Chapter 4

60 7 0
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na sumisilip mula sa bintana, hindi ko pala na ayos ng mabuti. Naghikab muna ako at nagkusot ng mga mata, tumulala... Ilang minuto pa ang lumipas bago ko kunin ang orasan  para i-check sa side table ko. Alas syete na pala, paktay hindi na 'ko nakasabay sa breakfast. Kapag alam kasi nila na nag lamyerda ako sa gabi, 'di na nila iistorbohin ang tulog ko.

Inilapag ko na ulit ang orasan saka nag pasyang bumangon na. Nang maka-upo ako ay 'di ko maiwasang sulyapan ang bigay na bulaklak sa akin ni Blaze. Ang malanding yun. Sinulyapan ko ang higaan ni Chivalry, wala sya dun. Kagabi rin ay wala sya dun. Baka sa bubong na naman ng palasyo yun tumigil. Lagi naman yun ganon. Umalis na ako sa kama at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang gripo sa bath tub at binuhusan iyon ng body wash. Nag hubad na ako ng saplot at isinuot ang robe habang hinihintay na mapuno ang tub. Pumunta muna ako sa may sink to brush my teeth.

Matapos yun ay umupo muna ako sa chair sa may vanity ko roon, obsess talaga ako sa mirrors. Like I always want to see and check myself. Tumulala lang ako hanggang mapuno na ang tub. Hinubad ko na ang robe ko, pero bago ako lumumblom ay kinuha ko muna ang jar ng rose petals. Kumuha ng tatlong dakot saka ibinudbod sa tub ko, ibinalik ko na ito sa sahig para makaumpisa na ako mag relax. Sumampa na ako sa tub at ginawang komportable ang sarili ko.

Hay, ang sarap talaga... Buti na lang hindi ako grabe tamaan ng alak. Kahit naka ilang shots ako kagabi ay hindi naman ako nag ka hang over. Buti naman.

Ipinikit ko ang mga mata ko para mas ma-relax ako. Ikinumpas ko ang kamay ko para patugtugin ang gramophone. Nang marinig na ang paborito kong tugtog ang nag play ay nakuntento na ako. Nilandi-landi ko pa ang mga rose petals parang sa movie, char hahaha!

Nang makalipas ang 30 minuto ay umahon na ako at nag shower. Humarap na ako sa vanity para mag skin care, nag lagay ng essence, moisturizer, nag jade roller pa ako na pinalamig ko muna para masarap. Saka ako nag lip moisturizer.   Nang makuntento ay nag hanap ako ng pwede kong isuot sa walk in closet ko. At dahil hindi ako aalis at titigil lang ako sa palasyo ay kailangang maayos ang isusuot ko.

Nang makita ko ang isang puting gown na gawa sa lace at mga crystals na gold ay na cutan ako kaya naman iyon ang napagpasyahan kong suotin. May slit pa ito sa kanang hita, cute. Kumuha na rin ako ng white stilletos. Sinipat ko na rin ang bet ko isuot na putong, pinili ko yung gold.

Habang nag lalakad ako papunta sa vanity ay sinasabayan ko ng hum ang tugtog. Sarap sa ears... Pinadaan ko ang daliri ko sa drawer ng mga jewelries sa gitna ng walk in closet. Wala lang, kunyari cute.

mupo na ako sa harap ng vanity. Saka ko pinatuyo ang hair ko. Kung bakit walang nag a-assist sakin? Ayaw ko kasi. Yung tipong may mags-scrub ng katawan ko, may magjo-join force to fix my hair and like may ibang dudutdot sa mukha ko? Err major no. Na iirita ako, so ako na lang.

I just apply lip color and glitters sa akin to feel cute hehe

Nang ma satisfy na ako sa itsura ko ay isinuot ko na ang outfit ko for today. Lumabas na ako ng kwarto at may naka abang na agad sa akin na isang prie na always naka sunod sa akin for my assistance. Like yaya get me some water! Get me some food! Get me a jowa! Char.

"Magandang umaga Princesa Skie" yumukod pa na pagbati nya sa akin. Tinanguan ko lang sya.

"Sila Ina at Ama?" Usisa ko

"Ang mahal na Hari ay nasa punong bulwagan, kasalukuyan sya ngayong nakikinig sa mga hinaing ng mga magsasaka ng kanlurang bahagi ng Allirem. Ang mahal na Reyna naman ay nakikipag pulong sa mga konseho." Tugon nya sa akin.

The Naughty WitchWhere stories live. Discover now