Chapter Seventy Two

87.6K 1.9K 189
                                    

Musika's POV

What a tiring first day!

Alam mo yung feeling na wala kang kakilala ni isa sa mga classmates mo tapos naiilang ka pa sa new environment? I grew up with friends naman pero why do I have this hidden introverted part of me.

No texts from Trystan too! Argh! Pero sige lang, baka busy pa yun. Mechanical Engineering pa naman course niya. Hindi ko narin naiintindihan ang sarili ko minsan, kasi parang ayoko nang mawala si Trystan sa tabi ko. Parang... Nagkakaroon ako ng trust issues sa kanya.

Is this finally the trauma he caused when we were in high school? I couldn't stop being bothered. Or maybe naiilang pa ako sa bago kong journey.

"Hello!"

Biglang lumapit sakin yung babaeng nag-approach kanina at pansin ko lang, napaka friendly niya. Siguro nga I can label her as FC (Feeling Close) pero I'm being too judgmental lang siguro.

"Uy!"

"Hindi 'uy' ang pangalan ko noh."

Eh I'm not good with names kasi eh. Nag introduce naman kaming lahat kanina pero diba sa dinami-dami namin eh di ko na matandaan.

"Bianca." She offered her hand at nagkamayan kami. Her smile is so bright, para siyang anghel. I think I'll like her. Hmmm...

"Sorry, nakalimutan ko kasi eh."
"Okay lang! So, from Aquamarine Academy ka pala? Rich kid ka siguro noh?"
Napatawa ako sa tanong niya. Naglalakad na kami, itetext ko pa sana si Kuya kung nasan siya kaso di ko magawa kasi kausap ko pa si Bianca eh.

"Hindi ah. May kakilala ka ba dun?"
Nag-isip pa siya.
"Hmmm... Oo! Marami! Actually, kilala nga kita eh."

Hala?
"Eh? Hala, nakakahiya naman sayo."
"Famous ka nga eh!"
"Hala, di kaya! Di naman ako artista."
"Eh di mag-artista ka!"

Bigla akong napatawa nang malakas. Ang kulit niya, promise. Hahaha! I'll surely like her.

"Gagi. Ayoko, di naman ako qualified dun. Loko ka talaga."

"Pa-humble siya! Sa ganda mong 'yan, balita ko pa nga singer ka eh tapos magaling ka pa tumugtog ng instruments kaya nga Musika ang name mo diba? Tapos Japanese ka? Talented ka nga masyado eh."

Eh... Nagkaroon lang naman ako ng lessons simula 5 years old pa ako kasi yung clan nila Papa, music enthusiasts. May pagawaan sila ng mga Japanese traditional instruments nung unang panahon.

Tsaka!!! Nakakailang naman itong kausap si Bianca. Papaano niya nalaman yung tungkol sakin. Ang creepy tuloy.

"Huy, sorry naiilang ka ba? Sorry ah, ang daldal ko na naman."
"A-Ah hindi naman, okay lang! Hehehe nagulat lang ako."
"Ay oo nga pala noh. Di mo pa pala talaga ako kilala!"

Iba pala talaga sa College, noh. Parang walang pakialam halos lahat ng mga studyante. Tapos ang cool at matured na nilang tingnan. I can see the future! Charot.

"Ay, nagpakilala na pala ko kanina diba? Pero baka di mo narinig kasi pati pangalan ko nga nakalimutan mo eh- hahaha! Sa Aquamarine National High School ako grumaduate, 17 years old na ako at heto, nakakuha ako ng scholarship dito."

"Ohh. Ang galing naman, may mga kakilala din ako sa ANHS eh"
"Talaga? Ilang taon ka na nga ulit?"
"16," sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya. "Teka, ang bata-bata mo pa pala noh. Akala ko nga magkaka edad lang tayo kasi ang matured mo tingnan. Ay, sorry ang daldal ko na naman."

"Hahahaha! Okay lang!"

Nang mahanap na namin ang room ng magiging next class namin, nalaman kong kaklase rin pala namin ang mga first year Political Science students.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon