Chapter Sixty Nine

110K 2.5K 595
                                    

Musika's POV

"Mika! Si Russel, nasa labas!"

Mula sa pinagmamasdan kong upuan ni Melody na kahit sino man ay walang umuupo at may nakalagay na roses at letters lang, nagulat ako sa narinig ko.
Anong kailangan niya sakin? Akala ko ba "sayonara" na?

Diba nga Mika, wag na wag nang mag-assume kahit kailan? At kota ka na sa mga lalaki?

"Russel Tanaka?" Tanong ko kay Jam.
"Malamang sa alamang! Sino pa bang Russel ang kakilala namin?" Singit ni Joyce.

"H-Ha? Te-teka lang---!"
"Ewan ko nalang talaga sayo, Mika." Sabi pa ni Chris.

Hinatak na 'ko ni Jammie at bumaba kami mula sa 4th floor.

Nang magkatagpo ang aming mga mata ay agad niya akong nginitian.

Naka-school uniform pa siya ng Aquamarine University. Oo, school mate rin sila nila Kuya, Kenji at Eazer.

"O-O? Anong ginagawa mo dito tsaka... bakit mo ko pinatawag?"
"Wala lang. Gusto lang kitang makita?"
"Charot. Girl, mauna na ako ha. Kaloka kayo. Kunin ko nalang bag mo tutal nag bell na din."

"T-Teka, Jam---" Iniwan niya nga ako ditong kasama si Russel. Hmph!

"Sabay sana tayong mag-lunch."
Is he really asking me to eat lunch with him?

"Ah-- Ano..."
"As friends, Mika. Gusto kong makabawi sayo at kay Melody. No malice?"

Yun naman pala... Eh di okay, mabuti. Kasi ayoko talaga munang ma-involve uli sa ganun. It's traumatizing...

"San mo ba trip?" Tanong niya.
"Kahit saan, okay lang"

"O sige, call ako dyan. Maghahanap tayo ng kainan na ang pangalan ay 'Kahit Saan'"

Nakuha niya pang magbiro.

"Oy tol! Naparito ka?"

Anak ng--- nakita pa talaga kami ni Trystan. Whatever...

"Niyaya ko lang si Mika mag lunch, tol."

"O, biglaan naman ata? Anong meron? Ikaw ha..."

Bahala kayong mag-usap dyan. Hintayin ko nalang si Jam na ihatid sakin ang bag ko. Sasabay nalang ako sa kanilang kumain.

"O, san kayo mag lunch?"
Iniabot sakin ni Joyce ang bag ko. Kasama niya si Jam.
"San sila Cha?" Tanong ko.
"Busy eh, nasa library pa at may reporting daw sila mamaya."

"Hindi ko nga alam kung san niya trip kumain eh. Hahanapin pa namin yung sinabi niyang 'Kahit Saan'"

Natawa sila sa joke niya. Sawakas!

"Basta kami, dyan lang sa harap. Ingat kayo." Nauna nang umalis sina Jam at Joyce. Naiwan kaming tatlo dito. Jusko, ang sarap nilang takbuhan!

"So..."
"Nagugutom na ako. Tara?"
"S-Sabay nalang ako sa inyo, tol. Kung okay lang" - Trystan na epal.
"Sige ba, okay lang ba daw, Mika-chan?"
"Ano pa nga ba..."
Mahinang sagot ko. Do I have a choice? Hindi ko naman kasi ugaling mang taboy ng tao. Ni hindi ko nga makita ang sarili ko na may ganoong ugali.

And it's the reason why people always betray me, they always take my kindness for granted. That's why I always end up hurting...

And every time I look up the sky, hindi ko maiwasang maging emotional, na pinipigilan kong ngumiti. I still couldn't believe na wala na si Melody.

Nawala siya na hindi man lang kami nakapag reconcile. Namatay siyang nag-iisa, na wala ako sa tabi niya. Na hindi niya man lang ako nakausap, hindi ko man lang narinig ang boses niya kahit sa huling sandali.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon