang sya sa harap ko tapos bigla nalang may tumulong luha sa mga mata nya.

O__O hala! Napapaano ba tong bansot na to??

Well baka member lang sya ng drama club tapos magpapa sikat saken ng konti tapos mag to-talk at irerecruit ako na maging member nila.

Naalala ko tuloy kanina yung baking club kung anu-anong product nila ang pinatikim saken tapos may tinanong sila na kung anu-anong info tungkol saken tapos bigla nilang sinabi WELCOME TO THE CLUB!!! OUR NEW MEMBER!

In just one snap napilitan tuloy akong maging member nila -__-

Kaya ngayon hindi na ako mag papadala sa mga modus ng mga estudyante dito lalo na dito kay Miss bansot na mukhang member ng drama club.


Nagulat nalang ako ng bigla nyang hawakan ang pisngi ko at dahil sa mabilis ang reflexes ko bigla kong natapik ang kamay nya. .

Wow ha? Mukhang na love at first sight sya saken, na tsansingan agad ako..XD 

Tapos may mga sinasabi sya na hindi ko naman naririnig, well sorry naka earphones ako e, sige lang ngumawa ka lang dyan wala ako pakelam sa sinasabi mo..bwahahaha

Pero kung member nga sta ng drama club ang galing nyang umacting grabe! Mukha talagang may pinag huhugutan. Yung pag luha nya tapos yung pag tingin nya sa mga mata ko para talagang galing sa puso.

Blah blahh blah blah blah blah
Basta nagsasalita parin sya with matching teary eyes. .

Blah blah blah blah blah
Hanggang tumakbo na sya paalis

Anyare??? So weird.
Napatingin ako sa kanya habang tumatakbo paalis.

Tapos napansin ko yung skirt nya..

May. .

May. .

May. .

Hahaha XD

May Philippine Map! Hahaha

May stain ata sya...

Kaya pala sya tumakbo paalis sa harapan ko ^__^

One More Chance, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon