Chapter 11

4 0 0
                                    


Troy Kelvin's POV

Wala sana akong balak umattend dito sa acquaintance party kaso inabutan ako ng ticket ni Max noong isang araw.

Pero OK narin siguro na pumunta ako para naman makapag socialize ako sa mga wirdong estudyante dito at para masanay narin ako sa kanila.

dun ako sa table malapit sa entrance ng party hall..
Umupo muna ako doon habang ang iba tuwang tuwang sumasayaw sa party music. Hinubad ko muna ang suot kong coat kasi hindi talaga ako kumportable mag suot nun.

hanggang. . .

Mula sa may entrance. . .

si miss bansot ba ito??

O namamalik mata lang ako?

(⊙o⊙)

Wow..

hindi na sya cute..

Maganda na sya..

Napansin ko na papalapit sya sken

"Hi Troy" nakangiting sabi nya.

Hindi ko lam pero biglang automatic nalang na napangiti din ako sa kanya, ang ganda nya talaga ngayon.

"ah may kasama ka na ba dyan sa table mo?" Dugtong nya.

"Ah wala naman.. " sagot ko.

"pwedeng maki sit in?" Tanong nya ulet.

"Ah ok, you may sit" 
Sabay tayo ko din noon at hinila ang isang upuan upang tulungan syang umupo, just a sign of being gentleman.

"Thank you" naka ngiti nyang sabi.

Tuloy parin noon ang party music lahat ng nasa paligid namin nag eenjoy at nagsasayaw.

Im just enjoying watching them, nang bigla nagsalita si miss drama club.

"Troy knina ka pa ba dito?"

Hindi ko masyado maintindihan ang sinasabi nya dahil sa lakas ng sound system.

Ha???

" kung knina ka pa dito?" Inulit nya yung sinabi nya pero di ko talaga maintindihan so I dicided na ilapit ung tenga ko sa mukha nya."

"What?" Tanong ko let nakalapit na noon ang half face ko sa mukha nya..

Pero imbes na ulitin nya kung ano sinasabi nya kanina parang natahimik sya .. nagulat ata sya noong bigla ko nilapit ung mukha ko sa kanya.

Halatang halata sa reaksyon nya.. parang naiilang sya so umagwat na ko.

Masyado pala talagang conservative ang mga pinay.

Lumipat yung music sa love song.. yung mga kaninang nag sasayaw ng party music biglang nahawi.

At nag give way sila sa may mga ka forever para sila naman ang mag sayaw≧﹏≦

That akward moment when you are sitting with a girl and you can't ask her to dance 'couz you know that your friend is her boyfriend.

Teka! Teka!
Ano ba 'tong iniisip ko?? Bat ko naman yayain mag sayaw 'tong bansot nato?.

"Troy?" Rinig ko na tawag nya sken medyo rinig ko na boses nya that time kasi mild na yung tunog ng sound system.

"Huh?" Taka ko namang sabi. Napansin ko nalang na sumenyas sya at tinuro yung labasan.

"Can we talk for a while? May importante lang akong sasabihin" malakas nyang sabi.

Curious ako nun kasi sabi nya importante so pumayag na ko.

Asa may garden kami ng venue. Mejo mahina na ang music dun. Medyo tahimik ang paligid.

Alam ko may gusto sya sabihin pero nakayuko lang sya.

"What are you going to say Rhea?" Tanong ko sa kanya

"It's Frea Troy not Rhea, but I understand may amnesia ka e" malungkot nyang sabi.

Hay naku! Eto na naman kami sa amnesia thingy nya╮(╯_╰)╭

Wala naman talaga akong amnesia e kaso pag pinagpilitan ko sa kanya na mali ang akala nya baka mag hysterical na naman sya so pabayaan ko nalang sya sa trip nya.

"Troy, I just want to say na.. I'm still always here for you hanggang sa maalala mo ko" eye to eye nyang sabi saken.

Nakikita ko na napaka seryoso nya sa sinasabi nya pero hindi ko pa rin talaga maintindihan kung anong trip nya sa buhay. Is shes flirting with me?

Napansin ko nalang na bigla sya yumakap saken. ⊙﹏⊙

Mahigpit na yakap. Umiyak na naman sya.

"I miss the old you, miss na miss ko na yung Troy na mahal na mahal ako.. bumalik ka na sa dati please? I love you.. I love you so much" Q_Q

Ano daw? I Love you daw??

"Wait!" Naguguluhan kong sabi, agad akong kumalas sa pag kakayakap nya.

This girl is really flirting with me. Ayoko mag padala sa mga sinasabi nya. I don't want to betray my friend, Max.

"Do you know what are talking about? Ganto ka ba sa mga lalaking nagugustuhan mo? Even if you have a boyfriend? Frea naman, show respect to yourself and to Max!"

Napansin ko nalang na napakunot ang noo nya at halatang nagulat sa mga sinabi ko.

"Max?? Boyfriend ko?" Gulat na gulat nyang sabi.

"Yes, I know everything" sagot ko sa kanya.

Napanga-nga sya sa mga sinabi ko. Akala siguro nya hindi ko malalaman na may boyfriend na sya at naging kaibigan ko pa.

ako pa lolokohin nya?

Mga babae talaga hindi makuntento sa isa. ╮(╯_╰)╭




One More Chance, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon