This Annoying Boy! [BOOK 2]

64.7K 436 53
                                    

Setting : 1 week pagtapos ng end of second year college.

"Kath.. I think we need to end it here."

Nang marinig ko 'yon, parang nabingi ata ako. Anong tatapusin? 'To talaga si Dj hindi nililinaw 'yung mga sinasabi niya.

"What, Anong 'end it here'? Anong tatapusin? Pakilinaw nga. Ikaw talaga. Hahaha." Tumawa ako. Hindi naman siguro 'yung iniisip ko diba? Linawin mo Dj, please.

"Alam mo naman siguro ang sinasabi ko, diba?" Nakatingin lang ako sakanya. So yun nga. Yun nga yung iniisip ko.

"Straight to the point, Dj. Ano ba, pinuputol mo pa eh." Lumalabo na paningin ko dahil napuno na ng luha yung mga mata ko.

No. No. No.

"Straight to the point? Let's. Break. Up." Diniinan pa nya.

Bakit?



3 WEEKS AFTER.

**ring ring**

Habang naliligo ako, nagring yung phone ko. Aba't sa lakas ba naman ng volume ko eh, umabot pa dito hanggang sa CR.

May shampoo pa ako sa buhok. At dahil matigas ang ulo ko, lumabas ako. Siyempre may bathrobe.

Kinuha ko yung nakataob ko na phone sa kama nang biglang..

"Shet yung mata ko!" Nalagyan kasi ng shampoo eh.

Sinubukan kong buksan yung mata ko kaso lang yung nakikita ko ay yung Slide to Accept. 'Di ko makita yung caller. Ay bahala na nga.

"Hello?"

< Kath.. > Biglang nanghina ako.

"D-Dj?" No, hindi ako puwede mautal. 

< H-How are you? >

"I'm fine. Happy in the moment. You?" I need to sound happy. Well, masaya naman talaga ako sa three weeks ng pagiging single eh. Stress-free nga eh.

< K-Kath.. baby, I need you. >

After mo makipagbreak, magmamakaawa ka na ngayon? At wala pang isang buwan ang lumipas ah.

*********

Comment for the first chapter!

This Annoying Boy! [Kathniel] [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon