Chapter 5

19 0 0
                                    


Troy Kelvin's POV

Ayokong sumali sa stupid baking club na yun -__-

Sabi saken nung president ng baking club pwede daw ako umalis sa club nila kung makakahanap ako ng kapalit ko.

In short kelangan kong mag recruit which is hindi ko alam kung paano ko gagawin. Wala pa akong masyado kilala dito. Transferee lang ako.

Babangasan ko na sana kanina yung nerd na president na yun kung hindi lang nya hinarang sa pag mumukha ko yung membership form na pinirmahan ko noon. Akala ko kasi survey slip lang yun hindi kasi ako nag babasa basta nalang ako nag fill up.

Nag try ako mag recruit sa classroom namin. Syempre yung mga girls ang kinausap ko kaso ang weird nilang lahat. Nakatulala lang sila saken tapos oo lang sila ng oo pero ramdam ko hindi naman nila naiintindihan ang sinasabi ko, yung iba naka nganga tapos tulo pa laway..hihihi iba na talaga pag gwaping  ^___-

Mukhang wala ako mapapala sa mga yun kaya nag try ako sa may school ground, pumunta ako doon for sure mas marami ako mauuto dun! Haha

Nung nasa ground na ako nahagip ng mga mata ko na nakaupo si Miss bansot na member ng drama club sa isang bench.

Alam ko member na sya ng drama club pero baka sakali matulungan nya ako makahanap ng ma rerecruit kaya nilapitan ko sya.

"Miss diba ikaw yung kahapon?"
With matching super na papoging smile ang binigay ko sa kanya.

Kaso napansin ko na unti-unti syang nag sad face. Hala! Yan na naman!
Mag dadrama na naman sya!

Lights. .





Camera. .




Action!!





"Troy bakit ka ba ganyan saken? " :(

Nagulat ako kasi alam nya ang pangalan ko.

"Ako? Bat alam mo pangalan ko? Have we met before?"

"Troy naman e, If you're trying to break my heart oo na! It's working! Sa pag asta mo palang na hindi mo ako kilala wala nang mas sasakit pa dun!"

Sa totoo lang wala akong maintindihan hindi ko alam kung napapaano ba sya -__-

Tapos tinanong ko kung sino ba talaga sya at dun ako mas nagulat sa sinagot nya.

" Ako to' si Frea ex-girlfriend mo.. yung babaeng minsan mo ding minahal"

Baliw ba sya? Ano yun joke???
Baka naman may mga hidden cameras lang dito.

Baka napapalabas na ko sa isang gag show! Ano? Nasa Wow Mali ba ako??

Tapos nung sinabi ko na akala ko member lang sya ng drama club ayon nag hysterical na naman sya. Umiyak na naman at kung anu-ano ang sinabi.

Naku! Kung hindi lang babae to' nasapok ko na to! Para syang ewan.

Bigla tuloy ako nagsisi bakit dito ako nag enroll. Eskwelahan ba ito ng mga baliw??bakit ang lakas ng sapi ng mga tao dito?

Hinawakan nya ko sa mag kabilang braso ng mahigpit at niyugyog.
Tapos pilit nya ko tinatanong kung napano ba daw ako.

E kung sya kaya ang tanungin ko kung napapano syang baliw sya!

Kinukulit nya ko kung nag ka amnesia ba daw ako blah blah blah ang dami pa nyang sinasabi habang lalung humihigpit ang hawak nya at nasasaktan na ko. Ang liit na tao pero ang lakas kulang nalang mag super saiyan sya.

At the end para lang tumigil sya.. sige na nga sinabi ko na yung gusto nyang marinig.

Oo na lang! Sinabi ko na may amnesia ako kahit wala naman talaga!

Matigil lang ang kabaliwan at tigilan narin ako ng bulilit na ito.






One More Chance, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon