Chapter 2

88 7 2
                                    

"Skie, kailangan na pala mag submit bukas ng requirement para sa Spell Mastery 101 no?"

Ah oo nga pala, patapos na ko dun.

"Okay class, next week ang schedule for your finals. Ipapamahagi ko na ang scrolls for the subjects scheduled for your examination."

Exam na pala next week, abala pa ko sa pag te-take down notes sa ginagawa kong sample sa ipapasa bukas for research. May nag abot sa akin ng scroll na naglalaman ng schedule ng exams.

"Guys, paalala lang later 3rd period isu-submit na yung potion sa General Potion 0.3, kay Propesor O'Brien. Don't forget guys "

Yeah good thing tapos na ako dyan. Pinag igihan ko pa yung ginagawa ko. Gamit ang mahika kung saan may naka lutang na eye glass para lubusan kong makita ang bawat detalye na ginagawa ko. May mga naka litang din na papel at panulat para sa iba ko pang gawain.

"Skie, pinapasabi nga pala ng Supreme President yung hinihingi daw po nyang out put para sa darating na foundation week" lumapit sakin ang isang miyembro ng supreme leader.

"Pasabi susunod ako mamaya" tugon ko. Tinanguan na lang nya ko at hindi na inusisa pa dahil halata namang busy ako diba?

"Skieeee, sabi ni Propesor Cecilia dumeretso ka daw sa mouseìo pagka tapos ng class."

Napatigil ako, luh bakittt? Anyways I mental note that.

"Saisuke daan ka daw mamaya sa club room may itatanong si prexy" sabi nung P.R.O. nung club namin. Napalingon ako sa kanya.

Huh?

Binalik ko na ang tingin sa ginagawa kong research para matapos na, okay  ready na ako  sumagot sa clubmate ko.

"Skie, mag susubmit ka ba ng maaga ng podium for incentives? Sayang yung 5 points for beforehand submission." Singit naman nung classmate ko.

Hala waitttt

Sabay lapit naman nung isa ko pang kaklase.

"Skie, Anong isda ang malakas bumaril? Edi BA--" kinumpas ko ang wand ko para patigilin ang kumag na 'to.

Na ningkit muna yung mga mata ko at hinarap sila  bago i-digest yung mga sinabi nila. Nung naalala yung sinabi nung clubmate ko tumugon na ako sa kanya.

"Sabihin mo busy ako pumunta sya dito" bwiset na Mavis yun ah. Yung bida-bida naming 'president' ng club. Umuyaw kasi ako mag president kaya naman sya na ang nag-volunteer maging president. Andami ko na kasing responsibilities.

"Okay, bye!" Saka sya umalis sa harap ko at lumabas sa room

Nang humarap naman ako sa kaklase ko iwinasiwas ko ang wand ko tsaka lumitaw ang project ko saka binigay sa kanya. Nginitian naman nya ako tsaka iwinasiwas din ang wand nya para itago ito.

"Bye Skie, gotta submit these! Kaya mo yan hahaha" pinat nya pa ang ulo ko saka sya umalis sa harap ko at na ngolekta pa sa iba.

Napa buntong hininga na lang ako at sumandal sa chair ko. Lumingon muna ako sa paligid, it is a hella week indeed. Everyone are busy with their own stuff. No one has a time to spare before submitting their requirements. Wooh!

Niligpit ko na ang mga gamit ko, inalis ko na rin ang mahika na gamit ko para maging eye glass. Pinatigil ko na din ang mga papel at panulat na kinokontrol ko.

I gotta go to the Supreme Court before heading to Potion Laboratory. Kinuha ko na ang mga gamit ko saka naglakad palabas ng room. Hayy, sana wala akong nakalimutan.

The Naughty WitchWhere stories live. Discover now