Dumating na naman ang lunes at heto ako ngayon naglalakbay na papuntang Academia. Sakay sa walis at nagmamadali na, bago kasi ako dumiretso sa silid aralan ay pupunta muna ako sa club room. Last time kasi hinahanap ako ng president dun, ano kaya ang kailangan nun?
Nang makapasok ako sa Merilla ay kitang-kita ko ang mga estudyante na katulad ko ay nagmamadali na rin. Napaka daya po ng mga bampira, ang bibilis nila. Lumapag ako sa ramp kung saan pwedeng sumakay at bumaba ang mga galing sa himpapawid.
Nang makababa ako ay binabati ako ng mga nakakasalubong ko na sinusuklian ko naman ng tugon at kung minsan ay ngiti.
"Good morning Skie!" Bati ng isang miyembro ng Supreme Court sa akin.
"Morning!" Tugon ko, "Diretso na tayo sa Court ah after dismissal" dagdag ko pa.
"Alright, see you later" saka sya dumiretso na sya sa building na paroroonan nya. Ako naman ay ganundin, wala na ako masyadong alalahanin dahil ang ibang requirements ay nung weekend ko isinubmit na yey! Probation na lang and practical!
Bilang final week na ng mga graduates naka complete uniform kami, underneath of the black blazer with a crest of the Academia on its pocket on the left side of the chest is a white long sleeve overlayed by a red vest with gold as its buttons. Same goes with the guys, the only difference is that they wear slacks while we wear black above the knee skirt as our bottom. Black high socks and black elevated shoes. The thing that can differentiate a senior from junior is that we wear scarves around our neck for the girls, guys wear ties, juniors don't.
I walk my way to the club room which is on my south west, nang makarating ako ay sya namang labas ng president namin.
"Mavis"
"Skie!"
Magkasabay pa naming sabi. Bitbit nya ang bag at scrolls, maybe reviewer nya and paper works ng club namin. Halata ang pagmamadali na rin nya, within 15 minutes kasi ay start na ng first period ng probation.
"Skie, later na lang let's go na sa room!" Sabi nya at niyaya na ako papunta sa room namin sa Graduati ad Aedificationem.
"Can't we talk while getting there?" Tanong ko like, sayang ang punta ko dito! Sana dumiretso na lang ako sa building namin. "Sayang ang punta ko dito!" Rant ko habang sumusunid na sa kanya, trying to keep up with her fast walk.
"Eh later na, I know for sure that we can't discuss it thoroughly eh." Maarteng saad pa nya. Anla! Ano kaya yun?
Napataas nga ang kilay ko. Medyo malapit naman na kami sa building, konti na lang. Nahabol ko din sya, ngayon ay magkatabi na kaming naglakad.
"Hay nako Mavis ah. I feel something weird, ano na naman yan" usually kasi sinasabi na nya ng diretso sa akin, like bibigyan nya pa ako ng you can't do anything about it tone.
"OMG Skie, don't be talkative na baka mawala pa yung nireview ko sa mind ko. Your so daldal ha..." reklamo nya pa, may pag hawak pa sa may noo nya at dinadramahan pa ako.
Hinila ko ang ilang strand ng buhok ng babaeng 'to gamit ang mahika. "Hay nako Mavis!" Napadaing naman sya sa ginawa kong iyon.
"Ouch naman Skie!" Sabay haplos sa parteng hinilahan ko.
Nang makarating kami sa Graduati ad Aedificationem ay dumiretso na kami sa floor namin, ang nag iisang gusali kung saan ang mga magsisipagtapos lamang ng pag-aaral ang maaaring tumapak. Makikita sa naka siwang na mga pinto ang mga estudyanteng hindi magkamayaw sa pag-aaral. May mga naka umpok at doon nag re-review. Tuluyan na akong tumigil sa harap ng room ko. Humarap na ulit ako sa kasama ko para muling mag usisa pero wala na sya sa tabi ko!