Chapter Fifty Three

101K 2.5K 318
                                    

Musika's POV

Lunes, pagkatapos ng buong klase ay nagyaya si Trystan na kumain sa Jollibee.

"Gusto niyong sumama?" Tanong ko kila Joyce, Cha, Jessa at Jammie.
"Next time nalang, sis. May gagawin pa kami ni Jessa eh. Reporters kasi kami bukas sa Filipino subject." Sabi ni Cha.
"Same here, sissy. May hahabulin pa akong assignments."

Nanlumo naman ako.
"Kayo nalang muna, take it as a date nalang noh." Asar pa ni Jessa.
"Okay, next weekend kila Jammie right?"
"Yaaasss! Ingat kayo. Bye, Trystan!"

I waved them goodbye at nakita ko si Chris na kakalabas lang ng gate. Sumama ang tingin niya sakin at umiling. Umalis na rin siya kasama ang tropa.

Is he still mad about Trystan? Ano ba yan... Ayoko talaga sa lahat ay yung may sumama ang loob sakin.

"Let's go?" Sinuot ko ang helmet na inalok niya at sumakay na ako sa motor.

Hindi naman gaanong malayo ang Jollibee mula sa school kaya nakarating agad kami. Ngayon pa 'ko nakaramdam ng gutom. Gusto kong kumain ng ultimate burger steak! Ako lang ba ayaw nung fries on top? It tastes weird kasi hehehe!

Si Trystan ang pumunta sa linya so nasa gilid lang ako. Libre niya naman daw kasi siya nag-aya. Babawi nalang ako sa kanya next time. Sumilip ako sa toys ng kiddie meal.

Nakakamiss nung bata pa ako na may lunchbox at lalagyan ng hotdog. Hahaha! Nickelodeon pa yung label.

"Uy pre!"

Teka, ba't pamilyar yung boses?
"'Sup, pre. Kamusta?"
"Kakatapos lang naming mag praktis. Namiss ka namin, t*ng*na ka talaga."
Lumingon ako at...

Si Russel at mga kasama niya sa soccer team? Tae... Hala... Nakita niya na pala ako sa park. OMG.

Nataranta ako at nagmadaling pumunta ng CR. Sana di niya 'ko nakita!

Tumingin ako sa salamin at pinunasan ang pawis sa ilong ko. Kinakabahan ako, OMG. Anong gagawin ko?

I grabbed my bag at nag perfume. Inayos ko ang uniform ko at nagsuklay. Wala lang! Gusto ko lang maging presentable sa harap ni Trystan.

*beep*
From Trystan

Nandito na ako sa second floor. San ka?

Okay, okay. Relax, Mika. Nag reply ako.

Trystan, wag mo munang banggitin ang pangalan ko in public ah? Rizumu nalang muna itawag mo sakin. ^^

*beep*

Ha? What's up?

Hindi na ako nagreply at lumabas na ng CR. Umakyat na ako sa hagdan. As expected, andun nga ang grupo nila Russel. Tumabi sila ng mesa samin.

Tae naman kasi! Ang liit ng mundo!

"Nag CR lang ako."
Umupo ako sa harap ni Trystan.
"Okay. Mainit pa yung steak mo. Kain ka na." Nakahanda na rin pala ang pagkain. Nawala tuloy gana ko. Gusto ko nalang mag take out at sa bahay nalang kami kumain.

"Mga tol, si..." Tumingin siya sakin. Binigyan ko siya ng yung-sinabi-ko-sayo-look.
"Rizumu nga pala."

"Hi."
"Hi, Riz. Nagpauto ka kay Trystan?"
Nagsitawanan sila.
"Mga g*go! Hahahaha!"
Iniiwasan ko ang tingin ni Russel dahil alam kong kanina pa siya nakatutok sakin. "Hi." Bigla niyang sabi.

"Hello."

Nababagabag ako sa titig sakin ni Russel kapag di siya napapansin ni Trystan dahil kumakain siya ngayon.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon