Chapter Fifty Seven

93K 2.4K 310
                                    

Musika's POV

"Mika---"
"I don't need your help, Chris. Layuan niyo na ako, please."

Para akong sasabog.

Nagwawalis ako ng mga nahulog na dahon sa may mga tree house. Si Jam naman, kanina pa nagrereklamo sa sobrang init. May dala-dala siyang black bags dahil tinatapon niya ang mga basurahan sa garbage area.

Hetong si Chris, kahit inutusan siya sa ibang area ay dikit siya nang dikit sakin. Nanghihina na ako at wala na akong panahon na sigawan pa siya o ano.

Wala na akong pake sa kanila, actually.

"Mika, makinig ka naman sakin. Okay, kahit di mo ko patawarin, di ko naman ine-expect na patawarin mo pa ako. Ang gusto ko lang, pakinggan mo ang sasabihin ko."

...

"Oo, inutusan ako ni Christine na lapitan ka at kaibiganin ka. Kinwento niya sakin lahat ng nangyari sa inyo ni Mel at ni Trystan. Nung una, pumayag ako kasi binlackmail niya ako. May alam siyang sikreto ko at isusumbong niya raw ako kay Daddy pag di ko raw ginawa-- I didn't have a choice."
...

"Pero nung nakilala na kita, binalewala ko ang plano niyang yun. Malinis ang naging intention ko sayo, Mika. Tinuring kitang kaibigan. Bukod sa... Crush kita nuon pa dahil magaling kang tumugtog ng instruments, hinahangaan na kita nuon pa man. Nung mataba ka pa..."

"Ayoko nang marinig mga pagsisinungaling niyo. Lahat kayo, pare-pareho lang "

Lumipat ako ng area.

"Mika, please naman paniwalaan mo 'ko. I care for you, Mika."
"Hindi ko kailangan ang care mo. Hindi kita kailangan."
"Pero---"

"Sinabi niya na ngang ayaw ka na niyang makausap eh."
Napalingon kami kay Trystan na may ring sako.

"Wag ka ngang makialam dito."
"Magsama kayong mga g*go."

Iniwan ko na sila. Lumapit nalang ako kay Jam. Nakita ko sila Melody at Christine na nakatingin samin mula sa third floor. Oo, pinag mop sila ng buong hallway sa bawat floor. Buti nga sa kanila! Mga parehong basahan ang ugali.

**

"Nako, nako nako! Ang sarap talaga nilang sabunutan ulit! Nanggigigil ako, bes!" Sabi ni Jessa. Kakatapos lang naming mag cleaning service at kakalabas lang namin ni Jam mula sa office ng prefect.

Pumunta na rin pala ang mga parents namin nung naglilinis kami. Nako, hindi ko alam kung anong gagawin ni Mama sakin mamaya. First time in history...

"Tahan na Musika. Maaayos rin yan."
-Cha

"Isa pa yung Trystan na yun! Akala mo naman sobrang gwapo niya--- well oo naman pero kahit na! Ginagamit niya naman sa mali yung kagwapuhan niya!"  Natawa sila sa sinabi ni Jam.

"Girl, kunin mo nga yung gunting sa locker ko. May puputulin lang ako! "
Asar na sabi ni Jessa.

"Nako, tulungan kita. Garden scissors naman gagamitin ko sa buhok ng impaktang yan." Galit rin si Joyce.

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Pagod na pagod na ako. Emotionally and physically... I just wanna sleep in bed.

"Tama na nga yan, girls. Hayaan niyo na sila. They deserved that punishment naman. Wag na nating patulan." -Cha

"Oh yeah, right. Di nga pala tayo pumapatol sa mga di natin ka-level. Pero kanina ha, talagang napuno na 'ko."
-Jam

"Sorry, Jam ha. Nadamay ka sa gulo namin. Lahat nalang ng mga taong nakapalibot sakin, nadadamay. I'm a walking negative energy..."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon